Kabanata 11

1.4K 31 3
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________

Nang makarating kami sa bahay nag hihintay kaagad samin si Lola sa labas habang umiiyak.

" Patricio!!! " hindi na siya maka-antay at lumapit ito kay Lolo pagka labas agad ng sasakyan.

" Rebecca aba't namiss mo yata ako." sabi ni Lolo habang natatawa pa kaya sinuntok siya ni Lola sa braso pero mahina lang naman.

" Kumusta kan? Madanaganak maipapan kenka!" pag nag salita yan si Lola ng Ilocano ibig sabihin niyan ay galit siya o kinakabahan o nalulungkot.

" Naimbagak lang ako Rebecca." sabi ni Lolo sabay halik niya kay Lola sa noo.

" Aaahhhh ang sweeettttt! " pang aasar ni James habang naka akbay sakin.

" Kiara apo!! namiss kita!! " naiiyak na sabi ni Lola habang yakap yakap ako.

" Namiss din kita Lola ko." sabi ko sabay yakap pabalik sa kanya. Simula nong pasukan di na kasi ako nakauwi dito, nabusy lang kakaisip kay Miss Villejo charot.

" Napano itong braso mo apo? " ay kala ko di niya na mapapansin.

" Nadulas Lola e may bubog ayon natamaan."

" Apo mag-iingat ka sa susunod, tingnan mo muna ang mga inaapakan mo." sabi ni Lola habang dahan dahang hinahagod ang buhok, miss na miss ko na si Lola.

" Tara na't lalamig na ang pagkain sa loob, kami pa naman ni Lola ang nag luto non diba la? " sabu ni James habang akbay-akbay si lola.




Ang saya ko na okay lang si Lolo, di ko alam kung anong gagawin ko pag isa sa kanila ang nawala. Di ko yata kakayanin yon.

" Bihis lang po ako ha." nasa mesa na ang lahat pero kailangan ko munang magbihis dahil naamoy ko ng mabaho ako hahaha.



Pagkalabas ko galing banyo nakita ko si Ethan na naka upo sa kama.

" Oh lab? bat di ka pa kumakain? " tanong ko sa kanya habang binabalot ng tuwalya ang buhok ko.

" Ang tagal mo namang maligo lab kanina pa ako nag aantay sayo." sabi ni Ethan habang napakamot pa ss ulo ko.

" Edi sana sumabay ka na lang sakin." asar ko sa kanya kaya ayon namula tuloy ang tenga ng mokong hahaha.

" Eh naka lock eh." asar pabalik sakin ni Ethan, sabay lapit sakin. " nga pala lab eto oh kanina pa tong nag riring phone mo kaya sinagot ko na lang." sabi ni Ethan sabay abot sakin ng phone ko.

Unknown Number?

" Bilisan mo diyang mag bihis lab at kakain na."

" Okay, ayaw mo bang maligo? may mga damit ka pa naman diyan sa cabinet ko." sabi ko sabay lagay ng phone ko sa tenga ko. 20 minutes na siyang na aantay sino ba to?

" Mamaya na pagtapos kumain bilisan mo diyan lab." bilin ni Ethan bago sinarado ang pinto.

" Hello? " sino to? bat di nag sasalita?

" Helloooo? sino to? " nak nang sino ba to.

" Fernandez." nanginig agad ako ng marinig ko ang boses na yon, ang boses na ayaw ko munang marinig sa ngayon.

" Yes Miss? " Pinipilit kong maging maayos ang boses ko kahit ang kamay ko ay pinag papawisan na.

" Valerie told me that you have an emergency, but what I heard seems like not an emergency." mataray niyang sabi sa kabilang linya. Ano bang ibig niyang sabihin?

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now