Chapter 20

126 5 0
                                    


Jasmine

Sa isang iglap nawala ang pagka-irita ko kay Dexter, kanina dahil sa mismong narinig ko galing kay Baby. Kung alam na ni Clarrise, excited na ako halikan siya lips at matulog sa kwarto niya, Syempre araw-araw na ko matutulog dun. wala na siyang magagawa dahil 'yon ang hiningi niyang kapalit para lang mapabalik ko dito sa Academy at ibalik ang mga negosyo ng mga nambully sa kanya. later ko na lang tatawagin si Lance to inform him. papasok na sana kami Clarrise sa sasakyan ko ng may nadinig kaming tumawag sa pangalan ko.

"Jasmine! wait!" hinihingal tawag sa akin ni Lance. siguro tumakbo siya.

"Napaaga ang dating nila nasa mansyon ko sila." anas ni Lance halos manginig siya. nagtatakang tumingin sa amin si Clarrise, kung sino ang tinutukoy ni Lance.

"Before ka nila kausapin gusto muna nila unang makausap si Clarrise." masamang balita sa akin ni Lance. fuck! hindi ko maiwasan na di magmura naisahan nila ako.  sinadya nilang unang kasaupin si Clarrise. di ko ito napaghandaan dahil biglaan.

"Headmaster Lance, sino ang  mga tinutukoy mong sila?" clueless na katanungan ni Clarrise.

"Di ba i told you Lance, ang itawag mo sa akin, no need to be formal." sambit niya kay Clarrise. napatango si Clarrise.

"Sila ang namumuno sa pamilya ni Jasmine at parents ng ibang ultimate 8." kasagutan ni Lance. Mabilis kaming pinapasok ni Lance sa sasakyan niya.

"Hindi ko alam parang bigla akong kinabahan." tinig ni Clarrise, bakas sa boses niya ang pagka-nerbyos.

"Kaya mo 'yan baby." pampalakas na loob kong sabi sa kanya. hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya para kahit papaano mawala ang kaba na nararamdaman niya. namalayan na namin nandito na kami sa mansyon nina Lance, pagkakita pa lang ni Clarrise ay namangha siya ganda ng bahay nila. doble ang laki nito sa Ashford mansion. sinalubong kami ng butler nila nagbow siya kay Lance at lumuhod sa akin.

"Headmaster, Empress, gusto po nila makausap si Ms. Clarrise." bungad sa amin ng butler nila.

"Okay." sagot ni Lance.

"Sige." wika ko naman.

"Good luck sa'yo Clarrise." sabi ni Lance kay Clarrise. naglakad na ang butler nila kasama si Clarrise palayo. kaming dalawa ni Lance nasa Living room maghihintay sa kanya. dumating din sina Sam, Maine at Sophie dito.

"Finally, nakarating na din ako dito sa Academy, matapos ang walang katapusan business meetings.. namiss ko ang mga kaganapan dito, parating na din dito ang iba so makukumpleto na ulit tayo." sabi ni Sam Bettany Scott, 20 yrs old, isa din siya sa Ultimate 8. ang tawag sa kanya ay music prodogy. para sa mga taong nakakakilala sa kanya siya raw ang pinakabata at pinakasikat na pionist,violist, composer, at musician ngayon. kahit anong instrumento ay kaya kong gamitin, kahit ngayon lang niya nakita. CEO and Owner of Scott Real state, Scott Fisheries, Scott Mining and Scott Music Group.

"Sinasalang na pala ang love of my life mo." banggit niya sa akin.

"Sana maayos nilang kausapin si Clarrise." hiling ni Sophie.

"Sana makalabas pa ng buhay si Clarrise, doon." nangagambang saad ni Lance.

"Huwag mo nga ako takutin Lance!" medyo nagpapanic na rin ako. ilang minuto pa lang ang lumipas ay sobrang kabado na din ako. Baka kung ano na ginawa nila sa baby ko.

"Nahihilo kami sa ginagawa mo.." ugtag sa akin ni Sam.

"Jasmine, pwede ba umupo ka muna palakad-lakad ka.. just relax." mahinahon sambit sa akin ni Lance.

"Lance! okay ka lang ba? mag-isang hinarap ni Clarrise, ang mga damuhong 'yon!" nairitang sagot ko sa kanya. kahit isang segundo man lang ayaw ko iwan si Clarrise sa kanila. dapat di ako pumayag siya ang unang kausapin nila.

"Hindi ko masisisi ang Empress, kung ganyan ang nararamdaman niya para kay Clarrise, saksi ka kung anong pag-ugali mayroon sila.. di ba nga nakatikim ka din ng parusa galing sa kanila." pagsasalita ni Sophie.

"Huwag mo ngang ipaalala 'yon, pinaka-bungungot para sa akin ang ginawa nila." nahihintakutang usal ni Lance. tumabi sa pag-upo si Maine sa kanya. nawala ng bahadya ang takot ni Lance ng lumapit sa kanya si Maine.

"Masyado ngang harsh sina Mommy, mabuti di tayo lahat nagmana sa mga magulang natin." usal ni Sam.

"Sinabi mo pa Sam," pag-agree ni Maine. nga naman ang layo-layo ng ugali nila sa mga magulang nila.

"I heard pumasok na si Dexter dito?" out of nowhere tanong ni Sam. yes inlove siya kay Dexter, noon pa man. kung tutuusin mas maganda si Sam kaysa sa akin eh. Top 3 ba naman sa listahan ng mga pinaka-magandang babae.

"Yes, nangpanggap pa siyang scholar." usal ni Maine.

"Namemeste siya sa akin, ang mas maganda Sam, huwag mong tigilan si Dexter, para sa'yo mabaling ang pagmamahal niya." utos ko na kanya. Kung sakali man magkagusto sa ibang babae si Dexter, wala na din sila magagawa.

"Gusto ko 'yan, since nandito na ulit ako sa Academy, sisiguraduhin ko this time he will fall in love with me." paninigurado sa akin ni Sam.

"I keep your words." umaasang sabi ko dito. I hope magustuhan din ni Dexter si Sam para tigilan na niya ako.

"Kaso mukhang may magiging karibal ka kay Dexter, feeling ko crush na ni Cassie si Dexter." dagdag ko pa.

"He's only mine, uunahan ko si Cassie sa kanya." determinadong tinig ni Sam.

"Nagagawa talaga ng pag-ibig haha!" natatawang wika ni Maine. siguro gusto lang niya alisin tensyon namumuo sa paligid.

"Ang suot mo leather bracelet bigay 'yan ni Clarrise?" hula ni Sophie.

"Yes! siya pa mismo ang gumawa nito para sa akin." hinawakan ko ang bracelet binigay ni Clarrise.

"Wow! ang sweet naman ng baby mo." tukso si Maine. unlike kanina sina Jim, Cassie at Nicole tanong ng tanong kung sino nagbigay ng bracelet ko. hindi ko na sinabi sa kanila. mabuti nga hindi nila minaliit ang suot kong bracelet.
after 20 minutes lumabas na din si Clarrise sa room kung nasaan ang mga 'yon. Kaso pagkakita pa lang namin sa kanya ay matamlay at lantang gulay ang mukha niya. hindi ko maipinta this is the first time nakita ko ganito siya matakot. bakas sa kanya ang matinding pangigilabot. di nga niya napansin sina Sophie dahil nakatulala lang siya.

"Baby, anong nangyari?" nag-woworry kong tanong sa kanya.

"Tao ba sila? grabe pagkapasok ko pa lang parang gusto na ko katayin dahil ang mga tingin nila sa akin ay papatay na! ang bigat ng pakiramdam ko habang kinakausap nila ako." nangangatog niyang kasagutan sa akin. habang sa akin lang siya nakatingin. mali ang desisyon kong ipaki-usap sa kanila si Clarrise. Dapat sinamahan ko siya.

"Baka iniisip mo Clarrise, mafia sila.. Hindi sila mafia sadyang ganun lang talaga ang pag-uugali nila." paglilinaw sa kanya ni Lance.

"Lalo na 'yon red eyes ang mata parang nakakita ako ng demonyo." nanginginig pang turan ni Clarrise. sa nakita ko kung paano nila sindakin si Clarrise, ay makakatim sila ng sermon galing sa akin.

"Nagtanong lang sila ng ilang info about sa akin, Binanggit nila na may nakapasa sa ginawa nilang training dahilan para maging asawa mo siya Jasmine, pero kahit takot na takot ako sa kanila ay sumagot ako na deserving din ako.. pagkatapos ay wala na silang sinabi pinaalis na nila ako." naging kalmado ang boses ni baby. matapos ang ilang minuto ay nawala din ang takot sa mukha ni Clarrise at napansin din niya sina Sam, Maine at Sophie. hindi ako makapaniwala nagawa niya sabihin sa kanila na deserve niya ako. lubos nagalak ang aking puso sa narinig ko. sabay-sabay pa silang nagpalakpakan dahil sa ginawa ni Clarrise. malaki ang chansa na mamahalin din ako ni Clarrise dahil sa pagsagot niya deserve din siya sa akin.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon