Chapter 16

155 5 0
                                    

Jasmine

Proud ako kay baby kahit nalaman niya ang naging past nina Mama ko at Mommy Rei ay hindi siya nagalit. sa halip ay tinanggap niya ito. ang matured na niya mag-isip para tanggapin na wala ng pag-asa mamahalin pa ni Mommy si Daddy. maski ako kay Manang Celia ko lang din nalaman na naging mag-gf sina Mama at Mommy noon. ang liit nga ng mundo kung di nagpaubaya si Mama ko noon ay hindi maipapanganak ni Mommy Rei ang babaeng mahal ko which is Clarrise, maraming taon ang nasayang sa kanila. this time ay deserve nila sumaya kaya gagawin ko ang lahat para magkabalikan sila. ang saya nga soulmate ang mga ina namin tapos kami pa ni Clarrise.

"Mommy, alam ba ni Daddy unang naging gf mo ang Mama ni Jasmine?" interesadong tanong ni Clarrise kay Mommy.

"Yes, alam na alam niya i know umaasa siya mamahalin ko siya, kahit inakala ko patay na si Danielle, isa 'yan sa matinding pinag-aawayan namin tama naman ang iniisip niya kaya ayaw ko may mangyari sa amin, dahil pakiramdam ko hindi tama na may maganap pa sa amin, sa loob ng 17 yrs walang naganap sa amin una at huli 'yon nabuntis ako sa'yo anak." pahayag ni Mommy.

"Kaya ayaw ninyo makipagtalik kay Daddy, dahil kay Tita Danielle." conclusion ni baby ko. I think 'yan siguro ang pinakadahilan. hindi nakakibo si Mommy, ibig sabihin totoo.

"Eh, di Mommy ngayon gabi na natin puntahan si Tita Danielle." si baby Clarrise ko na ang unang nag-alok.

"Dahil wala na ko maitatago sa inyo sasabihin ko na miss na miss ko na si Danielle." kinakabahang sabi ni Mommy, napansin ko din sa kanya ay magaan ang aura niya di tulad ng dati medyo may pagkamasungit siya at strict.

"Mommy, ikaw ba 'yan parang di na kita kilala haha!" panunukso ni Baby ko kay Mommy.

"Ofcourse ako ito pero ikaw Jasmine, magpaliwanag ka nga sa akin may gusto ka ba kay Clarrise?" my gosh ngayon bumalik ang pagkastrikta ni Mommy Rei. di agad ako nakasagot. caught in the act ang peg ko. inlove ako kay Clarrise kaya no doubt ganun na ka-obvious pati si Mommy nalaman na niya.

"Jasmine, kahit madalas kami wala ni Roland dahil sa business at madalang lang umuwi hindi ako tanga para di mapansin ang kakaibang tingin at affection mo kay Clarrise, you love her more than a sister halata sa'yo.. kaya kahit kanino ka pa namin iaarrange marriage sa ibang lalaki wala din mangyayari." puna sa akin ni Mommy Rei.

"For example niligawan ko si Clarrise, Mommy payag kayo?" nagulat si Mommy sa sinabi ko. habang si baby nagtakip pa ng mukha niya ang cute.

"Pero ligal ka namin inampon kaya sa batas magkapatid na kayo." malungkot na pahayag niya.

"No problem Mommy, nung marealized ko mahal ko ang anak ninyo ay nagpatulong ako kay Headmistress Sophie para mapawalang bisa ang pagiging magkapatid namin ni Clarrise, na di ninyo alam." magandang balita ko.

"Really? ang laking pabor nun para tulungan ka ni Sophie." nagtatakang tanong ni Mommy. paano ko kaya sasabihin kay Mommy ang tunay kong pagkatao. ang alam lang ni Mommy Rei ay magkapatid ang Mommy ni Lance at Mama 'yon lang. so cousin ko sina Charlene at Lance. si Mama kasi bakit nung mag karelasyon sila hindi niya sinabi kung sino ba talaga siya kaya ngayon wala pang kaalam-alam si Mommy Rei about sa pagkatao namin. mas nauna pa si Clarrise makaalam. bahala na si Batman kung ano man mangyayari sa pagkikita nila ngayon gabi.

"Nasaan si Danielle, ngayon?" tanong ni Mommy.

"Nasa rest house po siya ni Tita Miriam." banggit ko.

"Yes, magkapatid sina Danielle at Miriam napapansin ko din kapag may meeting about sa Elites Academy ay lagi siya nakangiti sa akin.. hindi niya sinabi buhay si Danielle." isa kasi ang Ashford sa founder sa Elites Academy kaya may pa-meeting pa sila.

"Kasi po ayaw pong maki-alam ni Tita Miriam sa buhay ni Mama kahit pagsabi lang ng nawalan siya ng memorya at buhay siya ay di niya po sinabi sa inyo." wika ko. ang totoo niyan ay nagtatangka sa buhay ni Mama ko gusto nila makuha itong singsing na hawak ko. akala nila patay na siya kaya ngayon hinahanap nila ang singsing binigay niya sa akin noong bumalik ang alaala niya. nagkaroon lang ng selective amnesia si Mama ang nakalimutan niya ay si Mommy Rei at ako na anak niya pero si Tita Mariam at Manang Celia hindi niya nakalimutan at ang responsibilidad niya sa pamilya yun ang pinagtuunan niya ng pansin. Ito ako ngayon ako na ang may obligasyon sa family. masasabi ko naman hindi masyado matanda si Mama nasa 40's lang siya gaya ni Mommy.

"Tara na pupuntahan na natin si Mama ko," nagmamadali kong anas kina Mommy at Clarrise. nagpunta muna kami kay Manang Celia upang magpaalam na pupuntahan namin si Mama.

"Rei, kung ano man nagawa sa'yo ni Danielle ay patawarin mo na siya kung naging mahina man siya..syempre kung may hindi man maganda ang nangyari sa inyo  ang resulta ay si Clarrise na pinagpala sayo ng Diyos." anang ni Manang Celia kay Mommy.

"Yes dumating ang biyaya sa akin buhay na si Clarrise, kahit may mga pagkukulang ako sa kanya bilang ina niya ay di siya nagtanim ng galit sa akin.. isa pa matagal ko na po  napatawad si Danielle, ang mahalaga ay buhay siya.. tell me Manang Celia alam mo din ba na buhay si Danielle?" sa huling tanong niya ay sobrang seryoso ni Mommy. tumingin muna sa akin si Manang Celia na tila humihingi ng permiso para sabihin buhay si Mama.

"Oo Rei, she's alive hindi ko na binanggit sa'yo dahil may tamang pagkakataon para muli kayo magkita na mangyayari ngayon." sabi ni Manang Celia.

"Tinuturing ko na po kayo ina Manang Celia, wala akong reason para magalit sa inyo." bukal sa loob anas ni Mommy.

"Patunay ako kung gaano mo kamahal si Danielle, kahit 18 yrs na ang nakalipas ay hindi-hinding mo siya makakalimutan dahil siya nag-iisang first love mo." nakangiting tukso ni Manang Celia. ngumiti naman si Mommy bilang tugon. nagmadali kaming lumabas sa bahay ng may makita kami sasakyan sa labas.

"Hello! Clarrise, Tita Rei at Cous Jas!" masiglang bati ni Lance sa amin. wala siyang kasamang guards nila ni Sophie.

"Headmaster Lance, ano po ginagawa ninyo dito?" nabiglang tanong ni Baby ko.

"Clarrise, huwag mo na akong respetuhin call me na lang Lance." sabi niya. medyo nag-hesitate pa tumango si Baby.

"Tita Rei, dalhin ko na kayo kay Tita Danielle." panimula niya.

"Sige thank you, Lance." base sa boses ni Mommy parang nahihiya pa siya kay Lance.

"Luh, mind reader ka ba Lance? hindi ko pa naman nababanggit sa'yo pupuntahan ni Mommy Rei si Mama." nakataas ang kilay wika ko sa kanya.

"Hahahaaha! hula lang nakita ko malungkot ulit si Tita Danielle, bilang mabuting pamangkin niya kaya napag-isipan ko na din dalhin si Tita Rei sa kanya." sabi niya.

"Weh! mabuting pamanagkin ka diyan!" mas napataas pa ang dalawang kilay ko. inaasar ko lang siya haha. well totoo talaga mabait si Lance wala akong masabi sa ugali niya dahil matulungin at mapagbigay siya sa mga nangangailangan.

"Clarrise, tingnan mo binubully ako ni Jasmine!" pagsusumbong ni Lance kay Baby ko. ngumiti ng alanganin si Clarrise kay Lance.

"Kung ganun thank you sa effort mo." pagpapasalamat ko kay Lance. sa kabila ng maraming ginagawa si Lance ay concern pa rin siya kay Mama. pinapasok na kami ni Lance sasakyan niya kami ni Baby sa backseat nakaupo samantalang si Mommy sa driver seat katabi ni Lance. pina-andar na ni Lance ang sasakyan niya. humawak ako sa kamay ni Clarrise, saka niya pinipisil ang kamay ko. lambot hawakan ng kamay niya dahilan para ayaw ko ng bitawan. napaharap si Mommy sa direksyon namin ni Clarrise at tumingin sa magkahawak namin kamay.

"Jasmine, wala pa ako sinasabi pwede mo ng ligawan ang anak ko." pukaw sa akin ni Mommy.

"Malakas ako sa inyo Mommy, kaya approved na kayo sa akin." confident na sagot ko.

"Hahahhahaahaha! Tita Rei, expected ang tigas ng ulo niyan si Jasmine." natatawang sambit ni Lance. ginatungan pa nitong mokong na ito hays! ngumingiti lang si Clarrise ang ganda-ganda niya talaga ang amo ng mukha niya.

"Sa akin si Clarrise, sa inyo na si Mama parehas lang tayo." pagbibiro ko kay Mommy.

"My goodness Jasmine! kagaya mo si Danielle, madalas tinotopak!" galit-galitan sagot ni Mommy.

"At dahil din doon nainlove kayo kay Mama!" saad ko pa.

"Ginawang exchange gift hahahhha!" nakakatawang sabat ni Lance. namumula tuloy ang pisngi ni Clarrise. well pinaka-magandang exchange gift ang natanggap ko kung magka-ganun.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon