Kabanata 18

1.3K 34 5
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________

Kinabukasan may lagnat pa din ako pero keri na rin siguro to nandito naman si James.

Nandito kaming lahat sa site, grabe 10 hectares pala ang lupa this time.

" Good Morning Everyone." bati samin ni Miss Valerie habang naka mic. " as you can see we have our Engineers here." aniya habang nakaturo sa napakadaming Engineers. So kada bahay ay may isang Engineer we are targetting 106 houses. So since you are 530 in total, then we need 5 students in each group. It should be 2 architect students and 3 civil engineering students." shuta kaya pala sobrang dami mali pala ako sa 400, literal na 530 pala kaming lahat.

" We will give you 30 minutes to find your groupmates." dagdag pa ni Miss Bella.

Nasaan si Miss Villejo? bakit wala siya? I mean kagabi kasi matapos nang pag-uusap kuno namin ay hindi na siya muling bumalik pa sa room.

" Beb kasama natin si Theo, James at Sofie." sabi ni James na katabi si Theo, James at isang babae.

" Hi I'm Sofie, nice to meet you." pakilala nong babae na kasama nila Theo.

" Hi I'm Kiara." pakilala ko at nakipag kamayan sa kaniya. May itsura din naman si Sofie, matangkad, maputi at chinita bagay sila ni James ay teka hahahaha oo nga!

Tiningnan ko ang mokong at nakangiti ito habang nakatingin kay Sofie, pucha totoo ba tong nakikita ko? hahahaha.

" Sofie." hinila ko siya palayo sa tatlo. " anong tingin mo kay James gwapo no? " nakangisi kong tanong sa kanya.

" H-Ha? O-Oo bagay kayo." napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya.

" Hahahaha tangiks bespren ko yan wag kang mag-alala." sabi ko sabay akbay sa kanya. " Alam mo kung kanino siya bagay? sayo." sabi ko sabay lakad pabalik sa tatlo.

Hahahaha nawawala lagnat ko dito sa dalawa shuta galing ng instinct ko hahahaha.

" Hoy beb anong sinabi mo kay Sofie? " patay malisya akong tumingin kay James kunyari di kinikilig sa tanong niya hahaha.

" Ha? kinaibigan ko lang bakit? " sabi ko habang nakangising nakatingin sa kanya.

" Ah Okay." gagi ang mokong kinikilig hahaha.



" Alright everyone. You done with your group? " tanong ni Miss Valerie gamit ang mic.

" Yes Miss!!! " sigawan ng lahat.

" Perfect, now our Engineers here will choose whose group they will go to." kaya isa-isa ng lumapit ang mga Engineers sa mga estudyante.

Nakakamangha ang dami nila, Lalo na pag meron ng mga constraction workers.

May isa nang lumapit samin, unlike sa iba ito parang binata pa. Matangkad at moreno very Engineer style talaga.

" Hi." bati niya saming lima kaya bumati din kami pabalik sa kanya. " I'm Engr. William, maari ko bang malaman ang inyong mga pangalan?" pakilala niya habang nakangiti.

Isa isa kaming nagpakilala sa kanya para naman hindi siya mapahiya charot hahahaha.

" So ang instruction samin ay dalawa sa architect students ang pagpipilian ng house design sino ba sa inyo dito? "

" Kami po." sabi ni James sabay akbay niya sakin.

" Dala niyo ba ang inyong mga blueprint? " tanong ni William samin kaya binigay namin ni James ang blueprint naming dalawa. " So alin dito ang ating susundin? " napatingin ako kay James at ngumiti siya sakin sabay gulo niya sa buhok ko.

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now