Chapter 8

149 4 0
                                    

Clarrise

Hindi na ako nagtanong sa nakita kong pagluhod ni Princess Victoria kay Ate Jasmine, baka isipin ni Ate Jasmine tsismosa ako. Kakauwi namin galing Amusement park ng papasok na kami ng maabutan namin sina Mommy at Daddy nakaupo sa living room. mabilis kaming lumapit ni Ate Jasmine sa kanila. ilang buwan din namin hindi nakita sina Mommy at Daddy dahil busy sila sa mga negosyo namin.

"Dad, Mom, we miss you po." bungad ni Ate Jasmine sa kanila.

"Na-miss din namin kayo mga anak." masayang sabi ni Mom at niyakap niya kami. may tumawag saglit kay Ate Jasmine kaya umalis muna siya. napansin ko seryoso na sina Mom at Dad nakatingin sa akin.

"Anak, kausapin mo naman ang kapatid mo, Alam namin na sa'yo lang siya makikinig." pakiusap ni Mom sa akin. binabalak nilang ipakasal si Ate Jasmine kay Bernard Caster. Top 2 ang family nila sa pinakamayaman sa high society, top 6 bachelor pa kaya madami din mga babae nagkakagusto dun.

"Kahit anong sabihin namin sa Ate mo, ayaw niyang makinig na magpakasal kay Bernard, ang tigas ng ulo niya." mahinahon pero halata ng naiinis na si Dad kay Ate Jasmine, dahil sa hindi pagsunod nito sa arrange marriage nila ni Bernard. ang alam ko gusto din ni Bernard si Ate Jasmine kaso tinanggihan siya ni Ate. ang balita ko ay bukas mag-tatransfer na si Bernard sa Elites Academy, sa US siya nag-aral. umalis nga si Nathan pero may kapalit naman si Bernard.

"Mommy, bakit di ninyo siya hayaan mamili ng lalaking mamahalin niya." I know makakatagpo si Ate Jasmine ng lalaking mamahalin niya balang araw.

"Pero, napagkasunduhan na namin ipakasal sila, pwera na lang kung..." wika ni Mom.

"Ano Mom?" tanong ko. pakiramdam ko mayroon hindi mangyayari maganda.

"Pwede naman icancel pero ang kapalit ay ikaw ang magpapakasal kay Jim." sabi niya. si Jim president ng student council at friend ni Ate Jasmine.

"Mommy! bakit ninyo? ginagawa to!" naghihinakit na boses ko. bakit pa kasi nauso ang arrange marriage na 'yan?

"Para rin sa kinabukasan ninyo 'to, anak kaya namin ito ginagawa." paliwanag ni Dad, sa akin. ang sabihin nila gusto nilang mas bumango ang status ng Ashford family.

"Kinabukasan namin o para sa inyong sariling kapakanan! pera at kapangyarihan lang ang gusto ninyo dalawa!!" taas boses kong sabi. hindi ko mapigilan na di maging emosyonal paanong hindi pagpapakasal agad ang inaatupag nila. di pa ako tapos mag-aral 'yun ang iniisip nila.

"Watch your mouth, young lady, when did you become rude?!" singhal sa akin ni Daddy. muntik pa ako masampal ni Dad, napigilan lang siya ni Mom.

"Mamili ka Clarrise, ipapakasal namin si Jasmine kay Bernard o magpapakasal ka kay Jim, bibigyan ka namin ng ilang araw para makapagdesisyon." naging malumanay na ang tono ni Dad.

"Tinatanggap ko po na ang pagpapakasal ko kay Jim." labag sa kalooban saad ko. natuwa sina Mom at Dad sa narinig nila. hangad ko ang kasiyahan at kaligayahan ni Ate Jasmine, na makahanap siya ng tunay na magmamahal sa kanya. kaya ako na mismo ang magsasakripisyo para makuha ni Ate Jasmine, 'yon.  tumakbo ako papuntang kwarto ko dito ko na ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. iyak lang ako ng iyak dito sa kwarto ko. 'Yun tipong magpapakasal ako sa lalaking hindi ko pa masyado kilala at di ko mahal.

"Kung kayo 'yan! Mom, Dad! ayaw ko muna kayong kausapin!!" sigaw ko. dahil dito nawala ang respeto sa kanila.

"Clarisse, ang Ate mo 'to." mahinahong sabi ni Ate Jasmine. kaya agad kong binuksan ang pinto at agad na niyakap siya.

"What happened? bakit ka umiiyak?" ubod ng pag-aalala ni Ate Jasmine, pagkatapos ay umupo na kami sa kama.

"Ate Jasmine, sina Mom at Dad, balak akong ipakasal kay Jim, dahil ayaw mo magpakasal kay Bernard ay ako na mismo ang nag-presinta magpakasal naaayon sa gusto nila, kaya pumayag na ako." sabi ko habang patuloy ang pag-iyak ko. inaalo ako ni Ate Jasmine, naramdaman ko na ligtas ako sa mga bisig niya. ang bango pa niya amoy vanilla. sarap sa ilong amuyin. tumingala ako sa kanya sa narinig niyang pagpapakasal ko dahil sa kagustuhan nina Mom at Dad ay biglaang nagdilim ang expresyon niya pero agad din nawala ng tumingin ako sa kanya. pinunasan ni Ate, ang luha ko gamit ang panyo niya.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon