Mikaela's POV
New Year's Day...
as usual last minute ang pamimili namin mabuti nalang talaga at may mga bukas parin kahit December 31 na. Tumawag na nga din pala sila mommy kanina habang nasa supermarket kami, madami silang chika pero nagmamadali din sila dahil aalis daw sila.
Nakapag decorate na din kami ni Miguel ng aming New year set up especially ang aming fruits. oh ha! nakumpleto pa namin ang twelve variants of round fruits. Inayos din namin ang mga bean bags sa balcony ng condo para naman doon kami mamaya manunuod ng fireworks.
Simple lang naman ang aming handa, I'm gonna make sausage cannelloni, potatoes au gratin, and nag bake ako ng aming welcoming new year cake, habang si miguel naman ay magluluto ng steak at leche flan. Tapos nag padala ng food samin sina david, ate czarina, and lily kaya lalong dumami ang pagkain namin
david sent us home made donuts, biko, and spaghetti. While ate czarina sent us Puto pao na sobrang sarap huhu and pizza. And syempre papakabog ba ang kaibigan ko? Lily sent us Shanghai, Fruit salad, Ube crema pandesal, and Roast beef.
Natatawa nalang kami ni miguel dahil pano namin uubusin lahat ng handa namin diba? pero oh well atleast may food kami for the following days.
Pagkahapon ay umalis saglit si miguel dahil may nakalimutan daw syang ingredient, at dahil bored ako ay sinubukan kong tawagan sina kuya elijah and hindi nga ako nagkamali! nasa galaan pa silang tatlo. Medyo lasing na si kuya jace at kuya elijah while si kuya Timothy ang pinaka okay pa sakanila. Nagkwentuhan kami kahit na parang baliw na yung dalawa.
Kinamusta nila kami ni Miguel at sabi nila ay sabay silang tatlo na babalik dito after new year. Nasabi din sakin ni kuya Timothy na pati sakanila ay nag paalam din daw si miguel, nakwelyuhan lang naman daw ni kuya elijah si miguel at pinag bantaan na oras na paiyakin nya ko ay isasama nya si miguel sa buhos ng ginagawang building.
mygoodness what a brutal person. Naiintindihan naman daw nila kung bakit sobrang protective ni kuya elijah saming magkakapatid. We are his younger siblings ika nga nila, his princesses. Princess my foot.
Overall they support us, my kuya's like him. Pumasa sya sa vibe check ni kuya jace oh ha! talking about 'probably playboy' remark nya nung una kong nakwento yung crush ko A.K.A Miguel. After my video call with my kuya's ay nag vc din kami ng mga friends ko. Well most of them ay nasa ibang bansa except me and lily. Izzy on the other hand ay saglit lang naming nakausap dahil may kailangan pa daw syang gawin, kaya ang ending ay nagbatian nalang kami at nag drop na rin ng call.
Nang wala na akong magawa ay naligo na ako. Pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay nahiga muna ako sa kama at nag scroll sa phone ko hanggang sa naaliw nako at di namalayan ang oras.
Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto nang maamoy ko ang butter, nakauwi na pala si miguel. Nang makita nya ako ay ngumiti sya kaya naupo ako sa isang bar stool at pinanood sya.
"Hungry?" Tanong nya sakin
"Not really" sagot ko saka tumayo at tumulong na para mapabilis ang ginagawa ni Miguel.
Pagkatapos mag luto ay inayos na namin ang mga handa sa table sa sala saka ako pumasok sa kwarto para mag bihis na.
We watched the new year's countdown party na tanaw sa balcony ng unit ni miguel
"5"
"4"
"3"
"2"
"1"
"HAPPY NEW YEAR!!!!"
I felt miguel kissed my head
"Happy new year!" I smiled at him as i greet him too.
"Happy new year"
"Let's eat!" Aya ko sakanya, we took a photo then we ate happily, nag kwentuhan din kami ng mga plans namin for this new year. Pagkatapos non ay nag videocall ulit kami kina mommy para batiin sila and after non ay nag ligpit na kami ng lamesa saka naglatag sa sala para makapag movie marathon, only to end up not finishing the movie dahil nakatulog kaming pareho.
Kinabukasan ay nagsimba kami ni miguel at namasyal sa park.
"Uuwi na sila mommy sa monday" i smiled at him saka binaling ang tingin sa ice cream ko.
"Yeah, may pasok na din ulit tayo sa school" i chuckled
"It was nice working with you Mrs. Ortiz" he teased kaya inirapan ko na sya ng pabiro
"Oh! My Pleasure Mr. Ortiz, taken pala huh" he smirked at me
"Selosa" aba't!
"Excuse me sinong mahilig magselos? Ikaw nga itong halos ilayo ako kay Xavier?" Natawa kaming pareho nang mag make face sya.
"Who wouldn't huh? Nagulat ako pangatlong interaction nyo na nung nasa beach, you took his jacket too!" He pouted.
"Gosh miguel! I already told u we accidentally met at the hotel's watch store tsaka tinulungan nya akong pumili ng regalo for you no! Besides he knows about my feelings kaya tse ka dyan" he held my hand.
"I really love you" i felt my cheeks heated. Damn!!!
"Alam ko!" Pabirong inirapan ko sya. Of course i love him too!
"It's good that you know and may you always be reminded that i'm always here for you, in this lifetime, or in another lifetime"
Pagkatapos naming namasyal ay dumaan muna kami sa company bldg. nila para icheck ang mga tasks namin at inayos na din namin ang mga aabutang trabaho nila tito at tita. Ganon din ang ginawa namin sa company namin, He's the acting CEO of both companies so yeah.
"It's nice working to both of you" Mrs. Cruz, one of the board members.
"We're all looking forward to work with you guys again" i smiled at them
"Thank you po" Miguel
"Thank you po" ngumiti silang lahat sa amin.
"Grabe no? Ang bilis lang lumipas ng araw parang kailan lang natataranta pa ko kung pano magiging secretary mo" sinulyapan nya ako saglit saka binalik ang tingin sa daan. He smiled at me
"I always knew na kaya mo love" i felt my cheeks heated, oh God knows how much i love hearing it from him.
"Thank you for believing me then miguel! I always knew too na kayang kaya mo mag patakbo ng kumpanya" nagulat ako nang nag park sya sa gilid at humarap sakin
"Kaya ko kasi naniniwala ka sakin, it's a big factor when you know someone believes in you, when someone knows you can do it. And i thank you love" napaka bilis ng tibok ng puso ko.
"Ang humble! You're good in everything you do kaya! And my Dad likes the way you work" totoo! Daddy always praise his work ethics and his dedication sa work.
"So pasado na ako sakanya?" Huh?
"Pasado as engineer? Of course!"
"Pasado as Son-in-law" he grinned
"Miguel kung alam mo lang" sagot ko saka tumawa, kung alam mo lang miguel kung ilang beses ng inulit sakin ni daddy na gusto ka nya for me.
We went silent for a few minutes, then he suddenly turned to me seriously
"Marry me after we graduate mikaela" ngumuso ako kasi hello!
"Wow koya? Try mo mag propose ng maayos?" He chuckled and nod
"Yeah sorry maybe i'm just a little excited" ngumiti ako sakanya
Darating din naman kami doon, sa tamang oras at panahon. After all it's him who i want to spend the rest of my life with
