Mikaela's POV
Mahigit isang linggo na rin mula ng sa condo ako ni miguel mag stay, so far smooth naman ang buhay naming dalawa, madalas ay bahay-opisina lang ang ganap namin pero may mga times din na inaaya nya ko lumabas, minsan kahit sa malapit na coffee shop lang tapos walking or minsan nagugulat nalang ako nag pareserve pala sya sa restaurant.
Hindi ko na tuloy alam kung kikiligin ba ko dahil baka may gusto sya sakin o matatawa nalang dahil baka little sister ang tingin nya.
Pero most of the things na ginagawa naman nya as much as possible ay hindi ko talaga binibigyan ng malisya. Ayokong mag expect mga atesiz.
Na-pause din pala ang opening ng bar ng kuya ni kristoff dahil napaaga ang panganganak ng asawa nito, kaya ayon ang susunod naming pagkikita ay sa araw na ng pag punta namin sa beach although umalis si miguel ngayon para kitain si david kaya eto ako ngayon at mag isa sa condo ni miguel.
Nakapag linis na nga rin ako at nakapag luto na, hindi ko din naman kasi alam kung dito ba kakain o sa labas na. Ayoko din syang itext dahil parang ang ewan ko naman kung pati pag uwi nya itatanong ko pa.
Busy din ang mga kaibigan ko kaya di ko sila maaya lumabas.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nag basa nalang ng libro, aside kasi sa pag aabsract painting ay mahilig din ako mag basa ng libro or mga reading site pero bigla naman akong nawala sa mood mag basa.
Ilang araw nalang din at pasko na pero bago yon mag bbeach muna kami! nakakaloka nga eh kung kailang napaka lamig ng panahon saka nila naisipan mag beach but who cares!
bumangon nalang ako ulit para lumabas ng kwarto pero nagkagulatan pa kami ni miguel, nakatayo ito sa tapat ng pintuan ko at akmang kakatok
"Nakauwi kana pala" nag give way sya para makalabas ako ng kwarto saka naupo sa sala
"kakarating ko lang" tumabi ito sakin, medyo amoy alak sya.
"Nagluto ako" / "Let's go out for a dinner" nagkatinginan pa kami at sabay na natawa
"You cooked? then let's just eat here cinnamon order nalang tayo food tas movie marathon tayo" ang sabi nya dahil ako daw ang nagluto ay sya ang mag hahain.
Sa totoo lang di ko gets bakit sarap na sarap sya sa niluto ko eh mas masarap nga syang mag luto kesa sakin eh, tsaka hello? adobo lang yun pero sabi nya special daw.
Pagkatapos namin kumain ay nag aya syang mag movie marathon at ang pinili namin na panoorin ay Harry Potter, Well isa yon sa similarities naming dalawa, mahilig kami sa science fiction movies. Umorder din sya ng chicken wings, fish fillets, at pizza burger, sinetup namin ang sala at pinatay ang lahat ng ilaw para naman mas feel namin ang panonoorin namin. Naglabas din kami ng mga unan at comforter para mas kumportable.
Tahimik lang kaming nanonood at feeling first timers ang peg namin pero kasi dibaaaa nakakaexcite parin manood ng harry potter kahit ilang beses mo ng napanood, there's always an excitement.
Sa kalagitnaan ng panonood ay naramdaman kong sumandal sakin si miguel kaya nilingon ko ito only to find out that he's sleeping already!
he's so cute
"movie marathon huh" hinayaan ko nalang syang sumandal sa balikat ko at pinag patuloy ang panonood
..
Naramdaman kong sobrang lamig ng aircon sa kwarto ko kaya kahit antok na antok at nakapikit pa ay kinapa kapa ko ang side table ko pero habang hinahanap ko ang remote ay biglang may humatak sakin ---- at wait what? agad akong napadilat at saka ko lang napagtanto na nasa sala ako kasama si miguel, nakahiga na kami sa nilatag naming comforter
