Mikaela's POV
Nakangiting naglalakad ako sa hallway ng opisina nila miguel, feel na feel ko ang energy sa pagttrabaho ngayong araw.
"Goodmorning ma'am" i smiled at them
"Goodmorning" sagot ko.
Dumiretso ako sa opisina namin ni miguel, Nasa site kasi si miguel ngayon para makipag meeting sa mga engineers ng isang project between their company and ours.
Habang hindi ako busy ay inabala ko ang sarili ko sa pag aadvance study para naman may magawa ako. Natapos ko na din kasi ang reports at naayos ko na din ang mga schedule namin ni miguel hanggang sa end ng aming mga ganap dito at saamin.
ambilis ng araw at mag babagong taon na din. Another year for me to accomplish big things, plano ko din mag enroll sa business management degree pagkagraduate ko then lilipat na ako sa condo ko. I wanna try living independently, siguro naman ay papayag sila daddy na mag trabaho ako sa company namin habang nag aaral ako ng business management.
Actually gusto ko din mag Engineering eh so I'm torn between civil engineering and business management.
Andami kong plano for the coming year, especially para samin ni Miguel. I really love him pero I'm taking our time with this dating era. I've never been so sure about something. Pero pagdating kay Miguel parang palaging alam ko na. Parang sure na sure na ako.
Naramdaman ko ang antok kaya umidlip muna ako
..
Mag isang kumakain si Manuel ng agahan sa kainan ng kanyang Kinakapatid na si Rosario nang madaanan sya ni fidel na isang litratista at kanyang kaibigan din at nakakatandang kapatid ni Rosario
"Nag iisa ka ata aking kaibigan" naupo ito sa harap nya
"Ah naisipan ko lang kumain dito, babalik na din ako ng maynila sa susunod na araw" tumango ito sa sinabi nya
"May ibibigay pala ako sayo" natuon ang atensyon ni manuel sa kausap kaya itinigil nya ang pagkain, inilabas nito ang isang litrato at nagulat sya ng makita iyon
"Hindi ko na sana pa papansinin iyan kaso nakita kong maganda ang kuha kaya naisipan kong ibigay nalang sayo" natulala sya sa litrato.
Nakaharap ang babaeng nakasuot ng puti at asul na Baro't saya sa isang larawan habang si manuel naman ay nakatayo sa di kalayuan sa babae.
naaalala nya parin kung pano tila ba tumigil ang oras ng matanaw nya ang babae.