04

502 19 0
                                    


WYATT

"Do you like fish, beef, pork? What do you want, hija?"

He looked at his mom who was asking Olivia about what she wanted for dinner. Kumakain pa lang sila ng tanghalian pero ang ina niya ay parang gusto na kaagad na magpaluto ng hapunan para sa babae.

"I'm fine with any, Ma'am–Tita..." alanganin na ngumiti si Olivia sa ina niya at bumaling pa sa direksyon niya at pinanlakihan siya ng mga mata na parang nanghihingi ng tulong sa kaniya upang patigilan niya ang ina.

He smirked at her and continued eating.

Bumaba na rin sina Wren at Wise para sabayan kaming kumain.

"Sit down and eat," sabi ng mommy nila na ikinakunot ng noo ni Wren. There's no doubt about his confusion. Ito ang favorite ng ina nila dahil ito ang bunso at ngayon ang atensiyon nito ay na kay Olivia lang lahat.

"She's the visitor?" tanong nito bago tumingin sa direksiyon niya. "Hi, I am Wren," pakilala nito sa babae na naglahad pa ng kamay.

"Hello. Ollie," sabi naman nito sa kapatid niya. Nilingon din nito si Wise na nakaupo na at naglalagay ng pagkain sa plato nito.

"Wise," he said and she nodded her head.

"Ollie is not just our visitor, Wise, Wren," ang mommy na naman nila ang nagsalita. "She's actually going to be a part of our family," sabi pa nito na ikinakunot lalo ng noo ni Wren habang nakatingin pa rin sa mommy nila.

"What do you mean?" si Wise ang nagtanong.

He sighed heavily and looked at Olivia who was bowing her head and biting her lip. Mukhang gusto nitong pigilan ang ina sa pagsasalita ngunit hindi nito alam kung paano gagawin iyon.

To be fair, kahit naman siya ay alam niyang hindi niya makokontra ang ina sa mga sinasabi nito kaya kailangan niyang makaisip ng paraan para makaalis si Olivia roon dahil alam niyang hindi naman plano ng babae na manatili roon.

She went there to ask for help.

"She's carrying your brother's baby," masayang sabi ng ina niya sa mga kapatid niya. Halata namang nabigla si Wren at nilingon siya. Tinapik pa nito ng malakas ang balikat niya.

"Really, Kuya? You're getting married?" he asked him and he moved his shoulder to shrug his hand off him. Tinitigan niya rin ito ng masama at pinaupo na. Si Wise naman ay nakatingin lang sa kaniya at binigyan niya ng maliit na pag-iling.

"Mommy, can you please stop talking nonsense?" tanong niya sa ina bago nilingon si Olivia na nananatiling nakayuko. "You can't just announce things like that," sabi pa niya sa ina niya na tinaasan naman siya ng kilay.

"Then you shouldn't have played around and not used protection, too, Wyatt," sabi naman nito sa kaniya. Wren bursted out laughing while Wise looked at their mother and shook his head.

Nag-angat naman ng tingin si Olivia na pulang-pula ang pisngi.

"Ma'am, hindi naman po–"

"It's fine, hija. Please forgive Wyatt for being rude. Namana niya 'yan sa ama niya," she scoffed and rolled her eyes. Bumaling naman itong muli kay Olivia at ngumiti sa babae. "Don't worry, I will make sure that you're comfortable here," masaya na muli na sabi nito.

Wren chuckled and looked at him. Halatang nag-aasar ang kapatid dahil sa mga narinig nito kaya napailing na lang din siya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Matapos kumain ay bumalik na muna siya sa kuwarto niya para kuhanin ang laptop niya bago siya pupunta sa library sa bahay nila para magtrabaho. Hindi siya nakapunta sa opisina sa araw na iyon dahil na rin sa nangyari.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon