Chapter 29

93 2 0
                                    

Clarrise

We decided na bigyan ng ilang araw break ang apat na kasambahay namin kaya kaming tatlo ni Manang Celia ang nandito sa bahay. sinabi na rin namin sa kanya ang namamagitan sa amin ni Jasmine, ang importante ay sinuportahan niya kami at di siya naghusga.These past few days ay dahil sa pagtuturo ni Manang Celia, ay nakakapagluto na ako ng adobo, tinolang manok at ilang potahe. nagustuhan naman ni Jasmine ang luto ko.

"Tikman mo itong tinolang manok baby," nakangiti kong aya sa kanya.

"Wow! Yummy! magaling na magluto si baby." compliment niya sa akin.

"Mas magaling ka kaya magluto, ako nagsisimula pa lang matuto." anang ko. napatitig siya sa labi ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka ako hinalikan. nagsisimula naman ako mag-init nito.

"Anong ibig sabihin ito!!" isang galit na galit na boses ang narinig namin, nabungaran namin ang pagmumukha Daddy tila dismayado at nandiri ito sa nakita niya halikan namin ni baby.

"Dad, I--ikaw?" salubong at nagulat na bungad ko. akala ko nasa business trip ulit si Dad sa susunod na linggo ang uwi niya.

"Magkapatid kayo paano ninyo nagawa ang makasalanang bagay na yan!" panunumbat at panenermon sa amin ni Daddy.

"Dad, hindi ko tunay na kapatid si Clarrise, adopted ninyo lang ako." kalmado wika ni Jasmine na parang wala lang sa kanya ang nakita namin reaksyon ni Dad.

"Kahit na babae pa rin kayo pareho! ikaw Jasmine!ang dapat na gumagabay kay Clarrise, sa tamang landas ngunit ano itong ginawa mo na impluwensyahan mo siya! I am so disappointed to you Jasmine, kaya pala ayaw mong magpakasal sa lalaki dahil ang gusto pala ay si Clarrise!!" paninisi niya kay Jasmine habang dumadagundong ang boses nito sa buong kusina.

"Ikaw ang may kasalanan! kung bakit? nagkaganyan si Clarrise!!" sigaw pa ni Daddy. shocked ako ng biglang sampalin ni Daddy ng dalawang beses si Jasmine sa kanan pisngi, dahilan upang mamula ito. paano kapag tuluyan ng malaman ni Daddy ang tunay na pagkatao ni Jasmine? nagawa niyang pagbuhatan ng kamay ang Empress.

"Daddy!! bakit mo ginawa 'yon!!" galit na sigaw ko. nag-alalang tumingin ako kay Jasmine. blanko ang mukha niyang tiningnan si Daddy.

"Tapos na po ba kayo, Daddy?" tinig ni Jasmine kaso malamig ang tingin niya kay Daddy.

"Itigil na ang relasyon ninyo!!" galit niyang wika sa amin ni Daddy.

"Patawarin ninyo po kami Dad, pero ipagpapatuloy namin ni Clarrise, sa kabila ng pagtutol mo!!" madiin at matigas na sagot ni Jasmine kay Dad. dinuro ni Dad si Jasmine.

"Wala kang utang na loob Jasmine! matapos ka namin ampunin ito ang igaganti mo sa amin!!" panunumbat ni Dad kay Jasmine.

"Malaki ang pasasalamat ko po sa inyo, sa ampunin ninyo sa akin.. ngunit ang patigilin mo ko sa relasyon ko kay Clarrise, 'yan ang di ko magagawa!" mariing sambit ni Jasmine.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga Elites, sa pamilya natin dahil nakipag relasyon ka sa kapwa babae mo Jasmine ang matindi pa ay kapatid mo pa! ang resulta nito ay eskandalo ang kalalabasan nito! kaya huwag ka ng dumagdag sa ikakapinsala ng pamilya natin... isa pa malaking kahihiyan ang kalokahan mo! mahiya naman kayo sa mga pinag-gagawa ninyo! nakakadiri kayo!!" nanggagalaiti niyang bulalas kay Jasmine. halatang-halata sa mukha ni Dad, ang pagka-ayaw niya sa relasyon mayroon kami ni Jasmine. mas iniisip pa niya ang sasabihin ng ibang tao sa pamilya namin kaysa sa nararamdaman ko.

"Dahil kinikilala ako Ashford, wala akong paki-alam! malaman man nila at husgahan ako nang lahat, tulad ng ginagawa mo! di na magbabago ang pagtingin ko kay Clarrise," mabilis pinisil ni Jasmine ang kamay ko.

"Daddy, lesbian ako! bakit di mo tanggapin ganito na ang pagkatao ko!!" alingasgas ko sa kanya.

"Hindi anak si Jasmine, ang masamang nag-impluwensya sa'yo!" tugon niya na habang napakasama niyang tinitigan si Jasmine.

"Ang babae ay para lamang sa lalaki at hindi pwede ang magkaparehong kasarian dahil labag sa kautusan ng Diyos! mga salot sa lipunan ang mga LGBT na 'yan, pagkatapos idadagdagninyo pa ang mga sarili ninyo!" pangaral at pagdidiiin sa amin ni Daddy. nakakadismasya imbes suportahan niya kami dahil masaya ako ay siya pa ang unang tutol dahil nagmahal ako ng kapwa ko babae.

"Daddy, being part of LGBT community is not a sin, It is not a crime... stop using God to justify your prejudice, God's main message is to love one another you're just looking for an excuse to hate us!" matalas na sagot ko kay Daddy

"Kasalanan pa rin 'yan ang pinaggagawa ninyo! sa ayaw at sa gusto mo Clarrise, sa Amerika ka na mag-aaral sa lalong madaling panahon, ikaw Jasmine maiiwan ka dito.. I will not tolerate this kind of relationship!!" pasigaw at pinal na sabi ni Dad, sa amin. lumitaw pa ang mga ugat nito sa natuklasan niya. galit na umalis si Dad.

"Natatakot ako, sa posibleng gawin ni Daddy," nanginginig kong anas.

"Wala kang dapat ikatakot Baby, hindi ako papayag na mapaghiwalay tayo ni Daddy, masaktan na kung masaktan, basta ipaglalaban kita." ngiting pag-aasure niya sa akin at mabilis niya akong niyakap.

"Mali sa paningin ng iba, pero sa nararamdaman natin sa isa't isa walang mali kapag puso na ang nangunguna... I only have one life and I only wanna live it with you, baby." pabulong sambit ni Jasmine at mabilis niyang hinalik-halikan ang tenga ko, kaya ito ako nakakaramdam na naman ako ng kakaibang init. sa bawat halik niya sa tenga ko ay kinikilig ako.

"Jasmine! lumayas ka dito!" malakas na boses ni Dad. may dala siyang maleta at inihagis ito kay baby. matapos kong madinig ang binanggit di ko maiwasan ang mapa-iyak. napansin ko ang pagtitimpi ni Jasmine na patulan si Dad, dahil may respeto pa siya sa kanya.

"Kung 'yan ang gusto ninyo, aalis ako! pero ito sinasabi ko sa inyo hindi mo malalayo si Clarrise sa akin!" seryosong wika ni Jasmine. may binulong sa akin si Jasmine.

"No, worries.. baby, patuloy pa rin tayo magkikita." mahinang bulong niya. kinuha na ni Jasmine ang maleta niya saka malungkot tumingin sa akin.

"Jasmine!" tawag ko habang tumatangis. hinawakan ako ni Dad. para di ako makalapit sa papalayong si Jasmine. nang tuluyang ng makalabas si Jasmine.

"I hate you Dad!" nagbabagang singhal ko bago patakbong nagpunta na ako sa kwarto ko. hindi na ako sanay na di nakikita o nakakasama si Jasmine. paano ko pa siya makakatabi sa pagtulog kung wala na siya dito.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon