Chapter 23

5 5 0
                                    

Chapter 23

Ja's Pov

“Kasama mo ba si Bee? Kayo bang buong barkada ay magkasama?"

"Tangina,  namiss kita agad. Balita ko sinusulit mo ang bonding time ng kapatid mo. Kamusta ka na?" 

"Wala akong oras para makipag-marites sa'yo, gago ka.

Napaatras ako habang nakikinig sa usapan ng kapatid ko. Sino ang kausap nito? Ang lakas kasi ng volume. Narinig ko ang bawat palitan nila. Mainit ang ulo ni Cieron. Yayayain ko na sana siyang mag-almusal dahil handa na, kami ni Shane ang nagluto. Hinanap ko si Cieron; nandito lang siya sa isang malaking puno tumatambay. 

"Problema mo?" 

"Nasaan si Bee?" 

"Sa parents mo. Nagseselos nga si Mommy kasi mas tinuturing pa niya si Tita na parang tunay niyang mommy kaysa sa sariling mommy niya."

"Ang dami mong sinasabi. Sagutin mo na lang ang tinatanong ko." 

"Gago ka, wala ka bang magawa sa buhay mo? Tangina makautos ka."

"Gago, makinig ka! Bantayan mo si Bee, at nakikiusap ako sa iyo. Pakiusap! Huwag alisin ang tingin mo kay Bee, nanay, at ate. Ikaw na ang bahala sa kanila. Nasa panganib sila. Please Brent! Ngayon ka bumawi gago ka."

"Anong! Panganib! Sabi mo! Nasaan ka "

"Tangina, mahaba-habang usapan na ngayon nakatakas kami sa tulong ni Bam. 

"Bam! Anong kinalaman ni Bam?" 

"Wag ka ng maraming tanong. Sundin mo ‘yong utos ko." 

"Gago! Ibang usapan ito, Cieron, may kinalaman sa buhay ng mahal mo. Sagutin mo ang tanong ko, anong kinalaman ni Bam dito. Gago siya, hindi pa rin siya nagbabago." 

"Walang kinalaman si Bam, kung tutuusin, tinulungan niya tayo. Tsaka, ipapaliwanag ko sa'yo kapag maayos na ang lahat. Sa ngayon, huwag mong alisin lahat sa paningin mo."

 "Ok fine! Kailangan malaman ito ng grupo. Kung nasa panganib sila, malamang kasama natin sila, dahil may koneksyon kami sa iyo." 

"Sige! Sa ngayon, focus ka muna sa kanila. Sige, bye. I-charge ko ang phone ni JA." Hanggang sa naramdaman kong bumuntong hininga si Cieron. Lumapit ako sa kanya kahit natatakot akong lumapit sa kanya. 

"Sorry! I'm sorry dahil sa akin nasaktan ka." Yumuko ako para harapin siya. 

"Tangina, bakit ka humihingi ng tawad? Kung ano man ang nangyari ngayon. Isa lang itong pagsubok para sa atin. JA, hindi kita sinisisi, kaya tigilan mo na ‘yang paghingi mo ng tawad. Sa ngayon, mag-isip muna tayo ng paraan para maging maayos ang lahat. Si Danica ay hindi titigil sa kagustuhang makipagbalikan sa iyo Oo, naiintindihan ko na ikaw ang nagpahiya sa buong angkan.” Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Cieron. 

"Kaya gusto kong tapusin ang lahat sa pamamagitan ng pagsuko sa kanya." 

"Susuko ka  ba? Paanong magmahal mo? Sige nga! Paano mo ipapaliwanag ang lahat. Paano kung magpakasal na kayo? May pag-asa ba na magkasama kayo ng mahal mo Shane o may pag-asa pang magkita pa tayo." Napatingin ako sa kanya. Nabingi ako sa huling sinabi niya. 

"Ah!" sabi ko sa kanya. Seryosong tumingin sa akin si Cieron. Nang biglang may tumawag sa kanya. Nagkatinginan kami ni Cieron. Lukot ang mukha niya. 

"Sagutin mo na parang importante. Mauuna na ako." 

"Teka! ‘Wag kang umalis." huminto ako. Habang nakikinig ako sa usapan nila. Napaatras ulit ako nang marinig kong sumigaw si Cieron. 

"Anong nangyari?" Hindi ko mapigilang tanungin siya. Tumingin siya sa akin. Maya-maya, nilakasan niya ang volume. 

"Umalis ka na diyan. Hindi  na kayo ligtas. Ano mang oras andiyan na sila.

May mga taong dumating na hindi ko kilala. Narinig ko daddy at tito ang tawag nila sa kanya. Mas marami sila; tsaka maraming bodyguards." 

"Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sinundan tayo ni Daddy," sabi ko sa kanila. 

"Paano nila nalaman?" Tumingin si Cieron sa akin. 

"May kasama si Danica na tatlong lalaki na nagngangalang Jarrie, Leck, at Nate. Feeling ko tinakot siya ni Danica. Sinabi nila sa akin kung nasaan ka. Well, baka malaman nilang may nag-tip sa iyo. Buti na lang matalino si Jarrie. Binigay niya sa akin ang phone ng kambal mo. Nakuha niya sa drawer ni Ja. Mag-ingat kayo. Sa ngayon, ako'ng bahala."

“Alamin ko ang bawat galaw nila. Sabihin mo sa akin kung ano ang alam mo. Syempre, hindi ako puwedeng maging kampante lalo na't hindi ko kasama sina mama at ate." 

"Isa pa ‘yon sa narinig ko. Hinahanap nila mama mo at kapatid mo. Para kayong mga target. Bakit hinahanap kayo? " 

"Shit!”

"Wag kang mag-alala, hindi nila gagalawin ang mama mo hangga't nandito ako." 

"Salamat." Binaba ni Cieron ang tawag kay Bam. Kitang-kita ko ang pagkawala ng hininga sa mga mata ni Cieron. Hindi ako makapagsalita. Pabalik-balik na parang hindi mapakali.

Muli niyang kinuha ang phone at may kinontak.

“Hello!”

"Shawn,  ikaw ba ‘yan?" 

"Yep! Anong sinasabi ni Bam na nasa panganib tayo? Akala ko okay na. Naayos na." 

"It's not about our group. Tungkol ito sa pagkatao namin ni Ja.  Tangina, nandito ang daddy ni Ja." 

"Your daddy," paglilinaw ni Shawn. 

"Krizzy, kasama mo?" 

"Oo! Natakot kami sa sinabi ni Bam. Sa ngayon magkasama kami. Pero Cie, hindi tanga ang ate at mama mo; malalaman nila ‘yon. Lalo na kapag pinagbawalan namin siyang lumabas.”

"Pigilan niyo. Kahit anong mangyari. Sige, kailangan na nating umalis dito; we're no longer safe." 

"We are not safe." Lumapit samin si Jc kasama si Shane. 

"Oo! Anong oras nandito na sila?" mahinang umupo si Jc. 

"Paano? Hindi tayo makakaalis dito," sabi ni Shane. 

"Tara, wala ng oras." Napatingin ako kay Jc. 

"May daan ba pabalik?" Sabi ni Cieron sa amin. 

"Saang daan? Hindi tayo makakadaan sa likod. May sasakyan tayo." 

"Hindi tayo sasakay dahil kahit anong oras natin nakasalubong sila. Mabuti pang mauna na tayo at simulang maglakad sa likod." 

"Ano lalakarin na naman natin? Kailan ito matatapos?" 

"Sige na! Umalis  na kayo. Haharapin ko ito. Kailangan nila ako." 

"Tangina, Ja, wala ka bang utak o ayaw lang umintindi. Ilang beses kong sinabi sa iyo na hindi ito ang paraan. Tanga ka ba, sasama ka sa kanila. Magiging masaya ka ba? Magiging masaya ka ba sa mga taong nakakasalamuha mo?  Akala ko gusto mong makita ang nanay natin. Bakit ka sumusuko ngayon?" 

"Tama siya Ja, may tamang panahon. Sa ngayon kailangan na nating umalis. Pupunta sila rito anumang oras. Bago tayo umalis, tulungan mo akong magdala ng pagkain." Natawa ako sa naisip ni Jc. 

Mukhang gutom na nga ang loko kahit hindi pinalampas ang pagkain. Bumaba na kami. Tinulungan ko si JC na kunin ang lahat ng pagkain sa refrigerator. Buti na lang mahilig si Nate mamili ng mga chichirya, kaya siya ang dinala namin. Habang ako naman, kinuha ko ang kaldero na may laman na kanin at nilagay ko ang hotdog na niluto namin ni Shane. Tsaka na kami umalis

Twin Affection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon