Chapter 18

121 5 0
                                    

Jasmine

Kailangan maka-isip ako ng ibang paraan para mawala sa landas ko si Dexter, dahil guguluhin niya ang mundo ko. naudlot pa tuloy ang breakfast namin ni Clarrise dito sa Lake.

"Dexter, huwag na huwag kang gagawa ng hindi maganda kay Clarrise, kung di ako na makakalaban mo!" malamig na tono ng boses ko na may halong pagbabanta na.

"I know alam ko ang kaya mong gawin, beside don't worry wala akong gagawin na masama kay Clarrise, hindi ko gagamitin si Clarrise para lang matuloy ang kasal natin." paninigurado niya. Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi kaya kailangan ko mag-ingat.

"Grabe kung protektahan mo siya." pagpapatuloy na sabi niya. di rin ako magtataka kung alam niya ang mga ginagawa ko.

"Yes I will protect her no matter what." malamig na boses kong sagot.

"The question is hanggang kailan? dapat ikaw ang pinoprotektahan pero kabaliktaran ang nangyayari ikaw pa ang nagpoprotekta kay Clarrise, kaya boto sila sa akin dahil kaya kitang protektahan sa mga nagtatangka sa buhay mo na di magagawa ni Clarrise." sunod niyang sabi. umaasa siguro siya na magbabago pa ang pagmamahal ko kay Clarrise, dahil sa hindi ako kayang protektahan niya hindi ko kailangan ang proteksyon ni Clarrise, mas gusto ko ako ang nagpoprotekta sa kanya.

"Porket mahina si Clarrise, sa paningin mo Dexter, pwes sa akin siya lakas ko, Huwag ka ng umasa Dexter, magpapakasal ako sa'yo... alam na alam mo kung sino ang nilalaman ng puso ko." mababakas sa mga mata niya ang sakit sa nasabi ko ngunit agad din nawala. kung masaktan man siya kasalanan na niya.

"Ano gagaya ka sa mommy mo! karelasyon pala siya ng mommy Clarrise!" lumakas na din ang boses niya. ang dami naman babae diyan maghanap na lang siya ng iba sa kagwapuhan niya kaya niya makisabay sa apat na boys ng Ultimate 8.

"Wala kang paki-alam kung gayahin ko man si Mommy!" matigas na turan ko. ang importante ay masaya ako kay Clarrise.

"Nawawala ang dominante at maotoridad mo kapag kasama mo si Clarrise, nagbabago ang personality mo dahil sa kanya hindi ikaw ang Empress kilala namin kapag kasama mo na siya." pagpuna pa niya. para kay Clarrise isa lang akong ordinaryo.

"Buti alam mo." cold na sagot ko.

"And aside from that mamayang gabi pupunta na sila Daddy dito sa Academy, para makausap ka nga ilang beses ka na umiwas sa kanila, pero this time determinado sila makausap ka." sabi ulit niya. hays! naiinis lang ako sa pagmumukha ng mga taong yun. ngunit wala na kong choice kung di harapin sila.

"See you, My express." pagpapapogi niyang paalam tapos iniwan na niya ako mag-isa. putcha! mawawala ka rin sa landas ko Dexter. Dahil sa frustration nararamdaman ko hindi ko namamalayan tinatawag na ni Lance ang pangalan ko kasama niya si Sophie. malamang kanina pa ang dalawa na nakikinig sa usapan namin ni Dexter.

"Parang sasabog na ang bulkan sa sobrang init ng ulo mo kay Dexter." pansin sa akin ni Lance. gusto ko ngang pira-pirasuhin ang buong katawan niya at itatapon sa ilog.

"Tinotoo talaga ni Kuya Dexter, ang pagpasok niya sa Academy." malumanay sambit ni Sophie.

"Kung nagpupumilit siya sa'yo hanapin mo kaya ang kahinaan niya.. iblockmail mo siya malamang may tinatago siyang baho ganern." sabi sa akin ni Sophie. oh di ba kahit sarili niyang pinsan di niya tinotolerate maging kami.

"Kayo ang maghanap, kapag may nakalap kayo just tell me immediately." pareho naman silang tumango dalawa. sana nga may mahanap sila para masindak ko si Dexter.

"Roger!" malakas pang sagot ni Lance.

"Naka-arrange na ang pagdating dito nina Tito, mamayang gabi." pukaw sa akin ni Sophie.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon