Kabanata 21

1.3K 41 3
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

__________________________________

Naiinis ako kay Laurie dalawang araw niya na akong iniiwasan kainis.

Pati sa construction site never na siyang lumapit sa group namin, kung pumunta man siya saglit lang para lang kausapin si Engineer William, kahit isang segundong sulyap di niya nagawa sakin.

Ganon na ba kalaki ang kasalanan ko para hindi niya ako pansinin? I mean dalawang araw niya na akong hindi kinakausap para lang don sa pag punas ni Theo sa labi ko.

Isa pa tong Theo na to nakakainis wala nang ibang ginawa kundi ang sumunod sakin, halos hindi niya na matulungan sila Sofie at Peter dahil nakabuntot lang siya sakin nakakairita.

Thursday na Thursday pero lahat kami pagod, paano may mga sudden changes sa plan kagaya nalang ng materials at design.

Pano pa kaya pag may totoong customer na talaga kami, paano pag marami silang binago? for sure iiwan namin sila hahahaha charot.

Dinidistract ko lang sarili ko kakaisip sa Laurie na yon. Alas tres na at hindi parin siya napadpad sa area namin, nakakainis nang literal.

" Beb change kaya natin ang kulay sa sala masyadong dark eh." sabi ni James, nakatutok kami sa laptop ngayon gumagawa ng bagong design sa loob ng bahay.

" Ikaw bahala." tipid kong sabi.

" Hoy hindi purket sinabi kong design ko susundin sa loob di mona ako tutulungan, lutang ka ngayon beb." sabi ni James sabay gulo niya sa buhok ko.

" Beb nag away kami ni Laurie." sabi ko sa kanya.

" Ha bakit? "

" Nag selos kay Theo, ikaw kasi eh." tumawa lang ang mokong sa sinabi ko, kainis.

" Hoy nandadamay kana naman, hahaha pwede mo naman kasing iwasan ikaw tong nang e-entertain pa eh." sabi niya. " Oh ayan na siya yieee." pabulong niyang sabi sabay nguso niya kung saan si Engineer.

Sige lumapit kalang diyan kay William tamp ibigay na kita sa kanya.

" Everyone you can take your break! " tawag samin ni Engineer William kaya sila Sofie, Theo at Peter tumakbo palapit samin, nandito kasi samin ang snacks hahaha.

Sumulyap ako ulit kay Laurie pero hindi parin siya nakatingin sakin. Ang lala niya mag selos dalawang araw, okay lang sana kung kasalanan ko siya nga eh lapit ng lapit kay William kainis.

" Kiara what do you want Pepsi or Cola? " tanong sakin ni Theo habang binubuksan ang cooler sa gilid ng mesa.

" Ah Mountain Dew na lang." ngumiti lang siya sakin sabay abot ng can.

Buti nalang masarap snacks namin di tinipid haha. Unli softdrinks, cupcakes, bananacake, cookies and biscuits.

" Guys you want something else? pupunta kami ni Nyx sa city to drink coffee baka may ipabili kayo? " kailangan talaga complete details kung saaan kayo aalis? tsk.

" Libre mo Engineer? " tanong ni Peter.

Hindi ko na sila sinulyapan at busy lang ako sa pagkain, para ano pa eh hindi naman din ako tinitingnan ng isa diyan?

" Hahaha pasalamat kayo malakas kayo sakin, sige libre ko na." nagsitawanan sila habang ako wala akong pake.

" Kape lang sakin Engineer hahaha." demand pa ng mokong ni James.

" Sige sulat niyo lang gusto niyo. Ikaw Kiara you want something? " kunyari busy ako sa laptop habang kumakain para wala akong rason tingnan si Engineer.

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now