07

265 7 0
                                    


OLIVIA

Hindi niya mapigilan na mapasimangot habang pinagmamasdan ang mga damit niyang nasa kama habang namimili ng isusuot niya para sa dinner mamayang gabi kasama ang buong pamilya ni Wyatt. Noong sinabi sa kaniya ng lalaki na may dinner sa kanila ay naisipan niya na ang asul na bestida niya na may maliit na ribbon sa bandang dibdib ang isusuot niya.

Pero naulinigan niya na may bisitang darating kaya naman iniisip niyang maghanap ng mas pormal na damit pa para sa hapunan mamaya.

"Ganito ba talaga sa mayayaman? Naka-shorts at pambahay lang naman kami kapag kumakain ng hapunan, e," sabi niya at muling sinipat ang asul na bestida niya.

Lahat naman din ng damit na dala niya ay pulos bestida dahil na rin sa kalagayan niya. Hindi siya komportable na magsuot ng pantalon o kaya naman shorts kaya minabuti niyang ang mga dadalhin niyang damit ay magagamit niya talaga at hindi siya mahihirapan.

Her head was canted on the side while she was staring at her dresses. May pula, may pink, may dilaw, may asul, may puti at may itim pa nga roon.

"Bahala na, if they won't like me, ano naman sa akin?" sabi niya bago dinampot ang asul na bestida na una pa lang naman ay napili niya na. She just thought maybe she can pick something nicer, but she's getting tired of choosing so she opted to pick the first choice.

Ibinalik niya na rin sa may cabinet na naroon ang mga bestida niya bago siya natigilan habang nakatingin doon.

"Ibabalik ko ba ito rito?" tanong niya habang nakatingin sa mga bestida niyang nakasampay. "Sabi ni Wyatt, aalis naman na kami rito..." mahinang dagdag niya bago tumingin sa kabuuan ng kuwarto na naging tahanan niya rin sa mga nakalipas na araw.

Hindi niya maitatanggi na naging komportable talaga ang pananatili niya sa bahay ng mga Montes de Oca. Lahat naman ng tao roon ay mababait, kahit nga si Wyatt na minsan lang ngumingiti ay may kabaitan ding itinatago.

Wala sa loob na hinaplos niya ang tiyan.

"Maybe that's the reason why your dad chose him, baby," aniya habang patuloy ang paghaplos ng kamay sa may ibabaw ng tiyan. Alam niya naman na hindi naman pipiliin ni Jerry si Wyatt ng walang dahilan.

And so far, she's thankful that it was Wyatt.

Alam niya na kahit papaano ay naguguluhan ang lalaki sa dagdag na responsibilidad nito at nahihiya naman din talaga siya rito pero wala naman din siyang magawa. She needs his help badly.

Hindi pa niya nakuha ang mga detalye sa sinabi ni Wyatt na lilipat na sila at ibabahay siya nito gaya ng pagkakasabi nito pero sa palagay niya ay dahil na rin iyon sa iniisip ng mga magulang nito na magkakaroon ng pamilya si Wyatt.

His mom once mentioned the word wedding before, too.

Bagay na alam naman nila ni Wyatt na hindi puwedeng mangyari dahil kasal na siya. Hindi nga lang niya maisuot ang wedding ring niya dahil lumuwag sa kaniya iyon simula noong nawala si Jerry. Malaki ang ipinayat niya dahil sa pag-aalala sa asawa at minabuti na lang niya na huwag suotin ang singsing niya para hindi na rin mawala iyon.

It was actually her last resort in case she ran out of money.

Naisip niyang isangla iyon para sa panggastos nila ng anak niya kaya bago pa man mangyari ang lahat ng iyon, pinuntahan niya na si Wyatt para humingi ng tulong.

Napalingon naman siya sa may pinto nang may kumatok doon.

Isinarado niya na muna ang cabinet bago tinungo iyon at pinagbuksan ang kung sinuman na nasa labas nito. Nangunot ng bahagya ang noo niya nang makitang si Wyatt ang nasa labas ng pinto kaya nilakihan niya na rin ang pagkakabukas para mas makita ang lalaki.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon