Chapter 27

5 5 0
                                    

Chapter 27

Cieron's Pov

“Tangina, ang aga pa  Cieron. Magpatulog ka nga."

"Stupid, how early? 6am na; bumangon ka na diyan."

"Bakit ba palagi mo akong tinatawag? Sabi mo hindi tayo close. Tawagan mo si Shawn o Kring. Inaantok pa ako eh."

"Hoy! Sa'yo ko inatas ang pinapagawa ko. Gago ka, Brent! Kanino mo inutos?" Tinawanan lang ako ng loko
"Umayos ka nga, sinasabi ko sayo."

"Tangina ang highblood agad. Ayos lang. Ako pa ba? Kaya relax lang. Hindi nila alam ang plano, kahit si Dann.

"Good, basta walang nakakaalam!"

"Oo! Paulit-ulit."

"Nasaan ka?"

"Sa bahay ng kambal mo? Kasama si Danica. Alam mong maganda siya."

"Gago anong ginagawa mo diyan?"

“Gago, gabi na ako natapos, tsaka nakakatamad nang umuwi, lalo na't may kasama ka pang napakagandang babae."

"Gago Brent, ayokong madamay sa gulo mo. Alam mo ‘yong babaeng ‘yon. Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya."

"This is judgemental again, hindi ba puwedeng magbago."

"Umuwi ka na nga! Baka masira nila ang plano natin."

"Oo! Inutusan mo talaga ako."

"Dahil may atraso ka, tanga ka."

"Hoy! Ako talaga. Sino tumakas sa kapatid ko. Talagang itinakas mo pa"

"Sige na! Gising na ang mga kasama ko." Tinapos ko ang usapan. Sinadya ko talaga si Bee itakas para protektahan siya. Tsaka nagpaalam na ako sa parents ni Bee. Si Brent lang ang hindi nakakalam  dahil kasama niya ang kanyang mga magulang sa Cebu, kung saan nakatira ang loko. Hindi ko alam kung bakit bumalik ang isang ito. Bumaba ako at naabutan ko silang nag-aayos ng almusal namin. Napatingin ako kay J.C. Unti-unting naghihilom ang sugat niya. Samantalang si Ja, na walang kaalam-alam na ospital ang daddy namin, Ngayon ay nagpapagaling na.
Kahit na bugbog-sarado siya kay Mama, tangina, mayroon pa pala siyang natitirang pagmamahal—o baka hindi naman talaga nawala. Tangina, dahil sa yaman, nagkahiwalay kami ni Ja, at si Ja ang nagdusa sa lahat ng desisyon ng mga magulang ko.

"Oo, sorry." Tumingin si Ja sa akin. Siya ay tahimik.

"Let's eat. Ang aga-aga, magdadrama pa ba tayo?" Nilingon ko si JC na abala sa pagtimpla ng kape. Binigay niya sa akin at kinuha, at umupo ako sa tabi ni J.C. Kumain kami ng walang nagsasalita.

"Baka busog na rin ako. Ngayon si Cieron ang maghuhugas, which is unfair, kumain rin siya." Tumingin lang ako kay Jc. Parang siya ang kambal ni Brent!

"Ang tanga mo! Na-assign sayo ito!"

"Anong assigned? Hoy! Pumayag lang ako, kasi ayokong maglinis ng bahay."

"Naglinis ka ba?" Nagulat sila sa sinabi ko.

"Hay! Hindi. Nakikita mong malinis at wala kang makikitang alikabok. Nakakahiya sa kaibigan mo na aalis kaming magulo at madumi," mahabang sabi ni Jc.

"You don't need to do this. Isa pa, may naglilinis talaga dito tuwing Sabado. Kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Ok, ayos lang, para walang masyadong gagawin kung sino ang maglilinis," mahinang sabi ni Shane. Isang himala na hindi kami nag-away ng babaeng ito. Lahat na lang ng ginagawa ko, may nasasabi ang bruha."

"Sige na, JC. Alam kong gusto mo nang lumabas. Ako na ang bahala rito.” Ayos na ito para hindi sila magduda habang pasimple akong nag-u-update kay Brent habang naghuhugas. Si Brent ang napili dahil siya naman talaga ang nakakaalam. Kahit na may duda ako, naniniwala akong maayos niya ito nang mag-isa. Kapag may kasama kasi, panigurado lalandiin pa niya ang kasama niya at ang ending, hindi pa natatapos. Nang matapos na ako sa paghuhugas, sinilip ko ang mga kasama ko. Nasa labas sila at mukhang nag-uusap. Bumalik ako sa kuwarto dahil maaga akong nagising kaiisip ng plano para sa muling pagkikita at pagbuo ng pamilya namin. Deserve naman ni Ja na makilala ang Mama at Ate ko. Napadapa ako sa kama habang nakatingala sa kisame.

“Cieron, Cieoron." sigaw ni Shane ang nagpagising sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla akong kinuwelyuhan ni Shane. Mukhang galit na galit siya. Hindi kasi maipinta ang mukha.
“Hinayaan ka namin sa plano mo, pero labis na nag-alala sa'yo si Ja, tapos balewala lang sa'yo. Akala namin nahuli ka na. Tapos wala kaming balita sayo. We waited for your call."
"Sino ang ka-contact ko? Hindi mo ba iniwan? Di ba nga naiwan niyo?" Natahimik si Shane.
“Ganito paano ka magpapaliwanag na bigla na lang naging maayos ang lahat. Saan tayo pupunta?”

"Di ba nga, babalik na tayo?"

"Bakit mamaya pa! Bakit hindi ngayon?" Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Shane. Mukhang mabubuking ako ng isang ito. "Bakit mamaya?" ulit ni Shane.

"Kasi para sa kaligtasan niyo. I'm making sure na walang mananakit sa inyo." Hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi.

"Mag-ayos ka Cieron." Pagbabanta ni Shane, tinalikuran niya ako. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ako lumabas ng kuwarto hanggang sa tinawag ako ni Ja na kakain na kami. Bumaba na ako para hindi sila magduda. Si Shane ay nagluluto ng ampalaya na may itlog. kumain ako ng marami. Sa huli ay si Jc na ang naghuhugas ng pinagkainan namin. Tinalikuran ko na naman sila. Pumunta ako sa likod at doon ko ipinagpatuloy ang pag-update ni Brent. Para kang dumuduyan, ang sarap ng hangin at makakasandal ka talaga sa gilid ng puno. Hanggang sa naidlip ako ng biglang may tumawag sa akin para magising ako ng mabilis. Napatingin ako sa paligid. Syempre, madilim na, ibig sabihin mas mahaba ang tulog ko. Kinuha ko ‘yong phone ko. Napasampal ako sa mukha ko ng bigla kong maalala. Si Brent lang ang tumatawag.

"Where have you been? I was texting you kanina." Ibinaba ko ang phone. Gago mabingi ako sa lakas ng sigaw niya.

"Makatulog ako," mahinang sabi ko.

"Wow! Ah! Nagawa mo pang matulog."
“Hoy! Sinasabi ko sa'yo, hindi mo ako katulad. Gago ka! Ikaw na nga ang nag-utos. Ready na ba sila?” Nakabihis na kaya sila? Wala pa naman akong sinabi sa kanila.
"Sige na, bye na!" Tinawanan niya lang ako. Mukhang nahalata ng loko. Mabilis akong bumaba at naabutan ko nga sila na nagdi-dinner.

"Saan ka galing? Pumunta ako sa kuwarto mo tapos wala ka?" Seryosong sabi ni Jc sa akin.

"We have to go," sabi ko sa kanila.

"Pinapaalis na ba tayo?" mahinahong sabi ni Ja.

"No! Pero may meeting sila bukas." Hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi. Sa huli ay hindi na lang sila nag-uusap. Hinintay ko sila sa labas. Ito ang gusto ko sa mga kasama ko. Hindi sila lumabas ng bahay na hindi maayos ang ang lahat. Umalis na kami,nag drive na ako.

Twin Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon