Kabanata 15

1.5K 51 4
                                    

A/N: Hi Guys please do add me on my facebook account Leoniren Singca

_______________________________


Friday na at sobrang sabog kong pumasok sa school, maaga akong pumasok  dahil hindi naman ako nakatulog kagabi.

nag message na lang ako kay Ethan na nag lakad lang ako papuntamg school, ayokong makita nila ang itsura ko ngayon baka magalit na naman ang mga mokong.

Pagka-alis ni Miss Villejo kahapon sa condo hindi na ako natigil sa pag-iyak hanggang sa alas kwatro na di parin ako makatulog.

Ganito ba ang ma in-love? pag nasaktan halos mabaliw kana? ni hindi mo kayang matulog at kumain? kasi ito nangyari sakin eh, nabusog lang ako kagabi kakaiyak.

7:10 am pa lang at mag-isa lang ako dito sa classroom sa sub namin ni Miss Villejo. Ewan ko anong trip ko bat ako maagang pumasok kung pwede namang mag tambay pa sa labas.

Wala pa naman si Miss Villejo, kaya pwede na munang matulog? takte kung kailan ako pumasok don pa ako dinapuan ng antok kainis.

Di ko na kaya inaantok na talaga ako kaya sinandal ko na ang ulo ko sa desk, shuta di na kaya ng mata ko goodnight.




Pagka-gising ko wala pa ring ni isang estudyante sa classroom pero sa table sa harapan nandon si Miss Villejo nakatingin sakin. I check the time at putchaaaaa 2 pm na???!!!!!!

" M-Miss s-sorry po." seryoso lanh siyang nakatingin sabay lapit sakin. " M-Miss p-pasensya na p-po s-sorry po." ang tanga mo Kiara grabe sobrang tanga mo.

Nakayuko lang ako at nag aantay na pagalitan niya, tanggap ko na naman eh.

" sit down." umupo ako kaagad habang nakayuko parin.

" M-Miss s-sorry p-po talaga h-hindi ko po s-sinasadya." naiiyak na ako dahil sa katangahan ko.

" Look at me." dahan dahan kong inangat ang ulo ko para matingnan siya. " What happened?" hindi ko maintindihan ang tanong niya kaya tiningnan ko lang siya. " What happened to your eyes? to you. You look miserable." di ko mapigilang taasan siya ng kilay dahil sa tanong niya, shuta siya may kasalanan ng lahat!!!

" W-Wala po, namatay po kasi ang aso namin." sabi ko sabay iwas ng tingin sa mga mata niya.

" Follow me in my office." sabi niya kaya tumayo ako kaagad para sundan siya. Teka kung alas dos na ako nagising ibig ba sabihin non na nag-antay siya sakin hanggang alas dos din???

No Kiara wag kang tanga, si Miss Villejo babantayan kanh natutulog?? asa.

" sit down." turo niya sa couch kaya sumunod agad ako sa utos niya. Umupo siya sa harap ko habang pinagko-kross ang mga paa niya. "so tell me, what happened." anong what happened? sabing ikaw nga eh!!

" A-Aso n-nga po." sabi ko habang nakayuko.

" cut the crap." seryoso nitong sabi.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata niya. " H-Hindi ako makatulog kagabi dahil sayo." tinaasan niya ako ng kilay ng sabihin yon. " A-Ang sakit mong m-mag salita di ka naman ina-ano." napakagat ako sa labi ko para pigilan ang gusto kong sabihin.

" why is it my fault? " hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya, ano na amnesia ba siya at di niya maalala kung anong nangyari kagabi?!

" M-Miss h-hindi ko po alam." yan lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Tiningnan ko siya ulit at tinaasan na naman ako nito ng kilay, bat ba hilig niyang mag ganyan?

The Heartless Professor (GxG)Where stories live. Discover now