Chapter 24
Cieron's Pov
“Pagod na ako. Hindi ba tayo mag pahinga?" napatigil ako sa sinabi ni Jc. I rolled my eyes, now I don't know where we are. Ang alam lang namin dumaan kami sa likod bahay at tumalon lang sa maliit na bakuran tsaka nagpatuloy kami sa paglalakad sa kung sino mang lupain ‘yon. . I just wanted to escape. Ang hangad ko lang ay makaalis kami. Tangina, buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan at hindi sila hinarap. Siguro natatakot lang ako para sa kapatid ko. Ito lang ang paraan na matulungan ko siya. Ang dami na niyang sinakripisyo para sa amin; ngayon, ito na rin ang ganti ko sa kanya. Konti tiis na lang, kambal, maaayos din ito. Habang naglalakad, may naisip na akong plano.
"Ano ba! Hindi pa ba tayo mag pahinga?" Nawala sa isip ko ang hindi mapakali na bibig ni Jc.
"Sandali lang. Hahanap tayo ng masisilungan natin."
"Pero Cieron, wala tayong makita. Anong klaseng lugar ito?"
"Bakit ba kami tinatanong mo ni Cieron. You two know this place," mahinang sabi ni Shane habang nagsasalita ngayon.
"Fine!" Naglakad ulit si Jc na pilit ang tanga. Maya-maya may nakita akong kubo.
"Tara," sabi ko sa kanila. Halos tumakbo akong papunta sa kubo hanggang sa makarating kami doon. Napaupo ako na humihingal.
"Nagugutom na ako," sabi ni Jc. mahinang kinuha ko sa kanya; may hawak siyang bag na may chitsirya natahimik kaming lahat habang kumakain.
"Puwede bang magpahinga kahit saglit lang."
“5 minutes lang. We have to leave," sabi ko sa kanila. Lumabas ako ng kubo at kinuha ang phone ko sa blouse ko at nagdial. Tinawagan ko lang si Rafael. Isa siya sa mga kaibigan ko; siya ang nag-iisang may-ari ng industriya ng Rafael. Siya ang makakatulong sa akin. Si Rafael ay isa sa mga itinuturing kong kaibigan sa aming mga grupo, ngunit ngayon ay nagbago na ang lahat dahil sa nangyaring trahedya sa pagitan ng aming grupo at sa grupo nila Bam, parang ako lang walang napapatunayan sa sarili ko unti-unti na naming naabot ang pangarap namin, at ngayon may hindi inaasahan na dumating sa buhay ko.
“Cieron, napatawag ka?"
"Pre! I'm sorry. Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Ito na ang huling pagkakataon. Huling beses na istorbohin kita." Maya-maya ay nakarinig ako ng tawa.
"Anong klaseng tulong ‘yan? Nakagawa ka na naman ba ng kalokohan? Niloko mo ba ang ibang grupo?"
"Sa ngayon, wala!"
“Anong 'sa ngayon wala'? May balak ka pa talaga? So, ano'ng pinoproblema mo kung ganoon?"
"Nandito kasi kami sa gitna ng gubat. Hindi ko alam kung nasaan kami. Basta, andito kami sa may paraiso, nasa may dulo na yata ito. Wala kang makikitang mga tao."
"So! Anong maitutulong ko sayo?"
"May humahabol sa amin. Hindi ko sila kayang harapin. Sa pagkakaalam ko makapangyarihan sila. Kasama ang tatay ko na ugat nito. Pinag-uusig niya ang kambal ko. Mahaba ang usapan. Basta't pigilan ko sila. Kung ano ang gusto nila. Makaalis lang kami kapag naging ligtas na ang lahat, tsaka ko sila haharapin. Ako ang haharap sa kanila. Maniningil ako sa lahat ng katarantaduhan ng ama ko. Ginulo niya ang buhay ng kapatid ko. Buong buhay niya, naging sunod-sunuran siya sa kanila. Pwes, lintik na walang ganti!"
"Tama ba ang narinig ko na may kambal? Paano?" Tumahimik na lang ako.
“Cieron, nangako na tayo na wala nang buhay na mawawala. Kung gaganti ka. Hindi kita matutulungan, pero kung huminahon ka at kausapin mo siya, handa akong tulungan ka."
“Fine! Maaasahan ko ba?"
"Alam ko ang lugar na iyon. Ipapadala ko ang mga tauhan ko."
"Don't worry. Dumaan kami dito sa may gubat. Hihintayin namin sila doon. Feeling ko malapit na kami sa kalsada."
"Oh siya! Bilisan mo at mag-iingat ka." Maingat akong bumalik sa kanila.
"Tara, may naghihintay sa atin sa labas." Napatingin silang lahat sa akin.
"Kaya ba lumabas ka dahil may kausap ka?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Jc. Naglakad na kami.
Tangina, ang akala ko malapit na, pero malayo pa pala. Pagod man kami na parang anong oras susuko na, nakarating kami sa isang talahib at
walang arte sa paglalakad kahit nangangati ang katawan hanggang sa makita na namin ang daan. Masaya akong ngumiti sa kanila habang nakakunot ang noo nila sa likod ko, tinatamad kasi silang maglakad.
"Andito na tayo. Huwag muna kayong lumabas. Ako na muna ang bahala habang may hinihintay ako." Napatingin ako sa labas hanggang sa may nakita akong itim na van. Nang makasalubong ko ay agad akong huminto. Huminto lang ang van. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Mabilis silang pumasok. Pumasok na rin ako. Tsaka umalis na kami. Ang tahimik ng mga kasama ko. Napatingin ako sa kasama ko. Ngumiti lang sa akin ang isa sa mga ka-grupo ko na nagda-drive. Nandito kami ngayon sa safe house kung saan walang nakakakilala maliban kung may isang traydor. Bumaba na ang mga kasama ko.
"Dito muna kayo?" mahinang sabi ko,
"Anong ibig mong sabihin, dito muna kami? Saan ka pupunta?”
“Ja, kakamustahin ko sila. Hindi ako mapapanatag kapag hindi ko sila nakikita ng maayos."
"Sorry."
"Tangina! Andiyan ka na naman sa 'sorry' mo. Wala kang kasalanan. Aalis na ako. Hangga't maaari, walang kakausap sa phone. Mahirap na." Tinalikuran ko na sila at pinuntahan ang mama at ate ko, pati na rin ang mga kaibigan ko. Gulat na gulat sila nang makita ako, lalo na sa itsura ko. Ang mama ko naman, hindi na nagtataka dahil sanay na siyang makita na madalas bugbog ang mukha ko. Sinabi ko sa mama ko ang dahilan; ayaw ko na magsinungaling sa kanya. Galit na galit at nagwawala ang mama hanggang sa hindi ko siya napigilan. Ngayon ko lang nakita kung paano nagalit ang mama ko.
“Samahan mo ako.” Iyon ang lagi niyang binibigkas sa akin. Pero hindi ko naman alam kung saan ko sila puwedeng puntahan. Ang tanging makakatulong sa akin ay si Bam. Ang sabi ni Bam, bumalik raw sa bahay ni Ja ang daddy ko.
"Calm down mom." Umiiyak na sabi ng ate ko.
"Hindi! Gusto ko siyang harapin. Wala akong pakialam kung marami siyang bodyguard na kasama. Haharapin ko siya."
"Sasamahan ka namin." Narinig ko ang hiyawan ng mga kapitbahay namin.
"Pupunta rin ako," sabi ng mga kaibigan ko. Natigilan ako sa desisyon nila. Ito na ang paraan para maging maayos na si Ja. Hindi 'yung patago-tago siya at laging takot. Tama si Rafael, walang maidudulot ang paghihiganti. Ang mga magulang ko ang puno't-dulo ng lahat. Sila lamang ang makakayos ng gusot.
"Wait! Maliligo muna ako." Napatigil sila sa akin."
"Promise madali lang. Kating kati na ako." Hindi ko na hinayaang magsalita si Brent; tumakbo ako at naligo ng mabilis. Naghahanda na ako para bumalik. Kumunot ang noo ng loko.
"Ang tanga mo, nagawa mo pang maligo. Akala ko importante sayo."
"Gago! Kanina pa ako nangangati. Namamaga na ang buong katawan ko." Tinawanan lang ako ni Brent.
"Yan kasi kung saan-saan sumusuot."
"Tara na!" Seryosong sabi ni mama. Sa huli, hindi, napigilan silang sugurin si mama na pinangungunahan niya, habang nakaback up ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Twin Affection
RomanceSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na binatilyo. Sa kabila ng pagiging bad boy niya, minahal at tanggap siya ng buong pamilya niya sa paligid niya. Ngunit ito ay isang malaking palaisipan nang makilala niya si John Andrew, na kilala...