November 24.
Araw na nagkrus ulit yung landas natin. Oo, nakikita pa din kita sa hallways, sa canteen pero hindi ako nagpapakita sayo. Tanggap ko na, tanga na ko kung tanga para mahalin ka pero hindi na ko magpapakatanga pa para sabihin sayo na mahal kita.
Pero itong araw na to, sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kita. Naglalakad ako papuntang faculty, kasama ko ang English teacher ko. Magkausap kami ng teacher ko kaya hindi ko nakikita kung may naglalakad ba sa harap ko. Binuksan na ni Ma'am Salvador ang pintuan papasok ng faculty room, papasok na ko nang biglang may tumama sa likod ko. Pag harap ko, biglang naghuramentado nanaman ang tanga kong puso. Nag sorry ka sakin pero hindi ko iyon pinansin at tumuloy na sa table ni Ma'am. Pumasok ka din sa loob ng faculty, kasama mo yung kaibigan mo, nakakainis lang na wala ka namang ginagawa pero bakit tumitibok ng ganto yung puso ko.
Grabe, miss na miss na kita...
Kinabukasan ay may try outs para sa Intrams. Ewan ko kung paano basta lumapit kayo ng mga kaibigan mo sa amin ng kaibigan ko at simula noon ay naging mas malapit tayo, hindi na sa text pero sa personal na.
May mga panahon na nagkukulitan tayo, yung inaagaw mo yung clip ko sa buhok kasi sabi mo gusto mo ikaw maglalagay. Yung inaasar niyo kaming magkaibigan tapos bigla mong sinabi na pawis na ko, pinunasan mo yung pawis ko gamit yung panyo mo. Syempre, etong tanga ko namang puso ay tumibok nanaman ng pagkabilis bilis. Yung pag nakaupo ako tapos nakabukaka, pinapagalitan mo ko tapos kinoclose mo yung mga binti ko. Yung paglapit mo sakin kapag magkakasama tayo, yung simpleng pag daplis lang ng mga kamay mo sakin parang kinukuryente na yung buong pagkatao ko. Yung habang kumakain tayo, inaasar mo ko tapos pinahidan mo pa ko ng cake sa mukha. Hindi ko magets pero kinikilig naman ako sa simpleng galaw mo lang. Yung pag pumupunta kami ni Alex, yung kaibigan ko sa bahay ni Luis na kaibigan mo kasi magboyfriend sila, edi syempre magkasama kami ni Alex tapos bigla kang pupunta sa bahay ni Luis kasi nalaman mo na kasama ko. Yung pagtuturo mo sakin sa math, yung pag nagsasagot ako ng assignment tinuturuan mo ko. Yung simpleng paghawak mo sa kamay ko tapos tatanggalin mo din, yung bigla mong paghila sa braso ko tapos biglang yayakapin. Nagugulat talaga ko pag ginagawa mo yun eh, isang beses pa, pinatong mo yung kamay ko sa dibdib mo, at grabe, sobrang bilis din ng tibok ng puso mo. Alam mo bang sobrang saya ko nun, kasi akala ko ako lang yung nakakaramdam ng ganun para sayo pero ganun ka din pala sakin pero syempre hindi ka pa din umaamin, dinadaan mo lang sa pangaasar at pagbibiro ang lahat. Tapos may time pa na magmomotor tayo tapos kung saan lang natin gusto pumunta, meron din yung pinatong mo sa binti ko yung polo shirt mo, nakahiga kasi ako nun at nakapalda na uniform namin tapos pinatong mo yung polo shirt mo para di ako makitaan. May times pa na ayaw mo pa ko pauwiin kasi sabi mo "mamimiss mo ko" tapos yung feeling ko sobrang apektado ko sa mga nangyayare, na bawal tayo, na akala ko nasasaktan ka din pero maiisip ko nalang "TANGA MO, ARISSE. BAKIT NAMAN MASASAKTAN YUN EH MAY GIRLFRIEND NAMAN YUN"
Noong nag December 8, habang hinihintay ko yung mga kagrupo ko sa thesis, nagfefacebook ako at nagulat ako ng bigla kang nagchat. Simula noon, araw araw na din tayo nagkakachat. Inaantay mo ko pag gabi or ikaw naman yung aantayin ko. Hindi pa din kasi binabalik ng nanay ko yung phone ko pero pwede na kong magfacebook ulit.
Nagchachat tayo hanggang ala-una kahit may pasok pa kinabukasan, nagtataka nga ako kung paano mo ko nachachat. Hindi ba alam ng girlfriend mo yung password mo?
Isang beses, monthsary niyo ng girlfriend mo, may pa-bingo sa school natin. Magkasama tayo nun, ang tawag mo kasi sakin 'Bee' kaya pag nagsasabi yung emcee na "sa letrang B" ginagaya mo yung nagsasalita tapos dinidiinan mo pa talaga yung pagsabi ng 'B'. Syempre ako naman kunware walang pake pero deep inside kilig na kilig na ko. Pagkatapos ng bingo, pumunta tayo sa bahay nila Luis. Aalis kasi si Luis papuntang probinsya ng ilang araw kaya gusto nila magsama daw muna ni Alex. Sasamahan mo naman si Luis sa sakayan...at alam ko na magkikita kayo, ng girlfriend mo. Tayong dalawa nasa kwarto ni Luis, si Alex at Luis naman nasa labas. Habang hinihintay natin si Alex at Luis na matapos magusap, inisip ko na matulog muna. Nagulat ako ng bigla kang tumabi sakin. Nakatalikod ako sayo kaya hindi ko nalang pinansin yun at pinikit ko nalang yung mata ko.
Hindi ko inaasahan pero nagulat ako ng bigla mo kong hinalikan sa pisngi, akala mo ata ay tulog nako. Akala ko sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok, tinuloy ko lang yung pagtulog ko kasi hindi ko alam yung irereact ko. Anong sasabihin ko? Na bakit mo ko hinalikan? Hindi ko na talaga alam. Hinaplos mo yung mukha ko at inayos yung buhok ko na tumataklob sa mukha ko.
Habang ginagawa mo yun bigla mong kinanta ang paborito kong kanta, yung paborito nating kanta. Naiiyak na ko pero pinipigil ko lang kasi ayaw kong malaman mo na gising ako. Tinuloy mo lang yung pagkanta mo...
"So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans..."
Hinalikan mo ulit ako sa pisngi..
"holding me closer til our eyes meet, you won't ever be alone"
At isa pang halik..
"And if you hurt me, that's okay baby only words bleed.."
At isa pa.
"Inside these pages you just hold me..."
Isa pa.
"I won't ever let you go"
Isa pa.
Gusto ng kumawala ng mga luha na kanina ko pa pinipigil pero tiniis ko para lang hindi mo malaman na gising ako.
"And when I'm away, I will remember how you kissed me..."
At isa pa na sa gilid na ng labi ko. Hindi mo na tinanggal yung labi mo sa pisngi ko pero tinuloy mo pa din yung pagkanta mo kaya ramdam na ramdam ko yung paghinga mo sa pisngi ko.
"Under the lamp post back on sixth street, hearing you whisper thru the phone..."
Nilayo mo na yung labi mo sa mukha ko pero bigla mo naman akong niyakap patalikod.
"Wait for me to come home...."
Sobrang higpit ng yakap mo sakin na nararamdaman ko nanaman yung bilis ng tibok ng puso mo.
At hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko. Bakit mo ko hinalikan? Ginugulo mo lalo yung isip ko eh, kasi alam ko namang pinaglalaruan mo lang ako. Alam ko na wala lang sayo lahat ng nangyayare pero bakit ganyan ka? Feeling ko apektado ka, feeling ko nasasaktan ka din, nahihirapan ka din. Bakit ba ganyan ka? Minsan pinaparamdam mo na special ako sayo, na may nararamdaman ka din para sakin pero minsan naman halos ipamukha mo na sakin na masaya kayo ng girlfriend mo...
"Gising ka na, Arisse. Aalis na kami ni Luis" bulong mo sakin.
Aalis na kayo ni Luis, aalis ka na at pupunta ka na kung kanino ka naman talaga dapat pumunta. Hindi dapat sa akin, kundi sa kanya..sa totoong nagmamayari sayo.