01

601 27 2
                                    


OLIVIA


"Sigurado ka ba sa plano mong 'yan, Ollie?"

Nagpakawala siya ng malalim na paghinga habang inaayos ang mga damit niya upang mailagay iyon sa dalawang bag na dadalhin niya sa pagpunta sa Sta. Inez. May tatlong araw na niyang inihahanda ang sarili niya sa pagpunta roon pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin matiyak kung talaga bang handa na siya na puntahan ang lalaki.

She's sure as hell that he'd be so surprised to see her, but she needed him to know what happened. Hindi niya rin naman alam kung ano pa ba ang gagawin niya dahil masiyado na siyang matagal na naghihintay para bumalik si Jerry. Maging ang mga pulis ay wala ring maitulong sa kaniya at sinasabi ng mga ito na dahil sinabi ni Jerry na may kikitain ito at tungkol sa trabaho iyon, maaari raw na hanggang ngayon ay abala pa rin ang lalaki.

Hindi ako makapaniwala na gano'n mag-isip ang mga taong dapat na tutulong sa mga kagaya ko.

"I have no choice, Rose," sabi niya sa kaibigan na siyang naging sandigan niya sa nakalipas na tatlong buwan na mag-isa lang siya sa bahay nila. Mabuti na lang din talaga at may ipon siya na nagagamit niya sa pang-araw-araw niyang gastos at kailangan pero hindi rin magtatagal ay mauubos iyon kaya napagdesisyunan niya ng kailangan niyang puntahan ang lalaki.

"E, hindi ka naman kilala ng lalaking pupuntahan mo. Baka mamaya mapaano ka pa, e. Samahan na kaya kita?" bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng kaibigan niya dahilan para mapangiti siya rito. Kahit naman siya ay kinakabahan sa planong gawin pero gaya ng sinabi niya rito, wala naman talaga siyang choice kung hindi ang puntahan ito.

She's hoping he could help her.

After all, he's her baby's father.

"I will be fine, Rose. Tsaka may trabaho ka rin, e. Laking abala ko na nga sa'yo nitong mga nakalipas na buwan. Palagi kang narito sa bahay," ngumiti siya sa kaibigan at inabot pa ang kamay nito at pinisil iyon. "I promise that I will be fine," sabi pa niya na pinasigla ang tinig at tumingin dito.

Kahit na hindi kumbinsido ay tumango ito sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. "Kung nakapag-file lang talaga ako agad ng leave, sasama ako sa'yo ngayon!" sabi pa nito sa kaniya habang yakap pa rin siya ng mahigpit. She smiled while she was hugging her friend.

Kaka-promote lang nito bilang manager kaya naman ayaw niya rin na magkaproblema ito sa trabaho dahil sa kaniya at sa anak niya. Kaibigan niya na ito simula pa kolehiyo siya at talaga namang malaki ang pasasalamat niyang hanggang ngayon na may anim na taon na silang nakapagtapos ay magkaibigan pa rin sila ng babae.

"Tatawagan mo ako kapag nandoon ka na ha? O kaya kapag nahanap mo na 'yung hahanapin mo," sabi nito sa kaniya na tinanguan niya naman din. "Sige na, tutulungan na kita sa mga kailangan mong i-empake," bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kaniya. "Bibili rin ako mamaya ng mga snacks na puwede mong kainin habang nasa daan ka.

Natawa siya sa kaibigan at tumango rito. Naiisip niyang napakasuwerte niya talaga at may kaibigan siyang katulad ni Rose na talagang maaasahan niya sa lahat ng oras.

Tinulungan na rin siya nitong ibaba ang dalawang bag na naglalaman ng mga damit niya. Siya na ang nagbitbit ng bag na may laman na papel na tungkol sa anak niya at sa mga naging check ups niya dahil iniisip niyang kung sakali ay baka kailanganin ang mga iyon.

Sa umaga ang alis niya pero inilagay niya na ang mga gamit sa sasakyan na gagamitin niya para naman hindi na siya mahirapan kinabukasan. Sinaluhan din siya ni Rose na maghapunan ng gabing iyon at pinag-usapan nilang muli ang tungkol kay Jerry at kung ano ang gagawin niya kapag nasa Sta. Inez na siya.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon