Kabanata 1

3.2K 41 6
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________

Kiara's POV

" La wag na po kayong umiyak, mabilis lang naman ang isang taon eh." sabi ko sa Lola kong nakayakap pa sakin ng mahigit isang oras.
" tapos bibisita naman ako dito tuwing may bakasyon o kundi weekend pag hindi busy." pagpaliwanag ko kay Lola.

" Kami na lang ng Lolo mo ang matitira dito sa bahay apo, kaya naman naming bayaran ang tuition mo." sabi ni Lola habang di matigil ang kanyang pag-iyak.

Luluwas na kasi ako patungong Manila, natanggap kasi ako sa Eros University ang paaralan na hinahangad ng mga estudyanteng gustong makilala International.

Minsan lang sila tumatanggap ng mga scholar evey 2 years lang, at mostly pa ng kinukuha nila ay mga 4th year college to 5th year. Sabi yan daw ang gusto nilang hasain ang mga graduating students.

Maswerte na ako at kahit sa huling taon ko ng pag-aaral ay dito ako natanggap.

" Oh sige na apo, mag-iingat ka dalawin mo lang kami ni Lola mo pag may oras ka. Basta tawagan mo lang kami palagi ng di naman kami gaanong mag alala sayo." singit ni Lolo na kakagaling lang sa kusina, ipinagbalot niya pa talaga ako ng pagkain.

" Sige na La, alis na po ako baka't magabihan pa ako sa Manila, mahirap na di ko pa saulo ang lugar doon." natawa ako ng bigla ako nitong itulak papalayo ng maalala niya ang oras.

" Oh siya sige na, mag-iingat ka don apo ha? tumawag ka kaagad pag dating mo don." sabi ni Lola habang nagpupunas pa ng kanyang mga luha.

Niyakap ko muna sila ulit ng mahigpit bago ko napag desisyonang umangkas na sa tricycle.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam na malayo sa kanilang dalawa pero kailangan.

Kung nagtatanong kayo san ang Ina ko, wala na matagal niya na kaming iniwan. Namatay siya nong isinilang niya ako kaya puro litrato lang noong buntis siya ang nakikita ko. Wag na kayong mag tanong kung sino ang aking ama dahil kahit ako di ko rin alam. Sabi nila Lola at Lolo nong abroad daw si Inay sa America nabuntis siya ng isang taga Mexico at ng malaman na buntis si inay ay tinalikuran niya ito.

Hindi naman ako galit sa ama ko, dahil lahat ng pagkukulang niya ay napunan naman ng Lolo at Lola ko.

Isang rason din kung bakit pinagsikapan kong makapasok sa EU ay para wala ng pagkakagastosan sila Lola at Lolo. Base sa email na natanggap ko ay may libreng apartment ako at monthly allowance. Ang swerte ko na don, kahit pa saan ako nila e assign na pagsisilbihan ko bilang scholar ay okay na ako don, importante libre na ako sa pang araw araw kong gastusin.

Kahit pa siyam na oras ang byahe patungong Isabela ay sisikapin ko paring makauwi. Ayokong mag-alala sila Lola at Lolo pag matagal na nila akong di makita.



____

Alas singko na ng hapon ng makaratinga ako dito sa Manila, ang apartment na titirhan ko ay malapit lang sa school at pwede lang daw lakarin.

Medyo natagalan pa ako sa reception area, dahil tinawagan pa daw nila ang may-ari ng school para iconfirm ang pinakita ko sa kanilang email kala mo talaga na nakikipag joke ako sa kaniya.

Sa labas pa lang ng apartment may nakalagay na card na naka stick sa pintuan, may nakasulat pa itong " Home sweet home Kiara!"  ang cute naman may pa welcome pa.

Sobrang mangha ko ng makarating ako sa apartment, gagi apartment ba talaga to o bahay literal? mas malaki siya sa iniimagine kong apartment eh.

Sobrang mangha ko ng makarating ako sa apartment, gagi apartment ba talaga to o bahay literal? mas malaki siya sa iniimagine kong apartment eh

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now