Kabanata 24

1.1K 24 2
                                    

A/N: Kumusta? di ba kayo nasaktan sa last Chapter? baka ngayon na HAHAHAHA.

__________________________________

Pagkadating ko sa Hotel tinawagan ko kaagad si Theo.



" Theo nasan ka?! " nanginginig ang kamay ko habang hawak hawaknang phone, gustong gusto ko na siyang sampalin.

" Kiara, ang aga mo naman haha excited kana bang makita ako? " tanginang to napaka assuming ang kapal ng ampog.

" Ang kapal mo."

" Mamaya, 7 pm dito sa Resto Veranda." sabi niya habang naririnig ko ba ang bwiset niyang halalhak. " Wear dress love." dagdag niya pa bago pinatay ang tawag.

Natatakot ako pero kailangan kong lakasan ang loob ko na harapin siya.  Kung maari kakausapin ko siya ng maayos para hindi na umabot pa kay Laurie.

God I miss her already.

Nagmadali akong pumasok sa Hotel para mag bihis, ayoko man sundin siya na mag dress pero natatakot ako na baka anong pumasok sa utak niya pag di ko siya sinunod.



6:30 palang ng hapon pero kailangan ko ng pumunta sa sinasabi niyang restaurant, dahil 20 minutes pa ang layo nito sa Hotel ni Laurie.

Speaking of my lovely wife, she sent me a message.

Baby, did you reached already?

Yes baby, mag iingat kayo diyan. I love you so much tandaan mo yan mahal.
Sent



After ng reply ko I immediately switched off my phone, I know tatawag pa siya. Baka malaman niyang nagsisinungaling lang ako.

I'm so sorry mahal, sorry kung nagsinungaling na naman ako.



Pag dating ko sa restaurant naging triple na ang kaba ng puso ko, hindi ko alam pero parang may masamang mangyayari nararamdaman ko pero kaya ko to.

Pagkapasok ko sa restau nakita ko na kaagad si Theo, nakapwesto siya sa bandang dulo at nasa gilid ng glass window. Malayo pa lang siya pero gusto ko na siyang sapakin, pero ayokong mag iskandalo dahil matao ang restaurant.

Pagkalapit ko sa kaniya tumayo siya kaagad para salubungin ako. Akmang yayakapin niya ako pero inunahan ko siya ng malakas na sampal, kahit yan lang muna.

" Kiara! " medyo malakas na pagkakasigaw niya kaya hindi ko na inabala ang sarili kong lumingon kung may nakakita dahil alam kong meron, sa lakas ba naman ng sampal ko sa kaniya.

Nauna akong umupo at tiningnan ko lang siya na parang tangang nakatayo habang nakatingin sakin, alam kong galit ka kaya magalit ka pa.


" Come on Kiara, let's enjoy this night look at view ang ganda." sabi niya sabay hawak niya sa kamay ko na nakapatong sa mesa pero binawi ko ito kaagad.

" Hindi yan ang pinunta ko dito Theo." madiin na pagkakasabi ko sa kaniya, kumukulo ang dugo ko habang nakatingin sa pagmumukha niya.

" Kiara, I just want to have a dinner with you." hindi na ako nakasagot pa ng may lumapit saming waiter at nilapag ang mga pagkain sa table namin.

" How do you know Theo?! " natawa siya sa tanong ko na para bang baliw. " Sagutin mo ang tanong ko Theo." naluluha na ako sa inis, hindi ko na masikmura ang pagmumukha niya.

" Look Kiara, I swear gusto ko lang na mag dinner tayo." inilapit niya ang kanang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko." na masaya kahit ngayong gabi lang." ngumiti siya sakin kaya agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.


The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now