Ten

6 2 0
                                    

Mikaela's POV

Masyadong excited ang mga kapatid ko at hindi mapigil ang mga bibig nila sa mga plano nila para sa japan Christmas vacation nila, Syempre naiinggit ako sino ba namang hindi! First Christmas ko ito na hindi kasama ang pamilya ko and worst ang makakasama ko lang ay yung taong gusto ko- na may GIRLFRIEND na!

Kinausap ko din sila kuya jace at kuya Timothy pero susunod daw sila sa US kay kuya Elijah at baka February na sila makabalik, tapos yung mga kaibigan ko naman ay may mga kanya kanyang plans na rin so yeah I'll be stuck with miguel until bumalik ang parents namin.

Pero paano kung kasama namin sa pasko yung girlfriend nya? hindi ba parang ang awkward naman tsaka hindi ba sya magagalit na may ibang babae na nakatira sa condo ni miguel?

Well kung sabagay baka palagi naman syang may assurance mula kay miguel, ganon kasi yung taong yun eh masyadong green flag, lahat ata ng love language nasakanya na.

tumayo ako at kinuha ang bag, kailangan kong umuwi ng maaga dahil sa bahay mag didinner sila tita aimee at tito arturo pati na din sila Noah at Andrew (Miguel's siblings) Di ko alam kung kasama si miguel pero mukhang hindi dahil busy daw ito

busy my foot

baka busy sa girlfriend, wait okay i sound bitter here.

Nagulat ako ng magtama ang mata namin ng taong nakatayo sa lobby ng department namin, ngumiti ito at lumapit "Cinnamon" tawag nya sakin.

ramdam ko ang kaba pero hindi ko dapat iyon ipahalata "Uh ano yun miguel may kailangan ka ba?" kumunot ang noo nya, i mentally slapped myself wrong move ata.

"may problema ba tayo cinnamon?" seryosong tanong nya, nag kunwari akong nagulat sa tanong nya

"huh? anong problema? wala ah!" i chuckled trying to hide my nervousness


"you called me by my name" seryoso parin sya

"Eh name mo yun? alangan tawagin kitang bentong? or tekla?" biro ko pero mukhang di ata sya natuwa dahil seryoso parin sya

napakamot ako sa ulo ko "ikaw naman mingming sorry na nagulat kasi ako eh bigla bigla kang nasulpot sa lobby" ngumiti ako sakanya at nag pa cute

lumambot naman ang ekspresyon nya sakin "tss akala ko galit ka sakin eh" sabi nya

"huh bakit nga ko magagalit sayo? may ginawa ka ba? may tinatago ka ba?" sunod sunod kong tanong

"wala ah kaya nga nagulat ako nung tinawag mo kong miguel eh" jusq ang cute nya mag pout

"tss pangalan mo kaya yun duh you had it since your birth" he playfully rolled his eyes on me saka hinablot ang bag ko

"let's go home" naramdaman ko nanaman ang baliw kong puso, kailangan ba talagang sabihin yon?


"huy anong let's go home dala ko kotse ko" sabi ko saka sumabay ng lakad sakanya


"iwan mo nalang dito sinabi ko na din kila manong guard sabay na tayong pumasok bukas" Sagot nya saka nag lakad patungo sa kotse nya.


"Akala ko wala ka sa dinner?" pangungulit ko

"Says who? ako nga unang sinabihan ni tita eh" he smirked. what was that for?

"oh? paborito ka kasi eh mamaya nyan ikaw na yung anak nya" sinulyapan ko sya at kita ko ang ngiti nya. kung alam mo lang miguel kung gano ka boto sayo ang magulang ko.


"It's a tie though, mom adores you so much konti nalang hingiin kana nya kay tita" aww tita aimee. kinilig ako sa sinabi ni miguel

"I love tita aimee too noh! she's like my second mom" Pinag buksan nya ako ng pinto saka sya sumakay sa driver's seat

TimelessWhere stories live. Discover now