10

559 11 0
                                    


OLIVIA

"The baby is healthy. I don't see anything that can cause a problem, Ollie, Mr. Montes de Oca," nakangiting sabi ng doctor sa kanilang dalawa habang nakahiga siya at nakatingin sa screen na naroon kung saan kahit papaano ay nakikita niya na ang anak niya.

Kahit naman na sobrang na-stress siya sa pagkawala ni Jerry at sinusubukan niyang hindi pabayaan ang sarili. She lost weight and Rose helped her during those tough times. Palagi siya nitong kinukumusta at pinapaalalahanan na kumain na dahil makakasama sa kaniya kung hindi sasapat ang nutrients na ipinapasok niya sa katawan.

Malaking bagay rin ngayon na nasa poder siya ng mga Montes de Oca kung saan alagang-alaga siya lalo ng ng ina ni Wyatt. Kanina lang sa almusal ay samu't saring prutas ang ipinahanda nito para raw may mapagpipilian siya kung ano ang gusto niya sa mga iyon.

"That's good to know," si Wyatt ang nagsalita at tumingin sa kaniya. "The baby's healthy," he said and gave her a small smile. Napatingin siya sa lalaki nang ngumiti, inabot din nito ang kamay niya at marahang pinisil pa iyon na tila ba sinasabi nito sa kaniya na hindi niya kailangan na mangamba o matakot dahil naroon ito at hindi siya nito pababayaan.

"Yes, and I think everyone would be happy to see another Montes de Oca soon," sabi naman ng doctor na ngumiti sa kanilang dalawa.

Napaiwas siya ng tingin kay Wyatt dahil doon. Tumikhim naman ang lalaki at tumingin sa doctor. "We will wait for the sonogram," sabi nito at tumango naman ang doctor at sinabihan ang kasama nito na asikasuhin na iyon. Sinabihan naman din siya nito na maaari na siyang mag-ayos at gagawa na ito ng mga irereseta sa kaniya na mga vitamins para masigurado na pareho sila ng baby niya na malusog.

Inalalayan siya ni Wyatt na makaupo at hinawakan din nito ang may likod niya at humigit siya ng malalim na hininga dahil doon. Kumuyom din ng bahagya ang kamay niya nang maramdaman ang palad nito sa may likod niya.

Hindi niya alam kung bakit ba nagiging apektado siya sa mga hawak ni Wyatt sa kaniya. It could be because she's pregnant and she's extra sensitive now, though.

Puwede rin naman na naiilang siya dahil matagal naman din siyang hindi nahahawakan ng lalaki dahil sa pagkawala ni Jerry noon.

Sabi nga ni Wyatt, hindi dapat lagyan ng malisya ang mga bagay sa pagitan naming dalawa.

Muli, huminga siya ng malalim bago tumayo upang ayusin ang sarili. Bahagyang namumula pa ang mga pisngi niya dahil hindi naman maiiwasan na makita ni Wyatt ang underwear na suot niya dahil palagi siyang naka-dress at kailangan din niyang itaas ang bestida para sa checkup niya.

Mabuti na lang at nakikita niyang nag-iiwas ng tingin ang lalaki. Though, of course, he couldn't help but to see it when he helped her.

"Let's go?" aya nito sa kaniya at tumango naman siya rito. Wala naman din siyang dalang bag kaya hinawakan na lang ni Wyatt ang siko niya at inalalayan siya upang pumasok sa isa pang pinto na ang mismong opisina na ng doctor.

"Here's the list of all the vitamins you will take for the next few months. Monthly checkup na muna tayo ngayon para masigurado natin na buwan-buwan ay nakikita natin ang progress ni baby," nakangiting sabi nito sa kaniya. "Here's my card, and you can call me anytime, Ollie. If you have questions or concerns, don't hesitate to call, okay?" sabi nito at tumango naman siya at nagpasalamat dito.

"Don't worry about it. Congratulations again."

Hinintay na lang nila ang sonogram at ipinabili na rin ni Wyatt sa pharmacy ang mga kailangan niyang inumin na mga vitamins. Nakaupo lang silang dalawa sa lounge na naroon habang hinihintay ang nurse na bumalik dala ang mga gamot at lahat ang mga papel na ini-request ni Wyatt.

BOF 2: WYATT LAURENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon