Kabanata 13

1.4K 30 5
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________

Kinaumagahan pag gising ko wala na si Miss Villejo sa tabi ko kaya nag madali akong pumunta sa kusina nag babakasakaling nandon siya pero wala din.

" La nakita niyo ba si Miss? " tanong ko kay Lola na nagpiprito ng isda.

" Hindi ka ba niya sinabihan? " lumingo lang ako bilang sagot. " aba't maaga siyang lumuwas ng Manila, sinabi ko pa na kung pwedeng mag
umagahan muna siya dito pero parang nag mamadali eh." kwento pa ni Lola.

Napaupo ako sa upuan habang dinaramdam ang kirot ng aking puso. Bakit ka umalis Miss? diba sinabi mong uuwi ka pag uiwi na ako?

Pagkatapos ng nangyari kagabi yon na yon? bigla bigla ka na lang aalis? ang ganda naman ng trip mo.

Umakyat ulit ako sa kwarto to check my phone, pero wala man lang message si Miss. Pero sino ka nga ba Kiara para e update siya kung bakit siya umalis diba? Gaya ng sinabi niya noon na lahat ng nangyari samin ay wala lang. Dapat masanay kana diba? pinaasa ka lang nong tao oh.

Everything that happened last night was just nothing to her Kiara alalahanin mo yan.



May kumatok sa kwarto and was hoping na si Miss Laurie yon, pero laking dismaya ko ng bumungad don si Ethan.

" Oh lab? mukhang disappointed ka atang nakita ako? " lumapit si Ethan sakin sabay gulo ng buhok ko.

" H-ha? di ah kagigising ko lang kasi." sabi ko kay Ethan. " Lab? pwede bang ijatid mo'ko sa Manila ngayon? " nabigla si Ethan sa sinabi ko kaya napatingin siya sakin na nagtataka.

" Oh? kala ko ba sa Sunday pa uwi mo? " nagtatakang tanong sakin ni Ethan.

" Ah may project kasi kaming dapat tapusin at okay na naman si Lolo tatawagan ko na lang sila pag schedule na ni Lolo ng pag inom ng gamot to make sure." sabi ko at tipid na ngumiti kay Ethan.

" Ah sige nag paalam kana ba kela Lola at Lolo? "

" Kakausapin ko pa." sabi ko sabay tayo at bumaba papuntang kusina at sumunod na lang din sakin si Ethan.

" La, Lo luluwas na po ako ng Manila pagkatapos ng umagahan." nakita ko ang lungkot ng mga mata nila matapos ko itong sabihin.

" Akala ko'y hanggang linggo kapa dito apo ko? " tanong sakin ni Lolo.

" Naalala ko po kasi na may project pa akong tatapusin kay Miss Laurie at wala pa po akong nasisimulan."

" Magluluto pa naman sana ako ng pinakbet at irigado mamayang tanghalian apo, ngunit aalis kana pala." malungkot na sabi ni Lola.

" babalik po ako dito baka sa susunod na linggo pag hindi busy sa school." sabi ko sabay yakap kay Lola.

" Huwag ka nang malungkot Rebecca, babalik naman yang apo natin. Ihahatid mo ba siya Ethan apo? " tanong ni Lolo kay Ethan

" Opo Lo, baka mag bakasyon din ako doon ng isang linggo."

" Oh siya apo kumain na tayo para hindi kayo magabihan sa byahe."



Matapos nga ng agahan ay naligo agad ako at nag bihis, wala naman akong dinalang gamit papunta dito kaya wala din akong dadalhin pabalik.

Pero bago pa kami lumabas ni Ethan sa bahay ay may pahabol pa si Lola.

" Apo nag madali akong nag prito ng banana cue itong isang supot sa inyo ni Ethan at James, itong isa naman ibigay mo kay Laurie." nginitian ko na lang ng tipid si Lola. Imbis na wala akong planonh kausapin pa si Miss Villejo eh binigyan pa talaga ako ng rason para kausapin siya.

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now