Kabanata 9

1.4K 38 3
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________

" You have to pass your designs next Monday!"

Nandito kami ngayon sa klase ni Miss Villejo, at ewan ko ba Monday na Monday ang init ng ulo.

Pinapagawa niya kasi ang plan ng bahay na gusto namin at ipe-present yon sa kanya at pag na approved niya she had 5 hectares na tatayoan namin ng bahay with civil engineering students.

Ang yaman ng school grabe bumibili lang ng lupa para tayoan ng projects ng mga estudyante.

Walang umangal sa gustong deadline ni Miss, I mean sino ba ang aangal si Miss Villejo yan eh.

Pero pag plan halos isa hanggang apat na buwan mo yang gagawin tas sa kanya one week lang? Buti sana kung pro kaming lahat eh.




" Grabe si Miss hindi ako makakapang chix ngayong week dahil sa plan na yan eh." reklamo ni James, well kakaalis lang kasi ni Miss Larsson sa classroom kaya lakas makareklamo ngayon ni beb.

" Ganito ba talaga siya pag nagpapagawa ng planning? " tanong ko kay Beb.

" Hindi ah! Sabi ng mga senior last year isang buwan naman palugit niya sa planning. Ewan ko ba ngayong pasukan na to ibang iba na si Miss Villejo mas worst pa kesa sa dati." kwento ni James. Di na ako nag salita dahil di ko pa naman kilala yang si Miss Villejo.

" Pero ang yaman ng pamilya niya beb no? bumibili ng limang hectares para lang sa project na bahay nating mga estudyante." humanga lang talaga ako sa yaman nila.

" Oo Beb, every year nila yan ginagawa. Tapos alam mo ang bahay na magagawa natin ay idodonate sa mahihirap sa lugar na yan." wowww ang galing naman. " at every year beb iba ibang lugar ang binibiling lupa ng school para makatulong sila sa kadalugar na gagawan ng projects natin." kwento ni James, grabe not surprising na binibless tong school na'to.

" Saan sila kumukuha ng funds aside sa tuition ng mga estudyante dito beb? " kasi feeling ko kulang kung pera ng school lang.

"  Beb di lang school ang business ng family ni Miss Villejo, lahat na ata ng business pinasukan nila. Basta ang sikat don ay may ari sila ng sikat na hospital sa UK ang Ero's Hospital meron din dito sa Pinas kaso mga mayayaman lang ang nakaka-afford." kwento ni James.

Yaman ah may hospital sa UK like wow.

" Isa pa beb si Miss Villejo ay may ari ng Real Estate, at meron siyang mge exclusive sports car from Ferrari na binibenta niya ng triple sa presyo. Parang mas mayaman pa nga si Miss kesa sa pamilya niya eh dahil ang sabi nila sa tatlong magkakapatid siya daw ang naiiba dahil ayaw niyang manahin ang yaman nila." dagdag pa ni James.

" Pano? like sayang naman kung ganon." ang chismosa ko ba? hahaha.

" Ganon siya ka mapride. Ang tinanggap niya lang ay itong school na to dahil ito ang mana ng mommy at daddy niya sa kanya."

" anong pamana? san ba ang mga magulang niya?" grabe kami nalang ang natitira dito sa room dahil gusto ko talaga malaman ang kwento ni Miss Villejo.

" Deads na, ang sabi binaril daw nong nag bakasyon sa Hongkong at ang suspek ay ang ka kontra-partido ng Lolo ni Miss. Parang nangyari yan 6 years ago kaya presko pa at yan daw ang dahilan ng pagiging cold ni Miss."

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now