08

260 7 0
                                    


OLIVIA

"Well, hindi naman nakakapagtaka kung gusto ni Wyatt si Kate kasi maganda naman talaga siya, e. She looked like a princess, actually. May anak na siya pero ang ganda-ganda niya pa rin. Ang kinis-kinis niya na talagang sa mga mayayaman ko lang nakikita."

She looked at herself in the mirror while combing her hair. Nakaligo na siya para magpapahinga na lang siya nang hindi niya mapigilan na hindi maisip ang tungkol sa nangyaring family dinner kasama ang pamilya ni Wyatt kanina lang.

Sa nakita niya kanina, naiisip niyang marahil ay may gusto si Wyatt kay Kate pero dahil asawa ito ni Wynn ay hindi nito pinu-pursue ang babae.

"Of course, it would be a scandal," sabi niya pa habang patuloy ang pagsusuklay ng buhok. Naiisip niya na marahil ay walang problema masiyado si Wyatt sa buhay nito kaya naghanap ito ng problema at iyon ay ang magustuhan ang asawa ng kapatid nito.

Napapangiti na lang siya sa naiisip. May parte sa kaniya na nanghihinayang dahil sa nakita niya kanina, mukhang mahal na mahal ni Kate ang asawa nito at walang pag-asa si Wyatt dito.

Wyatt, even though he's serious, he's nice.

Katunayan noon ay ang pagtulong nito sa kaniya.

Sumandal siya sa silyang kinauupuan at hinawakan ang tiyan at pinagmasdan iyon. "Kaya dapat siguro ay maging mabait tayo sa kaniya kasi mukhang alam ko na kung bakit hindi pa siya nag-aasawa gaya ng sinasabi sa kaniya ng nanay niya," aniya sa anak habang hinahaplos pa rin ang tiyan. Napangiti naman siya nang maramdaman ang paggalaw ng anak niya na tila ba sang-ayon sa sinabi niya rito.

Nagpapatuyo na lang siya ng buhok niya nang maisipan niyang lumabas na muna ng kuwarto para kumuha ng tubig nang sa gayon ay kapag nagising siya ng madaling araw ay hindi na siya bababa pa.

Iniisip niya rin na manghiram ng pitsel sa mga kasambahay na naroon para magdadala na lang siya sa kuwarto niya, nahihiya lang siya kaya hindi niya ginagawa.

Madilim na sa loob ng mansion at tanging maliit na mga ilaw na lang ang nakabukas doon na nagsisilbing gabay sa kung sinuman na maglalakad doon ng madilim.

Tinungo niya na lang ang kusina para kumuha ng tubig.

She bit her lip when she saw the chocolate cake on the fridge. Dahil sa kalagayan niya ay mas nagiging magana siyang kumain at hindi niya mapigilan na hindi matakam sa pagkain na naroon pero alam niyang kailangan niyang pigilan ang sarili dahil hindi naman sa kaniya iyon.

Puwede siyang kumuha ng tubig kasi mapapalitan niya naman iyon kung sakali, pero hindi ang chocolate cake na naroon.

Napalabi siya bago huminga ng malalim habang nakatingin pa rin doon. She could see the chocolate syrup and the chips around the cake and it made her mouth water.

Mahina siyang umiling at hinawakan ng mahigpit ang baso.

"Hindi. Nauuhaw lang ako. Uhaw lang ito," sabi niya bago kumuha ng tubig mula roon sa fridge habang nakatingin pa rin sa cake. Isa ang cake sa mga gustong-gusto niyang kinakain noong nalaman nilang buntis siya at tumigil lang siya sa pagkain nang hindi na siya magkandamayaw sa paghahanap kay Jerry.

"You can eat it."

Napaangat siya katawan at nakita niya naman na ang lapit ni Wyatt sa kaniya at nakatingin ito sa kaniya habang kunot ang noo nang makita siya.

"Ha?" she asked him and cleared her throat. "Ku-kumukuha lang ako ng tubig," sabi niya sa lalaki at ipinakita pa ang baso na may lamang tubig.

"Yeah, but you were staring at the cake for a good five minutes, Olivia. You can eat it," he said and she looked down. She felt her cheeks were burning because of embarrassment.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon