1

50 0 0
                                    

Naglalakad ako ngayon dito sa dati kong paaralan, hindi ko alam kung bakit pa ko pumunta dito. Siguro namiss ko lang talaga tong paaralan ko nung hayskul pa ko o siguro dahil namiss ko yung mga panahong nandito pa ko, masaya pa ko at nandito ka pa.

****

Naaalala ko pa nung unang pag uusap natin, walang malisya, purong kaibigan lang. Magkaedad lang tayo pero 2nd year highschool na ko at ikaw ay freshmen palang dito.

Naging magkaibigan tayo, yung sakto lang...hindi sobrang close pero magkaibigan. Siguro dahil na din sa mga kaibigan ko na kaibigan yung mga kaibigan mo kaya naging magkaibigan tayo.

Hindi pa kita napapansin noon dahil may iba naman akong gusto at hindi mo din naman ako pinapansin dahil may iba ka ding gusto.

Oktubre ng taon ding iyon ng may manligaw sa akin na kaklase ko, si Sean. Nung una, hindi ko pinapansin kasi nga may iba kong gusto. 4th year highschool na yung gusto ko, Carlo yung pangalan niya at may girlfriend. Alam ko namang wala akong pag asa kay Kuya Carlo kaya naman hinayaan ko na manligaw sa akin si Sean.

Isang taon na nanligaw sakin si Sean, lagi niya kong sinusurpesa ng kung ano ano. Siguro dahil na din doon kaya napa-oo niya ako noong 3rd year na kami.

Ikaw naman ay nagkaroon din ng kasintahan, wala akong pake noon. Masaya kami ni Sean, masaya ko sakanya kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko siya talagang mahal. Oo, gusto ko siya pero mahal? Napakalalim na salita ng "mahal" para sakin. Akala ko pag nakilala ko pa siya lalo, mamahalin ko na siya, lumipas ang isang taon, 4th year na ko at kami pa din...pero alam ko sa sarili ko, na yung nararamdaman ko hindi pa din sapat. He doesn't deserve me, masyado niya akong mahal pero ako, hindi pa din sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya.

Alam kong dapat una palang hindi ko na sinagot si Sean, pero natakot ako. Ayoko siyang masaktan, natakot akong saktan siya. Natakot ako sa sasabihin ng mga tao sa akin kapag hindi ko tinanggap ang pagmamahal niya, kahit alam kong mali tinuloy ko pa din. Nagtagal kami ng isang taon hindi dahil mahal ko siya, nagtagal kami dahil natakot akong iwanan siya. Kahit ilang beses kaming nag aaway, hindi ako umayaw dahil ayokong mapasama sa tingin ng iba. Napakasama ko ano? Pero tao lang ako at ayokong masabihan ng masasamang salita.

Buwan ng Agosto noong nagkasama ulit tayo kasama ang mga kaibigan natin. 4th year ako at 3rd year ka naman. Lumipat ng ibang paaralan ang kasintahan mo kaya nakakasama mo na ulit ang mga kaibigan mo. Nagkasama tayo sa isang organisasyon sa ating eskwelahan, hindi pa tayo sobrang close dahil kami pa ni Sean ng mga panahong ito. Pero nahahalata ko yung mga simpleng banat mo sakin, hindi ko lang pinapansin pero kahit anong pag iwas ko ay hindi ko maintindihan kung bakit kapag lumalapit ka ay parang hindi mapakali ang puso ko. Sobrang bilis ng tibok sa hindi malamang kadahilanan.

May activity ang ating eskwelahan na doon matutulog ng dalawang gabi. Noong unang gabi ay nag away nanaman kami ni Sean, puro nalang away, sawang sawa na ko. Gusto ko ng umayaw dahil sa kagustuhan kong wag masaktan si Sean ay sarili kong puso na ang nasasaktan ko. Mali ba ang desisyon ko na ipilit ang relasyong ito? Gulong gulo na ko ng gabing yon, kasama ko ang aking kaibigan na nakahiga sa sahig na may sapin ngunit kasama naman niya ang kanyang kasintahan na kaibigan mo.

Tinabihan mo ako, hindi ko inaasahan yun pero sa simpleng pagtabi mo lang ay biglang naghuramentado na ang puso ko. Bakit mo ko tinabihan? Ako lang ba itong nagiisip ng kung ano? Hindi ko na alam pero hinayaan ko na lamang. Bakit biglang ganto? Wala naman akong nararamdamang ganito sayo dati ngunit anong nangyayare ngayon? Hindi ito pwede.

Nakahiga tayo at magkatabi.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito, sa dami ng kaibigan kong lalaki na nakatabi ko ng matulog kapag nagoovernight kami ay wala naman akong nararamdamang ganto pero bakit sayo, tila sasabog na ang puso ko? Hinayaan ko na lamang ito at pinikit ang mga mata ko. Siguro kailangan ko lang ng tulog dahil masyado na akong naiistress sa mga nangyayare sa amin ni Sean.

Halos sampong minuto na akong nakapikit pero hindi pa din ako makatulog. Tulog nanaman ang iba ko pang kasama dito, nasa kaliwa nga kita at nasa kanan ko ay si Andrei na kaibigan mo din. Tulog na sila at tingin ko ako nalang ang gising. Minulat ko ang mga mata ko, diretso lang ang tingin ko sa kisame dahil ayaw kong lumingon sa iyo pero hindi ko pa din napigilan ang sarili ko na lingunin ka, iniisip ko na sana ay tulog ka na pero pagharap ko sayo ay nakasalubong ko agad ang mga mata mo na nakatitig sa akin.

Nakaharap ka sa pwesto ko at tinanong mo ako kung hindi ba ako makatulog, sinagot kita ng hindi nga ako makatulog. Ang ulo ko lang ang nakabaling sa pwesto mo at ang katawan ko ay diretso pa din dahil ayokong humarap sayo, ayoko.

Nagulat ako ng bigla mong tinaas ang mga kamay mo at inilapit sa mukha ko para ayusing ang buhok na tumataklob sa mukha ko. Pakshet, di ko alam ang gagawin ko at muli nanamang nagwala ang puso ko.

"Ang init mo ah?" Naalala ko pang sinabi mo nang mahawakan mo ang noo ko sa pagayos ng buhok ko. Hinawakan ko ang noo ko at nalaman ko na nilalagnat pala ako. Siguro ay dahil sa pagligo ko sa ulan. Sinabi ko lang sayo na hayaan mo na ngunit eto ka nanaman, bigla kang umupo at binalot mo yung kumot mo sa akin. Ang dating ay parang hati na tayo sa kumot mo. Sht, sobrang bilis na talaga ng tibok ng puso ko. Sinabi mo na iyon ay para hindi ako lamigin at para huwag lumalala ang lagnat ko.

Sinabi mo pa na humarap naman ako sayo at magkwentuhan tayo, ayaw ko man ay ginawa ko pa din dahil alam ko naman na ako lang ata ang gumagawa ng malisya dito. Gusto kong ipakita sayo na walang epekto sa akin ang ganto kaya ipinaparamdam ko na kumportable ako kahit ang totoo ay pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa kaba.

Nagkekwento ka ng kung ano ano, dumikit ka ng kaunti sa akin dahil nilalamig ka din. Nalaman ko din na monthsary niyo pala ng iyong kasintahan ng araw na iyon, hindi ko alam pero nayayamot ako sa kwento mo tungkol sa girlfriend mo. Ala-una na ng madaling araw kaya ang sabi mo sa akin ay matulog na ako. Sinunod ko naman dahil sa totoo lang ay habang magkausap tayo ay naghuhuramentado pa din ang puso ko.

Diniretso ko na ulit ang katawan ko at humarap sa may kisame. Pinikit ko na ang mga mata ko, sinubukan ko ng matulog ng bigla kong naramdaman ang mga kamay mo na nakayakap sa bewang ko at napadilat ako.

FCKSHT. TINGIN KO AY SUMABOG NA ATA ANG PUSO KO.






"Para hindi ka ginawin. Matulog ka na, goodnight Arisse" Bulong mo sa tenga ko. PTNGINA. HINDI NA KO MAKAHINGA PA.

His Second BestWhere stories live. Discover now