Chapter 26
Ja's Pov
"Nasaan na tayo? Isang araw na. Bakit hindi pa bumabalik si Cieron? Anong nangyari doon?" Napatingin ako kay Jc. Kahapon pa ako nag-alala kay Cieron. Sabi niya babalik siya, pero bakit hindi pa ngayon! Sana hindi ko na lang hinayaan si Cieron na magdesisyon. Syempre, wala naman akong magagawa sa kanya. Ako ang dapat mag-ayos ng gulo, hindi si Cieron. Bakit laging si Cieron ang bahala sa lahat? Wala ba akong kuwenta kapatid?
"Tangina, naiinip na ako dito," sabi ulit ni JC. Kanina pa ako nabingi kay Jc. Ang daldal ng isang ito.
"Puwede ba? Jc, tumahimik ka. Hindi ka nakakatulong. Nagrereklamo ka. Maghintay tayo. Hindi lang sa atin umiikot ang buhay ni Cieron." Natawa si Jc nakakainsulto.
"Gustuhin man ni Cieron o hindi, magkadugtong ang pusod niyong dalawa. Kaya huwag mong sabihing hindi sa atin umiikot ang buhay ni Cieron. Pamilya tayo ni Cieron." Napatingin lang ako sa dalawa. Sa huli, lumabas akong mag-isa. Nandito lang ako sa tabi ng puno. Hindi ko alam kung paano sila sasagutin. Nakakainis lang na wala akong magawa. Ngayon, natatakot ako sa nangyari sa kanya. Wala ako doon para tulungan siya.
"Dito ka lang." Lumingon ako. Seryoso ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita. Nakatakip ang mukha ng sumundo sa amin.
"I'm Rafael, the friend of your stupid twin. Syempre, may kakambal ang gago." Nakatitig lang ako sa kanya. "Hindi ka ba magsasalita! Alam mo kakambal mo yan. Ang sarap sapakin. Lapitin siya sa gulo, pero kapag kailangan siya ng grupo, lagi siyang nandiyan. Kaya nakakahiya sa kambal mo na hindi ako tumulong." Siya ang tumulong sa amin.
"Salamat!" sabi ko sa kanya.
Anyway! Bukas, makakaalis na kayo. Hindi sa ayaw ko kayong maghintay; iyon ang sabi ng kakambal mo. Sa ngayon may ginagawa siyang kalokohan." Sabay tawa niya.
"I mean, ligtas ka na. Walang problema at naging maayos naman ang hindi inaasahang pangyayari. Sa ngayon, makakahinga ka ng maluwag dahil ligtas ka na. O siya, dumating lang ako para bigyan ka ng makakain. Gago iyon, inutusan pa ako. Kapag mag-a-apply talaga ang loko sa Rafael Industries, pahihirapan ko siya. Pero malabo kasi may sarili na siyang negosyo. O siya, ang daldal ko na. Mauna na ako." Nakatalikod na sa akin si Rafael. Napaisip ako sa sinabi niya kanina. Anong hindi inaasahang pangyayari ang sinasabi ni Rafael? Sa wakas, bumalik ako sa loob. Naabutan kong kumakain ang dalawa. Hindi man lang ako tinawag.
"Nauna kami, akala ko nagpapahinga ka na."
"Tangina, nagpapatawa ka Shane. May nagpapahinga sa umaga." Hinirapan lang siya ni Shane. Umupo ako sa tabi ni Shane at kumain na din. Tanghali na kasi.
"Pagkatapos nating kumain. Maglinis tayo. Nakakahiya naman kung iwanan natin itong magulo at madumi."
"Anong dapat linisin, Shane? Hindi naman natin ito ginagalaw. Kumain lang tayo."
"Hindi dahil hindi natin ginulo ito; hindi ibig sabihin na hindi tayo nag lilinis."
"Tama si Shane! Maglinis tayo," sabi ko kay Jc.
"Fine! Ako na ang maghuhugas. Kayo na ang naglilinis. Kayo naman ang nakaisip." Tamad talaga itong isang ito. Sa huli, hindi na lang namin siya pinilit. Nang matapos kaming kumain ay hinugasan niya ang pinagkainan namin. Pagkatapos niyang maghugas ay nanood ng TV mag-isa ang gago.
Hindi man lang siya nakiramdam at nagawa pa niyang matulog. Napatingin ako sa oras-5 p.m. Tangina, ang sarap ng buhay ng loko. Nakapaglinis na kaming lahat, siya tulog pa rin."Hayaan mo, sakyan mo na lang siya Mukhang hindi pa maghihilom ang sugat niya sa mukha." Tiningnan ko lang si Jc, at sa huli tama si Shane. Hindi man lang siya nagreklamo na binugbog siya. Nagluluto na kami ni Shane nang mapansin naming may manok sa ref. Nagluto kami ni Shane ng nilagang manok. Paborito ito ni Jc.
Pagkatapos naming magluto, ginising ko si Jc. Ang loko, nakangiti pa. Tangina, mukha yatang kanina pa siya gising at naghihintay lang na gisingin siya. Kumain na kaming tatlo. Nang may mapansin akong anino sa likod ko, unti-unti akong napaharap
Sobrang seryosong mukha ni Cieron. Napatayo ako hindi ko mapigilang yakapin siya. Nagulat din siya sa ginawa ko."I'm sorry. Nadala lang ako. Nag-aalala ako ng sobra." Biglang tumawa ang tanga. Minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya; minsan seryoso, pero ngayon nagawa pa niyang tumawa.
"You don't have to worry. Walang problema. Maaga tayong aalis bukas may pupuntahan tayo." Napatingin kami kay Cieron. Naiwan kasi kami. Umakyat sa kuwarto. Sa huli, hindi na lang ako nagtanong. Habang naghuhugas si Jc ng pinagkainan namin.
"Napakahiwaga ng kambal mo," mahinang sabi ni Shane.
"Naguguluhan ako. Bawat salita ay palaisipan," sabi ko sa kanya.
"Oh?" sabi lang sakin ni Shane.
"Rafael kanina. Parang may gusto siyang iparating. Hindi niya lang natuloy."
"Leave it alone. Ang mahalaga ay maayos na tayo. Anong magic ang ginawa ng kambal mo para mapaamo si Danica ng ganoon kabilis."
"Yon nga ang iniisip ko, Danica! Wala sa bokabularyo niya ang sumuko. Paano niya nagawa iyon? Hindi siya susuko hanggat hindi siya makakaganti." Nakatingin lang sa akin si Shane. Alam na namin ang pagkatao ni Danica.
"Ang mahalaga ay ayos na. Huwag na nating isipin pa. Matulog na tayo dahil tinakasan tayo ng pinsan mo." Napahiling ako sa kalokohan ni JC.
Kahit kailan, mautak talaga itong isa. Nagulat ako na hindi man lang umangal. Ginawa niya ang kanyang tungkulin; hinugasan niya ang pinagkainan namin."Mauna ka na! Isasara ko na lang. Hirap may makapasok." Tumango lang si Shane. Iniwan niya ako, at isinara ko na ang mga bintana at pinto. Nang maayos ko na. Natulog ako sa sofa. Ako na ang bahala sa kanila. Ako naman ang pumoprotekta sa kanila. Hanggang sa nakatulog ako sa sofa.
BINABASA MO ANG
Twin Affection
RomanceSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na binatilyo. Sa kabila ng pagiging bad boy niya, minahal at tanggap siya ng buong pamilya niya sa paligid niya. Ngunit ito ay isang malaking palaisipan nang makilala niya si John Andrew, na kilala...