00

1.4K 36 0
                                    


WYATT


"Don't you think you're wasting our genes, Kuya?"

He looked at Wren who was driving his car on their way to Wynn's house. He creased his forehead while looking at his brother. He was casually driving as if he owns his Benz. The only reason he allowed him to drive now was because he sprained his hand while having a sparring session with Wynn yesterday.

Kung hindi lang masakit ang kamay niya, ni salamin ng sasakyan niya ay hindi mahahawakan ng bunsong kapatid nila, e. He asked Walter to drive but he will go straight to Wynn's house from the office. Before he could ask Wise to drive, he already told him to let Wren do it.

Wren was more than willing to do it so he just let his little brother have some fun.

"What are you talking about?" He asked him and looked outside the window. It was still early and he's pretty sure that they arrived earlier than the couples were expecting them. Wala naman din silang gagawin sa bahay kaya nauna na silang umalis kaysa sa mga magulang nila.

Ang dalawang kapatid niya naman ay nagmamadali ring sumama sa kaniya kaysa sumabay sa mga magulang nila dahil alam niya naman na ayaw lang makinig ng mga ito sa posibleng sermon ng daddy nila.

"I mean, Kuya Wynn's younger than you but he's happily married with Ate Kate. Ikaw, ni girlfriend wala ka, e. Talo ka pa ni Wise," he said before looking at Wise who was reading something on his iPad. Nag-angat lang ng tingin ang lalaking nakaupo sa likod ng sasakyan bago muling ibinaling ang atensiyon sa binabasa nito.

"You have a girlfriend?" tanong niya kay Wise.

"I don't," maiksing tugon ng kapatid sa kaniya kaya nilingon niya si Wren na natatawa naman. "Wren's messing with you because he thinks you're not going to marry anyone in this lifetime."

"What?" he scowled and shook his head and leaned on his seat. Kung alam niya lang na iyon ang magiging usapan sa sasakyan niya ay nauna na siyang umalis kanina at hindi na niya tinawag ang dalawa para sumabay sa kaniya.

O kaya ay nakisabay na lang siya kay Walter papunta sa bahay nila Wynn.

"My love life shouldn't be one of your concerns," aniya sa mga kapatid. Nagkibit ng balikat si Wise at si Wren naman ay muling ngumisi sa kaniya.

Wren is their youngest and he's the most playful, too. Palibhasa ay varsity player ng Sta. Inez University kaya lapitin ng mga babae at marami talaga ang may gusto rito. Wise and Walter are similar and don't like playing around.

Wala pa rin naman talagang naipakilala na girlfriend si Walter at Wise sa kanila. Si Wren din naman dahil wala namang babaeng tumatagal dito ng isang linggo. Katwiran nito ay paano nito malalaman kung sino ang para rito kung mananatili lang ito sa isang tao.

Gago, e.

Wynn's pretty much settled already with Kate. Sometimes he wondered if his life would be similar to his brother if he didn't leave before. Kung siya ba ang pinakasalan ni Kate ay kapareho ng saya ni Wynn ang nararanasan niya?

I don't think so.

Wynn's in love with Kate, he was dumb to realize that and it took him long enough to find the courage to be with her again, so he thinks if there's anything good that happened because of what he did, it's the fact that Wynn's happy now with Kate and Wynea.

Their parents were happy, too, and that's what matters the most.

"May mga batang professor sa University, Kuya. Gusto mo ikaw um-attend sa meeting next week?" tanong ni Wren sa kaniya habang nagmamaneho pa rin ito. Muli niyang nilingon ang kapatid at pinigilan ang sarili na batukan ito.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon