Kabanata 17

1.3K 34 2
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________

" Beb akin na bag mo." binigay ko kay James ang Duffel bag ko sa kanya, gusto niyang siya mag buhat eh bahala siya.

Well today's Friday, which means lahat ng mga nakapasa sa House Planning ay pupuntang Mindoro.

alas nwebe na ng umaga at andito na kaming lahat sa Quadrangle at naghihintay sa announcement ng mga guro.

Lahat ay nakatingin kay Miss Villejo na naglalakad patungong gitna ng quadrangle, sobrang dami namin nasa mahigit 400 kaming lahat including the CE students.

" Good Morning." nagstitahimikan ang lahat at nakatuon ang atensyon kay Miss Villejo na may hawak ng mic. " our buses are already park outside, you will board depending on which class you are in, named of the classes are written in each buses. Understood? " instruct niya saming lahat.

" Now you may go to your buses." dagdag niya pa kaya nagsimula na ang lahat na lumabas sa university.

" Beb ano ngang class natin? " tanong ni James sakin habang nakahawak ako sa kanyang braso.

" A-0250"

" Ayon naka park sa unahan! " turo ni James sa bus. Tama nga siya dahil nakikita din namin ang mga kaklase naming papasok sa bus.

" San mo gustong umupo beb? " tanong sakin no James nang makapasok na kami sa bus.

" Tara sa dulo." kaya nakipagsiksikan pa kami para makapunta sa pinaka dulo dahil busy ang lahat sa pag arrange ng kanilang mga gamit.

Nilagay na agad ni James ang mga gamit namin sa luggage compartment, ang backpack naman namin ay nasa ilalim ng seats. Good thing dalawahan lang tong seats ng bus kaya wala kaming ibang makakatabi.

" Hello Everyone! " bati samin ni Miss Valerie kaya halatang excited ang lahat sa kanya.
" Laurie, Bella and I will be joining the ride with you guys today, is it fine? " tanong niya samin pero ang mga mata niya ay nakatuon sakin.

" Yes sure Miss." sagot ng karamihan, ang pagkakaalam ko 20 out of 25 ang naka pasa sa class namin kaya for sure marami pang bakante at halos silang lahat nasa harapan kami lang ni James ang nasa pinaka dulo.

" Perfect, I'll just call them." ngiti samin ni Miss Valerie sabay baba niya sa bus.

at maya-maya nga ay dumating narin sila Miss Villejo at Miss Bella dala dala ang kanilang maleta.

" Where do you want to seat Lau? " tanong ni Miss Bella kay Miss Villejo, pero ang atensyon niya ay nasakin.

Hindi na siya nagsalita at diretsong pumwesto sa kaharap na upuan namin ni James. May space pa naman sa harap ah? kainis.

" Ooohhhhh Hi Kiara." ngiting bati sa akin ni Miss Bella kaya ngumiti din ako pabalik sa kanya.

" Hello Miss Bella."

Silang tatlo nakapwesto sa dulo ang katabi ni Miss Villejo ay si Miss Bella habang nasa harap naman ng upuan nila si Miss Valerie mag-isa.

Makalipas ang ilang minuto isa-isa nang nagsi-alisan ang mga bus.

" Beb bat ba tayo dito sa dulo? baka magsuka ka ha." hahaha naalala pa pala ni James na nagsusuka ako pag nakaupo sa dulo ng bus.

" May candy ka naman diyan diba? wag ka lang magulo hindi ako magsusuka promise." sabi ko sabay sandal sa kanyang balikat.

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now