Mikaela's POV
Maaga akong binulabog ng matinis na boses ni Izzy grabe ang hyper nya sa alas kwatro ng madaling araw ha!
Ramdam ko parin ang pagod pero nakabawi naman na ako ng tulog, tuyo na nga rin ang buhok ko hahaha
"Mikaela girl get up let's go!!" kinalampag nya ang pintuan ko at dinig ko ang tawa ni kristoff at david
"Nag breakfast na kayo?" dinig kong tanong ni miguel sakanila
"Hindi pa bro alam namin na mag luluto ka eh" biro ni kristoff
Bumangon na ako at inayos ang sarili, saka binuksan ang pinto, natawa naman ako dahil nakaamba pa si izzy na kakatok but she grinned at me when she saw me. Yumakap agad sya.
"Goodmorning hun! how's your sleep?" energetic nyang tanong.
"uhm i slept really well" sagot ko.
"Hey goodmorning mikaela" ngumiti ako kila david at kristoff
"Hi! Goodmorning!" lumapit silang dalawa at niyakap ako
"what the?!" sabay kaming napalingon kay miguel. salubong ang kilay nito. tss
"Friendly hug? tss" kristoff said.
"Oh ayan nanaman maaga pa ah" napailing nalang ako sakanila at dumiretso na sa kitchen at nag timpla ng kape. dinig ko ang tawanan nila izzy at kristoff, I'm not sure if she's just faking it or masaya talaga sya. pero sana it's the latter.
"breakfast cinnamon?" Tumango ako kay miguel kaya tinawag nya na sila izzy, kristoff, at david.
Nagluto sya ng hotdogs, tocino, fried rice, at fried eggs.
sabay sabay kaming kumain pero nauna akong natapos dahil maliligo pa ako, pagkatapos kong maligo at at mag ayos ay lumabas na uli ako ng kwarto bitbit ang travelling bag ko, saktong kalalabas lang din ni miguel. i heard the three chuckled.
"Kailangan color coded?" Asar ni izzy. Pareho nanaman kaming naka plain black shirt at short.
"Di pwedeng coincidence?" balik ko.
natawa sila sa sagot ko saka tumayo na rin sila.
"Let's go!!" Hyper talaga ni izzy na sinabayan pa ni kristoff
Nauna silang lumabas at sumunod nalang kami ni miguel
"Akin na ang bag mo cinnamon" Pagkasabi nya ay kinuha nya agad at naunang nag lakad. psh
Pagdating namin sa parking lot ay nakasakay na yung tatlo sa suv ni kristoff
"Hindi ba tayo sasabay sakanila mingming?" tanong ko ng nilagay nya ang mga gamit namin sa land cruiser nya.
"No cinnamon" he smiled at me saka pinagbuksan ako ng pinto, saka sinarado ito ng makasakay nako. lumapit pa sya sa side ni kristoff at nag usap sila saglit, kinuha ko naman ang ipad nya at nag scroll ng music hmmm... bet ko ata ang kpop ngayon. I played Seventeen's To you.
Napatingin ako kay miguel nung sumakay na din sya
"Are you excited?" nakangiting tanong nya. Naunang umalis ang sasakyan ni kristoff.
"Yes!! dagat na dagat na ako" Sagot ko saka niyakap ang sarili.
*chuckled*