05

279 6 0
                                    


OLIVIA

"Kumusta naman sila? Maayos ka ba nilang tinatrato d'yan?"

Nakasandal siya sa may gilid ng bintana habang pinagmamasdan ang malawak na lupain ng mga Montes de Oca na tanaw mula sa silid na tinutuluyan niya. Kahit na may halos kalahating oras na siyang naroon para magpahangin, hindi pa rin mapigilan na malula sa lawak ng lupain ng mga ito.

The grass was so green, it was obvious that it's being taken care of well. Maging ang mga puno ay mayayabong at hitik din ang mga bunga kaya alam niyang alagang-alaga rin ang mga iyon.

She also saw horses, cattles and other animals while she was sightseeing with their properties. Hindi biro ang yaman ng mga Montes de Oca kaya naman mas nakampante siya na talagang matutulungan siya ni Wyatt na mahanap si Jerry.

With this wealth? Nothing seems impossible for them.

"They're all nice, Rose," sagot niya sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya. "They're all treating me nice, actually," aniya pa at isinandig ang ulo sa gilid ng bintana.

Kung tutuusin ay alagang-alaga nga siya roon at talagang may mga kasambahay pa ang mga ito na umaalalay sa kaniya at tanong nang tanong sa kaniya kung may gusto ba siya o ano.

Alam niya na si Mrs. Marisol Montes de Oca ang dahilan ng lahat ng iyon. She probably told everyone there to take care of her.

"Mabuti naman. Nakausap mo naman ba si Wyatt? Ano'ng sabi niya sa'yo?" usisa pa nito sa kaniya dahil hindi naman niya talaga natawagan kaagad si Rose mula ng dumating siya sa mansion ng mga Montes de Oca may dalawang araw na ang nakalilipas.

"Oo, nakausap ko na siya," sagot niya sa kaibigan. Huminga siya ng malalim nang maalala ang unang encounter nila ni Wyatt. Hindi niya mapigilan na mapangiti nang marahil ay gano'n na lang ang pagtataka nito nang sabihin niya na ito ang ama ng dinadala niya.

Too bad, she passed out and she didn't see his reaction.

I bet it was such a sight to see.

Hindi niya rin naman pa nakikita si Wyatt sa buong maghapon na iyon dahil nagpunta raw ito sa opisina sabi ng isang kasambahay na naroon nang kumain siya ng almusal kanina.

"Really? How does he look in person? Is he really handsome?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan niya sa kaniya. "I am curious since he's the father of your baby, Ollie! Para masigurado natin na maganda ang combination niyong dalawa," sinundan pa nito ng pagtawa iyon.

Napangiti naman siya at napabuga ng malalim na paghinga habang iniisip si Wyatt.

"Well..." she smiled a little. "He looks good," sabi niya sa kaibigan na nagreklamo naman sa kabilang linya dahil sa sagot niyang iyon. "He looks really good, Rose. Kaya lang laging seryoso ang mukha niya kapag kausap ako, e. Hindi ko pa nga nakita na ngumiti ang lalaking iyon, hindi katulad ng kapatid nito na kapag nakikita ako, kahit papaano ay ngumingiti sa akin."

"Oh, so you met his family already? Nasabi mo na rin ba sa kanila ang sitwasyon mo?" tanong nito sa kaniya. Napabuga siya ng malalim na paghinga at napailing ng maliit.

Pumayag siya sa sinabi ni Wyatt na hindi malalaman ng mga magulang nito ang tungkol sa pag-donate nito ng sperms nito sa kanila. Sabi nga nito sa kaniya ay mas magiging madali ang lahat kung hindi niya sinabi na ito ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Kung ngayon daw kasi niya ide-deny iyon, hindi na maniniwala ang mga magulang nito at malaki pa ang tsansa na ipa-DNA ang anak niya at malalaman din ng mga ito na talagang anak ni Wyatt ang dinadala niya.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon