Chapter 6

181 6 0
                                    

Clarrise

Hindi ko alam kung panaginip lang ba may humalik sa labi ko kagabi, kasi parang totoo dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang halik na 'yon, ngunit sa tingin ko nag-lucid dream o sleep paralysis ako. tama 'yun nga ang nangyari kaya inisip kong may humalik sa aking labi kahit wala. panibagong araw na naman pasok sa school kaya naligo na ako saka nagbihis na. may narinig akong kumatok kaya binuksan ko ang pintuhan si Ate Jasmine may dala siyang agahan para sa akin.

"Goodmorning, Clarrise!" masayang bati ni Ate Jasmine. Kaya binati ko din siya at nakasuot na din siya ng uniform.

"Ito kain ka muna." tapos ay nilapag niya sa harap sa ko ang tray na may fried rice, bacon at sausage.

"Subuan kita." may lambing na saad niya. pero bigla lang niya kinuha ang kubyertos ko at kusa na lang bumuka ang bibig ko kahit wala pa siyang sinasabi.

"Masarap ba?" tanong niya. kaya wala sa sarili lang ako napatango sa kanya.

"Anong mayroon Ate, ang blooming mo ngayon?" interesadong tanong ko. parang ang saya-saya niya ngayon umaga. hindi na ko magtataka lagi siyang happy. ngunit parang kakaiba ang kasiyahan nakikita ko sa kanya.

"Nothing." maikli niyang sabi. baka may jowa na si Ate Jasmine ayaw lang niya sabihin sa akin.

"Ate, umamin ka nga may papables ka na ba?" mapag-usisa kong tanong. tumawa siya sa nasabi ko.

"Bf agad? hindi ba pwedeng magandang ang mood ko my little sister." pagjujustify niya. hindi na ako ulit nagtanong sa kanya. hinawakan muna niya ang buhok ko at inamoy pa ito. palagi din 'yan ginagawa sa akin ni Ate Jasmine, pero nasanay na ko. nagpaalam na kami kay Manang Celia, papasok na kami. ang top 10 most richest families kabilang ang Ashford family ay may  sariling mansion sa exclusive village dito sa loob ng Academy. sumakay na ako sa bike ko ang layo ng Ashford mansion sa mismong school building namin ay halos labing limang minuto lang.

"Palagi kang mag-iingat sa pag-bibike." paalala ni Ate Jasmine. araw-araw niya talaga sinasabi mag-ingat ako sa pagbi-bisikleta ko. kung siya raw ay mas gugustuhin niya ihatid na lang niya ako school. Kaso hindi pwede makikita kami ng   mga estudyante magkasabay pumasok.

Nagpasya muna ako magpunta sa academy lake tutal may isang oras pa ako bago magsimula ang alas otso namin klase. ang Acadamy Lake  ay hindi man-made dahil natural ito. nagmumukha itong lagoon dahil ang linaw ng tubig. bukod sa garden at library ay minsan dito ako naglalagi dahil maganda ang ambience sapagkat napapalibutan ito ng puno. ewan ko ba sa mga students hindi ko sila nakikitang pumupunta dito. sa halip ay laman lagi sila ng mall o amusement park ng Academy. humiga muna ako sa damuhan kaya di ko napansin nakatulog pala ako. pagbukas ng mga mata ko isang nakapikit na Ate Jasmine ang nabungaran kong papalapit sa mukha ko. iisipin ko kabute si Ate Jasmine bigla siyang sumusulpot kung saan-saan.

"Ate Jasmine, anong ginagawa mo?" puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya. lumayo siya ng ilang dangkal sa akin tila nag-iisip ng iisagot niya.

"Gigisingin sana kita.. Clarrise, napasarap kasi ang nap mo." alanganin tugon niya pagkatapos ay tumalikod muna siya sa akin.  bakas sa magandang mukha niya ang pagkataranta. pero bakit sobrang lapit ng mukha niya sa akin? kung gigisingin lang niya ako 'yon ba ang paraan para gisingin ang isang tao?

"Pangit ba ako, para talikuran?" pagkarinig pa lang nung sinabi ko ay mabilis siyang humarap sa akin na nag-bublush ang pisngi niya o malik mata ko lang.

