Chapter 25

5 5 0
                                    

Chapter 25

Cieron's Pov

"Ma, ok ka lang?” Ramdam ko kasi ang kaba at takot mo." Ganyan si mama kapag kinakabahan. Patuloy ang paggalaw ng kamay niya na parang hindi mapakali. 

"Ma, relax ka lang. Akala ko matapang ka." Nakatingin lang sa akin si mama. Malapit na kami sa bahay ng kambal ko. 

"Hindi madali para kay mama na makita sila ulit." Napatingin ako kay Ate. Siya ang nakamulat sa amin.

Buong buhay ko, hindi ko sila tinanong. Kahit minsan. Hindi ako nagtanong kahit gusto ko silang tanungin, dahil lumaki ako na wala ang tatay namin pero na takot akong magtanong kay mama, lalo na't bigla siyang natahimik kapag tungkol sa tatay ko ang usapan tapos hindi na ako na-nangulit. 

"Panahon na para wakasan ang lahat," sabi ni Mama habang nakatikom ang kanyang mga kamao. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pagitan nila, pero ang alam ko, sila ang puno’t dulo ng lahat ng dahilan kung bakit nahihirapan si Ja. Si Ja, ang nakaranas ng hindi masayang pamilya, bawat aspeto ng buhay niya ay kontrolado ng mga nasa paligid niya. Nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita sa kanila hanggang sa nakarating kami sa bahay. Kaba at takot ang naramdaman ko—hindi para sa akin, kundi para kay Mama at Ate ko.

“Wag  muna kayo bumaba ha?" Pero matigas ang ulo ni mams, at siya ang unang lumabas, at tinawag niya ang daddy ko, na si John Aiden pala. Hindi na ako nagtataka kung bakit John ang pangalan ko dahil kinuha ito sa tatay ko. "Aiden. , lumabas ka, duwag ka?" ‘Yong paulit-ulit na sinasabi ng mama ko. 

"Mom, calm down." Lumapit ako kay mama. Kinabahan ako may mga bodyguard na humarang sa kanya. 

"Sino kayo?" tanong ng matanda na sumalubong sa amin.

"Ilabas mo ang boss mo?" sigaw ng mama ko." Kumunot ang noo ng matandang kausap ng mama ko. Baka isa ito sa mga sinasabi ni Bam. Hindi ko nakita ang tanga. 

"Sinong amo ang sinasabi mo? " sumimangot siya habang nakatingin sa mama ko. 

"Papalabasin mo o magwawala  ako dito? "

"Sino ka? Paano ka nakapasok?” 

“Ang dami mong sinasabi." Sabay suntok ni mama sa matanda. Nakita ko lang si mama; naging bayolente na. Sapul sa mukha ni mama na parang natutulog ang matanda at may mga bodyguard na malapit. 

"Subukan niyo lang makalapit sa akin. ‘Yan mga mukha niyong dudurugin ko. Sagutin niyo ang tanong ko, Nasaan si Aiden?" 

"O.M.G. Anong nangyari sa iyo, Daddy?” sigaw  ni Danica. Sabay lapit sa daddy niya na ngayon ay natauhan na. Tumayo silang dalawa. Nagulat si Danica nang makita niya ako. Sumigaw si Danica sa mga bodyguards niya. 

“Catch him?" tinuro niya ako. 

"Sige! Subukan niyo?" matapang na sabi ni mama. Parang iba na siya ngayon na parang sinapihan. 

"Sino ka?" mataray na sabi ni Danica. Hindi nagustuhan ni mama ang tabil ng dila ni Danica. Nilapitan si Danica at sinampal sa mukha. 

"Matuto kang rumespeto sa nakatatanda. Kung hindi ka tinuruan ng mga magulang mo, tuturuan kita ng maayos." Sinampal ulit ni Mama si Danica sa mukha. Natigilan ako sa ginawa ni mama. Ibang-iba ang mama ko sa harapan ko. 

"Tabi nga kayo!" Kahit si Danica ay hindi nakapagsalita at wala ring nagawa ang kanyang bodyguard. Samantala, kami naman ay tahimik na nakasunod kay Mama. Patuloy na nagsisigaw si Mama habang papasok sa bahay, nang may makasalubong ulit na ibang bodyguard. Malalaki ang pangangatawan ng mga ito, ngunit hindi man lang natakot si Mama. Patuloy pa rin siyang sumisigaw.

Twin Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon