Chapter 33

150 3 0
                                    

Clarrise

Sa mga nakalipas na araw mas nag-iimprove daw ako sabi ni Charlene, kasama sa nanood ngayon ay sina Lance at Chantal. syempre gaganahan ako isa mga nanonood sa akin si baby. kaso kanina dahil sa intense ng laban namin ni Charlene, nagalusan ang gilid ng labi ko ang resulta katakot takot na pagtatalak ang inabot ni Charlene kay Jasmine. ipinaliwanag ko kay baby parte talaga ng Laban ang nangyari. ofcourse kapag nagsanay ako sa mga pumapangalawa sa kanya. sigurado ako mas mahirap ang pagdadahanan ko.lumabas muna ako sa training room dito sa mansion nina Charlene at Lance. para kasing may seryosong pinag-uusapan sina Jasmine, kaya i decided muna maglakad-lakad na rin sa hindi inasahan ay may bumangga sa akin napapikit lamang ako at hinihintay ang aking pagbagsak ngunit may napakalambot na braso ang sumalo sa akin. napatitig ako sa kaygandang mata niya. ito ang pinakamagandang matang nasilayan ko sapagkat kulay violet ito. ang tanong ko mayroon bang ganitong mata nag-eexist? o baka contact lense lang. pinakatitigan ko siya ng maigi mayroon siyang, Dark Brown Scalp Hair, slopped forehead, upward eyebrows, button shape nose, cupid black lips, square chin, ang ganda nang pagkakahugis ng mukha niya. ano kayang klaseng perfume ang gamit niya? ang bango sa ilong. Siguro bumili siya ng pabango kay Xander.

"Elena!" madiin na sabi ni Jasmine, dito. mabilis akong umalis sa mga bisig niya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. ang kulay ng balat niya ay fair skin, tapos ang hubog ng katawan niya spoon body shape. nakasuot siya ng flared black dress. ang masasabi ko ay may laban ang babaeng nakaitim pagdating sa pagandahan. napansin ko sa presinsya nitong Elena, mabasa ko ang takot sa mga mata ni Lance, si Chantal nagyuko na lamang ng ulo. samantalang si Charlene neutral lang ang reaksyon niya.

"Empress! di mo ba ako ipapakilala sa kanya." bungad niya. sa halip na sagutin niya ito nagtitigan sila sa isa't isa.

"Clarrise, ang nasa harapan mo ngayon ay si 5th member, isa siya sa miyembro ng pamilya ni Jasmine, she's 37 yrs old, sa kanilang walo siya ang pinaka-maunawahin at pinaka-bata sa kanilang lahat." pakilala sa akin ni Charlene sa kanya. nung una ako nakipagkita sa kanila ay wala siya pero wala akong nakikitang madilim na awra sa kanya di tulad ng mga kasamahan niya. grabe 37 yrs old na siya pero ang bata ng itsura niya parang kasing edaran niya si Charlene 22 yrs old na.

"Magandang gabi po.. thank you sa pagsalo mo sa akin." naiintimidate na bati ko. Ang sariwa niyang tingnan plus ang maganda pa siya. Ano kayang sikreto niya bakit ang bata ng itsura niya? Di kasi naaakma sa edad niya ang mukha niya. kahawig niya si Aprodite ng greek mythology. Kung mukha ang pagbabasehan matatawag ko siya Human Aprodite.

"Nice to meet you, Clarrise.. ah nga pala pasensya ka na alam mo kung sino ang mga 'yon! sadyang mataas lang ang standard nila para sa Empress." despensa niya.

"I perfectly understand po, kung bakit ninyo ginagawa." i answered. kaso di na ko makatingin ng daretso sa kanya. nagmadali siyang nagpunta sa kinaroroonan ni Chantal.

"I miss you so much." niyakap nito si Chantal. ako ang nalilito sa nangyari? anong kaugnayan nila sa isa't isa. para kasing di sila mag-kaibigan lang. kung makatingin sila sa isa't isa ay nagliliwanag. pati nga sina Lance, Charlene at Jasmine ay wala din ideya.

"I miss you too." sagot ni Chantal.

"Don't tell me Chantal, kayo na ni Elena? di ko i ineexpect kagaya namin pero My goodness! si Elena pa talaga?" walang paligoy-ligoy sabi ni Baby. hindi ko alam kung nanenermon ba siya o pinapagalitan niya si Chantal.

"How come Chantal? me too hindi ko akalain magiging kayo?" tanong ni Charlene, Habang papalit-palit ng tingin sa kanila.

"Ano kasi sinagot ko siya nung nakaraan araw, despite our age gap di man 'yon hadlang sa kung ano man nararamdamam namin." seryosong sagot ni Chantal.

My sister is my GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon