Mikaela's POV
Ramdam kong parang binibiyak ang ulo ko ng maalimpungatan ako dahil sa alarm ng phone ko kaya agad ko itong pinatay at inabot ang unan na nasa gilid ko at niyakap
ang bango, ang manly ng amoy-- manly?
napabalikwas ako ng bangon at dun ko lang naalala na dito nga pala ako sa condo ni miguel natulog, and speaking of miguel asan kaya yon? tumayo na ako sa kama at inayos ito saka ako pumunta sa bathroom para mag hilamos at mag toothbrush pagkatpos non itinali ko ang buhok ng messy bun saka lumabas ng kwarto at naabutan kong nag sasalin ng sinangag si miguel
he's wearing apron, napalingon naman sya sakin ng tumunog ang pintuan nya. He smiled
so pogi naman in the morning!!
lumapit ako sa katapat na upuan at umupo doon
"Headache?" tanong nya saka kumuha ng warm water at inabot sakin
"Thanks mingming! kanina pag gising ko meron pero di naman na ganon kasakit ngayon" nakangiting tumango naman sya saka kinuha ang niluto nyang ulam at sinalin din ito
woah tapa, fried eggs, corned beef, fried rice, vegies and adobo
"grabe naman ang pa breakfast chef lucas miguel" grabe mukhang masarap lahat, i mean sure naman ng masarap dahil masarap magluto si miguel eh
umupo ito sa tapat ko "let's eat" nauna kong tinikman ang adobo my fave!
ang sarap! ang lambot ng baboy at alam nyo yun basta ang sarap ng pagkakaluto perfect sa sinangag
"may pasok ka today?" tanong ko habang kumakain kami
"wala cinnamon bakit may pupuntahan ka ba?" napairap ako dahil ang hilig nyang ibalik yung tanong sakin
"duh ofcourse uuwi ako! mamaya pagalitan na ko nila mommy" sagot ko kahit alam ko namang hindi, syempre nabasa ko na ang mga text ng magulang ko and nag sorry na ko sa pagmamadali ko kagabi
"Lagot ka talaga tumakas ka eh" asar nya kaya inirapan ko sya
"Wow thank you ah?" i sarcastically said saka kumain nalang
"May damit pala na pambabae sa left side ng closet ko pili ka nalang para hindi mo na suotin uli yung damit mo kagabi" nasamid ako sa narinig kaya agad akong uminom ng tubig.
ngumiti ako ng tipid "oh okay thanks" sagot ko saka kumain nalang
kay agang pambbroken heart naman to oh!
pagkatapos kumain ay nag prisinta na akong mag huhugas ng mga plato pero di sya pumayag kaya naligo nalang ako and yes meron ngang mga damit na pambabae sa left side ng closet nya though iilan lang naman and mostly ay summer dresses pa ito gaya ng mga hilig ni tita aimee pero bakit naman maglalagay si tita ng mga damit dito?
so i therefore conclude that these dresses are for miguel's girlfriend.
ano ba yan lilipat na ako dito bukas parang gusto ko pa atang mag backout dahil ang weird weird talaga na may ibang babae sa condo ng boyfriend ng may boyfriend at ayoko ng ganon, ayokong maging third party
tss third party my foot eh kapatid nga lang turing sayo?
kinuha ko ang isang blue na summer dress, ito lang kasi ang hindi oa ang haba, keri naman ang sleeveless nito dahil maputi naman ang kili~kili ko
sinuklay ko lang din ang buhok ko saka tinali ng messy bun kahit medyo basa pa ito, hindi na ako nag make up dahil uuwi lang din naman ako. Pagkatapos non ay lumabas na ako sa sala at saktong kakatapos lang din pala maligo ni miguel sa magiging kwarto ko na wala pang ka laman laman maliban sa aircon at closet