06

300 8 0
                                    


WYATT

"Don't blame me if you sprain that hand again, okay?" nakangisi si Wynn sa kaniya matapos itong magpalit ng damit at samahan siya sa gym nila sa bahay nila para sa sparring session nilang magkapatid.

He was actually thinking of asking Wren to do it since he's really the athletic among the five of them, but since he's younger than him and their mom will surely berate him if he accidentally hit his face, he opted to just call Wynn.

At least si Wynn, hindi nakatira sa kanila.

"You're so full of yourself, Wynn. Pakiramdam mo ang lakas mo, e, ano?" ngumisi naman siya sa kapatid na natawa lang din sa kaniya. Madalas naman din na ito talaga ang kasama niya kapag nasa gym at ito ang madalas na ka-sparring niya.

Wala siyang maasahan kay Wise at Walter sa bagay na iyon. They just go to the gym but they don't do sparring sessions with him. Sinabihan pa nga siya ng mga ito na makuntento sa punching bag na naroon kung gusto niyang manuntok.

"Compared to you? Yes, I am," sabi pa ni Wynn sa kaniya na mukhang nasa mood pang mang-asar. Well, he's been like that since he saw Olivia earlier. Naabutan nitong kasabay niyang kumain si Olivia ng almusal at kahit walang sinasabi ang kapatid niya ay alam niya na may laman ang mga ngisi nito kapag nagkakatinginan silang dalawa.

Kate really changed this asshole.

"Dami mong daldal," sabi niya na lang at pumuwesto na para makapagsimula silang dalawa. Iyon na rin ang nagsilbing workout niya sa araw na iyon at gano'n naman din si Wynn.

Wynn's now busy with his firm. Kung minsan ay tumutulong pa rin ito sa negosyo nila pero hinayaan na rin ito ng mga magulang nila na gawin ang gusto nito dahil noon pa naman ay alam na nilang hindi gusto ni Wynn na pamunuan ang negosyo nila.

Noong napunta rito ang responsibilidad, mas nagbago ito at naging matigas.

Mabuti ngayon ay mukhang naibalik na nito ang Wynn na palaging nakikita nilang ngumingiti at nakikipagbiruan.

Love really changes people.

"So, what are you planning to do with your baby mommy?" nakasandal silang dalawa sa pader at umiinom siya ng tubig nang magtanong si Wynn sa kaniya. Pareho silang pawis na pawis dahil may halos isang oras ang itinagal ng session nila.

He shrugged and leaned on the wall again after closing his tumbler. Hindi pa rin naman niya alam kung ano ba ang dapat na gawin kay Olivia sa mga sandaling iyon.

Hindi maikakaila na totoo naman ang sinabi nito tungkol sa donation niya at posible naman talaga na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. She said she was sure, too, because she mentioned she and Jerry didn't have sex for months after his donation.

Ibig sabihin ay napakalaki ng tsansa na sperm niya ang nakabuntis sa babae.

But why the heck they're not having sex?

If I have a wife like Olivia, I will probably fuck her every night.

"Hey, I am asking you a question," tinapik ni Wynn ang balikat niya kaya napabaling siya sa kapatid at napatikhim. Lihim na napamura sa isipan dahil sa ideya na pumasok doon.

He should not be thinking those things about her. Hindi tama dahil kaya naman lumapit sa kaniya ang babae ay dahil kailangan nito ng tulong nito.

"I will help her," sabi niya sa kapatid. "And you will help me help her," sabi pa niya na tinawanan naman ni Wynn.

"Why am I involved in this? Hindi ko naman nabuntis 'yon, ah?"

Tinitigan niya ng masama ang kapatid. "Are you forgetting the fact that Kate married you because I left? Kung hindi ako umalis, wala kang asawa ngayon, gago." Iyon naman din ang palagi niyang pinang-aasar kay Wynn na tinatawanan lang nito at sinasabi sa kaniya na kahit hindi naman siya umalis ay hindi siya pakakasalan ng asawa nito dahil ito ang mahal nito.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon