Chapter 13

173 3 0
                                    

Clarrise

Naririnig ko galing sa mga classmates ko na tinanggal sa Elites Academy si Wilma, ngayon ayaw at biglaan din daw bumagsak ang furniture business nila. syempre nakaka-awa din siya dahil walang gusto bumagsak ang negosyong pinag-hirapan ng pamilya. Lumipas ang ilang linggo ay ako na raw top 1 sa buong Elites Academy kaya hindi maiwasan tampulan ako ng bulung-bulungan natalo ko raw natalo ang genius princess, Paano daw nangyari naging top 1 ako? pinakita sa akin ni Ate Jasmine ang mga quiz at exams niya. bumaba siya. nakakapagtaka noon ay laging perfect ang mga exam at quizzes niya, kahit walang review ay napeperfect niya pa. mas naging sweet si Ate Jasmine, siya kaya hinahayaan na lang siya. nakikita ko sa kanya kung gaano niya talaga ako kagusto. lalo tuloy ako nakakaramdam ng guilt dahil sa plano ko. kahapon nakuha ko na rin ang info mula sa private investigator ko na kinuha para kumalap ng mga impormasyon patungkol sa tunay katauhan ni Ate Jasmine. base sa binigay na folder ng private imbestigator ay namatay sa paglubog ng barko ang tunay na parents ni Ate Jasmine noong apat na taon gulang siya. wala rin daw siyang kamag-anak or pinsan. napunta na siya sa San Jose orphanage kung saan siya na-adopt nina Mom at Dad. lunch break naman kaya usual dito pa rin ako sa Academy garden nakatambay nakaupo sa blenchers. binabasa ko ang folder na naglalaman ng info kay Ate Jasmine. subalit bakit ganito di ako kumbinsido sa mga nakalagay na info dito? may kumalabit sa likod ko. si Headmaster Lance ang nasa harap ako nakatayo. umupo siya sa tabi ko. totoo ba ito? nasa harapan ko mismo ang Headmaster wala akong nakikitang pangit sa kanya. ang perfect ng pagkakahulma ng mukha niya. sobrang gwapo niya. siya ang pinaka-crush ko lahat. no doubt siya ang number 1 Eligible bachelor sa mundo. sa kanyang mohawk light ash blonde hair, big forehead, attractive eyebrows, electric blue eyes, pointed nose, pointy natural lips, long face, white skin, sexy athletic body.

"Hi, Clarrise."  agad akong tumayo at nagbigay galang sa kanya.

"Kilala po ninyo ako Headmaster?" pakaba-kabang tanong ko. gaya sa Headmistress ay walang kahirap-hirap ko din nakita ang Headmaster ng malapitan. kahit 17 yrs old lang din ang Headmaster kagaya ko kailangan ko pa rin siya respetuhin.

"Nabanggit ka na sa amin ni Ms. Jasmine."

"Please, Ms. Clarrise, lagi mo pasiyahin si Ms. Jasmine.. ikaw lang ang makakapagbigay ng kaligayahan na 'yon, this time she deserve to be happy." malalim na pahayag niya sa akin at tila may halong pakiusap sa akin. nagmadaling umalis ang Headmaster at iniwan ako na may gustong itanong pa sana sa kanya. Bakit masyadong inaalala nina Headmistress Sophie at Headmaster Lance ang kung ano man nararamdaman ni Jasmine?  Bakit big deal sa kanila?

"Ano 'yan hawak mo folder?" sulpot ni Jasmine sa harap ko. nakaramdam ako ng nerbyos. baka malaman niya pina-imbestigahan ko siya. maaari siyang mawalan ng tiwala sa akin. nagsimula na kami mag-lunch dalawa.

"Ah.. research paper na kailangan ko ipasa kay Prof. Charlene, mamaya." sana maniwala siya sa dahilan ko. hindi na siya muling nagtanong pa. thank god. tinago ko sa likod ang folder. I don't know kung ano ang status namin dalawa. Kung gf ko ba siya o ano. walang label basta ang sweet at clingy ni Jasmine, kapag kaming dalawa lang. di na din siya sumasabay mag-lunch  sa Ultimate 8 at ibang friends niya. ang sabi ko baka magalit ang Headmistress at Headmaster dahil hindi na nag-lunch kasama nila ang sagot ni Jasmine, okay lang daw wala siya sa lunch nila. Jasmine na lang daw ang itawag ko sa kanya. pero kapag nasa harap nina Mom at Dad ay Ate Jasmine, hindi pa nila alam na batid ko na hindi ko kapatid si Jasmine.

Jasmine

Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa mga nakalipas na araw ay mas naging malapit pa kami ni Clarrise, pero ngayon iba na. kung sasabihin niya gusto niya ako maging gf ofcourse di na ko magpapakipot pa. or other way around ako na magsasabi sa kanya kung gusto niya maging gf ko siya. wala sina Cassie, Jim at Nicole, busy sila sa kanilang mga ginagawa. Si Cassie, supermodel kaya may photoshoot 'yon, si Nicole nagpapractice ng Volleyball, inaaya nga niya ako sumali sa volleyball ayaw ko lang. habang si Jim sa student council ang focus niya maraming activities ang pinag-usapan nila lalo na malapit na ang Academy festival. may naisip siyang suggestion na maglaban daw kami ni baby ko sa Quiz bee. magpapatalo na lang ako dun. nandito ako sa office ni Sophie after class habang kasama namin din si Prof. Charlene, nakahawak siya sa baywang ni Sophie at naglalandian pa. They are so inlove to each other.

"Nilalamgam kami dito!" pagpaparinig ni Lance sa dalawang lovebirds. sa harap ng maraming tao maingat at formal kumilos si Lance, pero kapag kami na ang nakakaharap niya at ang Ultimate 8 kulang na lang makipag-bardagulan na siya.

"Kakarating lang din ni Sophie, galing din sa ilang linggo niyang business meeting! namiss ko siya.. kaya pwede huwag kang panira Lance!" paninita ni Charlene kay Lance.

"Sadista ka talaga kailan! Ate Charlene!"

"Sophie, tell me baka ginayuma ka lang niyan ni Ate ha? kung bakit ka na-inlove sa kanya." banat pa ni Lance. tumingin si Charlene ng masama sa kapatid niya.

"Sadyang kusang tumibok ang puso ko kay Charlene." anang ni Sophie saka niya hinawakan sa mukha ang kamatis na si Charlene.

"Ikaw ano pang ginagawa mo nakatunganga pa diyan? bahala ka kapag naunahan ka ng ibang lalaki kay Maine, botong-boto ako kay Maine kaya push mo 'yan Bro." pagpupush sa kanya ni Charlene.

"Sige na nga! liligawan ko na si Maine!" determinadong saad ni Lance. Atleast nagkaroon siya ng confidence sa sarili niya. bumaling ng tingin ang tatlo sa akin.

"Hangad namin ang kasiyahan mo." wika ni Lance.

"Jasmine, magtira ka ng pagmamahal para sarili mo, kaso iba ang nangyari masyado ka ng nalubog ng pagmamahal mo kay Clarrise, to the point nakakalimutan mo na ang sarili mo...lahat ginagawa mo sa kanya.. ayaw na ayaw namin pagdating ng araw masaktan ka ni Clarrise, na huwag sana mangyari." ubod ng pag-aalalang sabi ni Charlene.

"Charlene, ngayon ang iniisip ko hindi ang hinaharap." wika ko. Kung mangyari man saktan ni Clarrise, ang puso ko hindi ako handa kung paano ko tatanggapin.

"She's starting to investigate you." tawag sa akin ni Sophie.

"So it means lumalakas ang pagdududa niya sa pagkatao mo." sabi ni Lance. ang hawak niyang white folder kanina ay info ko na pala.

"Nagpunta ba naman kayo sa bahay nila, hindi tanga si Clarrise syempre mag-iisip 'yun! kung bakit kayo nandoon sa Ashford mansion." tukoy ni Charlene kina Sophie at Lance. napakamot sa ulo ang dalawa.

"Oh, hayaan ninyo siya." walang problema sa akin, kahit ilang beses niya kalkalin ang buhay ko.

"Anong masasabi mo sa performance ni baby ko, sa klase mo?" interesadong tanong ko kay Charlene.

"Siya ang pinaka-active at nagpaparticipate sa recitation, matalino si Clarrise kaya nga siya top 1 ngayon.. pero ikaw alam namin talagang nanadya ka na di magseryoso sa pag-aaral para maging top 1." tinaasan ako ng kilay ni Charlene. hindi na ako nagkomento pa sa sinabi niya.

Pagkarating sa kwarto ko ay agad akong napasabunot sa buhok ko dahil sa pilit pa rin sumasagi sa utak ko ang mga sinabi ni Clarisse, kani-kanina lang. parang ilang beses na niya ako inaakit sa mga salita pa lang niya na tagos sa buong sistema ko. i want her to my first, kung mang-aakit pa siya baka bumigay na ako, napahiga ako sa kama saka nagpagulong-gulong tuwing iniisip ko kung magiging girlfriend ko ba siya. nakarinig ako ng pagkatok kaya binuksan ko ang pinto. si baby ko.

"Can you be my girlfriend." pagtatapat niya sa akin na siyang ikinagulantang at ikinalaglag panga ko kasabay nun ay para akong mamamatay sa kilig na nararamdaman ko. hindi ako makapaniwala si Clarrise! inaya akong maging gf niya! OMG! i am going to die! dahil nga sa sobrang shock ko sa mga pangyayari ay bigla na lamang akong nawalan ng malay.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon