03

584 22 0
                                    


WYATT

Five months ago.

"Wynn, you can just go here and get everything your daughter wants. Bakit mo ako inuutusan?" napapailing na sabi niya habang nakatayo sa may gitna ng department store kung saan napakaraming laruan na pambata na naroon.

He's supposed to be resting now in his pad since he just finished a meeting a while ago but his asshole brother called him and asked him if he could buy dolls for Wynea. Kahit naman gusto niyang tumanggi rito ay hindi niya magawa dahil ginamit na nito si Wynea para mapasunod siya.

"Can't you buy these dolls there?" tanong niyang muli sa kapatid na kausap niya pa rin sa telepono. Napahinga siya ng malalim at tinitigan ang mga manikang naka-display roon.

"Nope. It's not available here," sagot nito sa kaniya. "Make sure to complete the Disney princesses, okay?" sabi pa nito sa kaniya.

Kung malapit lang ang kapatid ay tiyak niyang sinapak niya na ito.

"Why don't you just let Jacob buy it for Wynea?" tanong niya naman sa kapatid at saka napangisi dahil alam niya na ang kasunod na sasabihin nito sa kaniya.

"I'll triple the price, Wyatt. Just buy the damn dolls!"

He scowled and looked at his phone and shook his head. "Tanginang ito. Nakalimutan yatang mas matanda pa rin ako sa kaniya," sabi niya bago ibinalik na lang sa bulsa ang telepono at lumapit na sa sales lady na naroon na kanina pa naman din nakatingin sa kaniya.

Luckily, complete set ang nabili niya at sisiguraduhin niyang siya ang pasasalamatan ni Wynea at hindi ang tatay nito kapag binigay niya ang mga iyon dito. Ever since Wynea came to their lives, it's as if they really had a princess. Kahit sina Wren ay palagi ring binibilihan ng regalo ang pamangkin nilang iyon.

Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ba hindi rin siya tinitigilan ng mga magulang niya–lalo na ang ina niya–na magkaroon na rin ng pamilya.

His mom thinks that he's envious of Wynn. Well, a little, but that enviousness is not enough for him to just have a family of his own. Ano bang magagawa niya kung wala pa talaga siyang magustuhan?

He can't just ask someone to marry him and have a family with him.

I want to marry someone I love.

Kaya nga siya umalis noon dahil ayaw niyang ipakasal siya na lang basta ng mga magulang niya, e. Ngayon naman ay pinipilit siya ng mga ito na magkaroon na ng anak.

"Ang suwerte naman po ng anak niyo, Sir. Ang ibang daddies na bumibili, paisa-isa lang, e. Kayo lahat binili niyo," sabi ng sales lady na kasunod niya na may tulak sa cart. Alam naman ni Wyatt na masaya rin ito dahil sa commission na makukuha nito sa binili niya kaya kinakausap siya nito.

Hindi na lang din niya itinama ang sinabi nito dahil para naman na rin talaga niyang anak si Wynea. Hinayaan na lang niya ito hanggang sa makarating na sila sa cashier at bayaran ang mga iyon.

He kept the receipt since he will make Wynn pay him triple.

Inilagay niya na rin lahat ng mga paper bags sa likod ng sasakyan niya bago naglakad papunta sa gilid upang makapasok na.

"Wyatt?"

Kumunot ang noo niya nang may tumawag sa kaniya. Nakita niya naman ang isang lalaki na naroon at nakatingin sa kaniya.

"Jerry, pare," sabi nito nang tila mapansin na hindi niya naaalala kung sino ito. "Magkaklase tayo noong college!" paalala pa nito sa kaniya at nang banggitin nito ang pangalan ng professor nilang terror noong college ay naalala niya na ito.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon