Mikaela's POV
Tahimik lang ang byahe at tanging music lang ang maririnig, di ko din alam kung paano mag uumpisa ng pag uusapa pero iniisip ko na dapat casual lang at hindi ako apektado sa sinabi nya kahapon. Ngayon ang unang araw namin sa opisina at kinakabahan ako dahil buong araw ko syang makakasama.
Mula nung sinabi nya yun saakin ay wala namang nag bago sa pakikitungo nya kaya lang syempre mga ante kinakabahan ako! Hindi naman ito ang first time na may nag confess sakin pero ito yung unang pagkakataon na 'Gusto ko din' ang taong iyon. Pero kasi!!! nag aalangan ako eh, nakita ko syang may kayakap sa mall so basically may GIRLFRIEND sya!
Hayy buhay nga naman oh!
"Are you okay?" napabalikwas ako at napatingin sakanya.
"Huh? ah oo okay lang" sagot ko saka dali daling tumingin nalang sa bintana at niyakap ang cinamoroll plushie ko.
"About nga pala sa---" agad kong pinutol ang sasabihin nya
"ah mingming pwedeng mamaya mo na sabihin? medyo nahihilo kasi ako pala ako eh" alanganing tumango naman sya
"Umidlip ka muna then?" suggest nya
"Okay lang ba?" ngumiti naman sya at tumango
Wala naman talaga akong balak umidlip! Alam naman natin na it's rude to nap kapag nasa passenger's seat ka.
sinubukan kong umidlip kaya lang hindi talaga kaya, kaya umayos nalang ako ng upo
"Feeling better?" tanong nya
"Hmm yes thankyou" mahinang sagot ko.
Nang makarating kami sa Building ng office nila ay halos saamin ang atensyon ng mga tao doon, Dirediretso namang naglalakad si miguel na parang sanay na at kung minsan ay nililingon lingon nya ako.
Nang makarating kami sa magiging office ni miguel ay Sinalubong kami ng secretary ni tita aimee, she greeted us with smiling face kaya ngumiti din ako.
Diretsong nag lakad si Miguel sa CEO's table kaya pumunta na din ako sa table ko "Good morning Mr. Ortiz and Mrs. Ortiz" natigilan kaming pareho ni Miguel sa pag lalakad at sabay naming nilingon si Ateng secretary at mukhang pati sya ay nagulat sa reaksyon namin ni Miguel
"did i say something wrong?" kumurap kurap pa sya at inisip kung may mali nga ba syang nasabi
"Sinabi po kasi ni Ma'am Aimee na asawa daw po ni Sir Miguel ang secretary nya" nanlaki ang mata at napahilot naman si miguel sa noo nya
"Mali po ba? I'm sorry po sir Miguel and uh Ma'am Mikaela" Ngumiti nalang ako kay ateng secretary
"No It's okay thank you" Tipid na sabi ni Miguel, tumingin sakin si ateng secretary apologetically
"It's okay po" nag bow sya bago lumabas ng office ni miguel, hindi naman na sya pinansin ni miguel dahil busy na ito sa binabasa sa laptop. Sungit much?
"Miguel seriously dito talaga office ko?" tanong ko pagkaupo ko. Jusko! nasa loob din ako ng office nya and worst magkaharap ang table namin! ano to? teacher sya student ang peg ko?
saglit na tumingin sakin si miguel "Why cinnamon you want your own room? pwede naman" pinanlakihan ko sya ng mata
"It's Mikaela! we're here at the office mamaya isipin talaga nila mag asawa tayo!" ngumisi naman sya sakin
"Why may mag seselos ba?" tanong nya sakin kaya pinanlakihan ko sya ng mata
"Gosh! syempre wala!" inirapan ko sya at inopen ang laptop ko
![](https://img.wattpad.com/cover/347900504-288-k474166.jpg)