Mikaela's POV
It's been three weeks mula ng mag umpisa ang klase and so far so good naman aside sa pangbabakod ni kuya elijah at ng dalawang kaibigan nya cute diba? pero okay lang naman sakin kasi oo nga naman di naman dapat matakot kung talagang totoo ang intensyon.
"Miss Lopez pwede ba kitang utusan saglit" napaangat ako ng tingin sa prof. ko
"Yes po Ma'am" agad akong tumayo at lumapit sa prof ko
"pakibigay naman ito kay Engineer Nathaniel pakisabi Ito na yung mga sample na hinihiram nya" Napatingin ako sa patong patong na folder at ngumiti
"sige po ma'am" kinuha ko ang mga folder at nag excuse.
Ugh may kabigatan din pala itong mga ito, sayang at wala sila kuya elijah papatulong sana ako huhu.
nasa kalagitnaan nako ng paglalakad ko ng di ko napansin ang bato kung kaya't natalisod ako. Pumikit ako dahil ramdam kong matutumba ako pero napadilat agad ako ng maramdaman na may sumalo sakin
"Miguel?!" nanlaki ang mata ko ng mapagsino ko ang sumalo sakin
"Mikaela?"
agad akong tumayo ng maayos at pinag pupulot ang folder na nahulog tinulungan naman nya ako.
"Are you okay? wala bang masakit sayo?" alalang tanong nya
"huh? uh wala naman uhm i need to go kailangan ko pa itong ihatid kay Engineer Nathaniel" saad ko habang inaayos ang mga folder pero kinuha nya ito sakin lahat
"sasamahan na kita" marahang sabi niya saka nag umpisang maglakad.
Jusko!!! sa ilang taon ko dito sa university na to bakit di ko sya napansin o nakita? tsaka lately ay napapadalas ako sa Engineering department dahil kila kuya how come di ko sya nakita?!
"uh dito ka din pala nag aaral" pag uumpisa ko habang sumasabay sa lakad nya
"yes, and ikaw din dito ka din pala nag aaral" he chuckled. ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko sa simpleng pag tawa nya. oh come on!
mabilis kaming nakarating sa office ni Engineer Nathaniel dahil na rin sa alam ni miguel ang pasikot sikot well blessing in disguise pala ang aksidenteng pagkikita namin
"Naku! Ms. Lopez maraming salamat medyo kailangan ko na din kasi ito pasensya na at mabigat ang mga ito pasabi nalang din kay Mrs. Fuentes na salamat" ngumiti sya sakin
"Okay lang po tinulungan naman po ako ni Miguel" nagpabalik balik ang tingin nya saming dalawa
"Ikaw Mr. Ortiz ha di ko alam na girlfriend mo pala itong si Ms. Lopez bagay kayo kaya pala consistent matataas ang grades ah" ramdam kong namula ako sa sinabi ni Engineer Nathaniel nakakahiya mamaya anong isipin nito ni miguel
"Ah naku sir! hindi po kami i mean uhm--" shocks!
"Sir talaga oh nanliligaw palang ako eh mamaya bastedin ako nyan sige ka" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya
"ha ganon ba? ay hayaan mo na at dun din naman papunta yon hindi ba Ms.Lopez?"
"po? ah hehe" okay this is so embarrassing!!
tumayo si Engineer Nathaniel at binitbit ang mga folder
"Oh maiwan ko na kayo wag kayong mag alala wala akong pagsasabihan ng sikreto nyong dalawa" tinapik nya kaming pareho ni miguel sa balikat at lumabas