"Mag—kita na lang t—ayo mamaya." pautal-utal na wika niya. kanina ang saya niya. ngayon ang weird niya? Bakit kaya? ang isipin ko muna ay ang morning class ko patay! late na ako. strikto pa man din ang prof. namin pagdating oras ng pagpasok sa klase niya. patayo na sana ako ng may naramdaman ako may humawak sa balikat ko pagkalingon ko ay nanlaki todo ang aking dalawang mata ko. paano ba naman si Headmistress Sophie ay nasa harapan ko. tiningnan ko ang paligid wala ang 'Royalties Supreme Guard' ang opisyal na bodyguard nina Headmistress Sophie at Headmaster Lance. si Headmistress Sophie Spencer Frazier, napakaganda niya kaya hindi ko maiwasan matulala sa kanya. Ito ang unang pagkakataon  nakita ko ng malapitan ang headmistress. walang kaduda-duda siya ang top bachelorrete in the world dahil sa angking niyang ganda. malaya kong napagmasdan ng malapitan ang headmistress. nakakatomboy naman kasi ang kagandahan niya  at di pang-karaniwang ganda niya dahil sa kanyang long chocolate cherry hair, fuji mount-shaped forehead, very high arched eyebrows, amber eyes, straight edged nose, sexy pinkish lips, square jawline, long face shape, top hourglass body at porcelin skin kaya kahit ang mga straight na babae ay kaya niyang baluktutin. hindi sila magkamukha ni Mark, dahil mana siya sa Papa nila samantalang si Headmistress Sophie ay nakuha lahat ang physical features niya Mama nila ni Mark. kahit ako magkakagusto sa kanya ng walang alinlangan. hindi siya nakakasawang tingnan kahit buong maghapon.

"Hello, Ms. Clarrise." panimula niyang sambit saka ako tumayo at yumuko sa kanya bilang paggalang. syempre siya ang may hawak ng pangalawang pinaka-mataas na posisyon sa High Society.

"Pwede bang makaupo."  mayumi niyang pagkakasabi. umupo siya na pa-indian seat. hindi ko aakalain na ang simple niya at di siya maarte. sa kabila ng status niya makikita mo sa kanya ang humble niya.

"Sure po." nerbyos kong wika. nakakaintimidate ang aura niya kahit 17 old pa lang siya gaya ni Headmaster Lance, ay ang mature na niyang tingnan. siya ngayon ang kasalukuyang Queen ng Business World, Elite Word at High Society kaya mas mayaman at maimpluwensya sina Headmistress Sophie at Headmaster Lance sa mga top 10 most richest families in the world kung saan kabilang ang pamilya Ashford.

"Ikaw pala ang tinutukoy ni Kuya Nathan, ipapakilala niya sa akin.. kaso hindi na mangyayari dahil nakaalis na siya papuntang America upang mag-aral." direktang sabi niya sa akin. kung tutuusin sa dinami-daming students  na gusto siyang makausap ay ang swerte ko dahil first time ko siyang nakausap ng ganito.

"Isang beses lang po kami nag-date at wala na pong iba." kinakabahang paliwanag ko. sinong hindi kakabahan nasa harapan ko mismo ang headmistress.

"Ms. Clarrise, tatapatin na kita, if ever nga naging kayo ni Kuya Nathan ay hindi ako boto sa'yo, huwag mong isipin dahil scholar, low class ka at mahirap ka kaya di kita gusto.. I have a reason why I didn't like you for Kuya Nathan," straightforward anas ni Headmistress Sophie. Hindi ako na-offend sa sinabi ni Headmistress Sophie dahil di ako nag-aasume maging kami ni Nathan, saka hindi ko ma-imagine maging Frazier at sister in law ko pa ang headmistress. tama si Nicole isang malaking pressure sa akin.

"I understand, Headmistress Sophie," bukal sa loob kong wika.

"Thank you." pagpapasalamat niya. ngumiti siya sa akin. super ganda niya natomboy na yata ako sa kanya.

"Kaibigan mo rin si Ms. Jasmine Ashford?" tanong niya. nabigla ako bakit niya tinatanong sa akin si Ate Jasmine.

"Opo.."

"Ikaw lang talaga ang may kakayahang makapag-pasaya kay Ms. Jasmine." hindi agad ako maka-react sa narinig ko. ano bang ibig niyang sabihin? masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari.

"Huwag sana magbago ang pakikitungo mo kay Ms. Jasmine," paki-usap niya habang nakatingin sa lawa. bakit magbabago ang pakitungo ko kay Ate Jasmine? imposible dahil Ate ko siya at sobrang close namin dalawa.

"Wala pong magbabago sa amin ni Ate Jasmine, dahil siya lang po ang nag-iisang kaibigan ko dito sa Academy." usal ko kay Headmistress. inilahad niya ang kanan kamay niya sa akin kaya wala sa sarili ko din siyang nakamayan bilang pagtupad. pagkatapos ng shake hands namin ay naglakad na siyang palayo. ang malaking tanong sa aking isipan ngayon. Bakit ganon ang concern ni Headmistress Sophie kay Ate Jasmine. may tinatago ba si Ate Jasmine na di ko alam? kung mayroon nga ano 'yon?

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon