March.
Last camping na ng organization na sinalihan natin. Naaalala mo pa ba yung camp na naging dahilan kung bakit naging close tayo? Ako kasi, oo.
Ngayong last camp ay mayroong activity para sa inyo, by crew yon. Nasa auditorium ang mga ibang crew na maghihintay pa para sa turn nila sa pag gawa ng activity. Kasama ang crew mo dun, kami naman ay naatasan na bantayan kayo.
Nakapatay ang mga ilaw sa auditorium dahil ang activity ay tungkol sa bravery kaya pinapapatay lahat ng ilaw, kayong magkakaibigan ay nagkukulitan lang hanggang sa pinagsabihan namin kayo na tumahimik. Pumunta ka sa harapan kung saan ako nakapwesto, tumabi ka sa akin habang ako ay nagcecellphone, bigla mong kinuha yung phone ko sa kamay ko. Buti nalang may password yun kaya hindi mo mabuksan tapos pinipilit mo ako na buksan iyon. Bilang tatanga tanga sayo, binuksan ko nga. Pinakialaman mo lahat doon.
"Asan na yung mga text natin?" Tanong mo.
"Wala, binura ko na eh" sagot ko kahit ang totoo ay nasa private messages yun.
"Ano ba yan, iyo na nga"
Nagalit ka pa sakin nun kasi akala mo dinelete ko. Ako? Patay na patay ako sayo tapos idedelete ko lahat yun? Hindi ko kaya, kahit nga siguro isang text mo lang hindi ko kay burahin, kahit simpleng 'hi' mo lang ay masaya na ko.
Kumanta ka nalang at ako naman kinuha ko ulit yung phone ko. Nirecord ko yung pagkanta mo. Siguro nga ay tanga tanga na talaga ko pero gusto ko lang naman na laging marinig ang mga boses mo. Hindi mo alam na nirerecord ko iyon kaya kanta ka lang ng kanta.
Lumipas ang ilang minuto at sinabi na crew mo na ang susunod na gagawa ng activity. Ako ang unang lumabas sa auditorium para icheck kung okay na, nang makita ko na wala nanamang problema ay pinalabas ko na kayo.
Ikaw ang unang lumabas, wala pa yung mga ka-crew mo kaya tayong dalawa lang ang nandoon.
"Ang lamig.." sabi ko.
Bigla kang lumapit sa akin, yung sobrang lapit na magkadikit yung mga katawan natin...ramdam na ramdam ko ang init na mula sa katawan mo.
Niyakap mo ko at hinalikan sa noo..
T*ngina. Eto nanaman eh..ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko, ang bilis na parang gusto niya ng sumabog sa sobrang saya..
At sa sobrang sakit.
Ang sakit sakit na..ang sakit na. Pagkatapos ng prom, iniwan mo ulit ako na parang wala lang, na baliwala lang ako tapos eto ka nanaman, magiging sweet ka nanaman sakin, magpapakatanga nanaman ako, aasa nanaman ako. Gusto kong maiyak pero ayokong gawin yun sa harap mo, tanga na nga akong minahal kita, gagawin ko pa bang tanga ang sarili ko kung sasabihin ko pa sayo na mahal na kita.
"Ano ba yan? Haha, umayos ka nga" I tried to act na parang wala lang yun, na parang hindi ako nasaktan sa pagyakap mo sakin. Bakit mo ba kasi ginagawa tong mga to?
Lumabas na yung mga ka-crew mo kaya bigla mong kinalas ang yakap mo sakin. Okay, ganun na lang yun. Ganun na lang talaga yun.
Matapos ang activity ay pinabalik na lahat kayo sa auditorium, may suot suot akong jacket nun..
"Pahiram jacket mo, anlamig sa tutulugan namin eh" sabi mo.
Syempre ako, bilang tanga, pinahiram ko sayo. Nung matutulog na, lamig na lamig ako pero ayos lang, suot mo naman yung jacket ko. Grabe, tanga ko no? Halos di ako nakatulog ng maayos sa sobrang lamig pero okay lang sakin.
Pagkagising naming mga officer, nagtetraining na kayo sa baba. Pumunta kami dun at nakita ko na suot suot mo yung jacket ko...
Ewan ko ba, wala namang nakakakilig dun pero kinikilig ako na makitang suot mo yung jacket ko.
After niyo magtraining dun, pinaakyat na kayo sa may stage kasi may next activity.
Yung activity na yun hahanapin niyo yung mga officers tapos may ipapagawa kami sa inyo. Ako nagstay ako sa tent na pinagpepwestuhan niyo, nakahiga lang ako dun habang naghihintay.
Isa isang nagpupuntahan na yung mga crew sakin, wala namang nangyare nung activity pero after nun, humiga ulit ako sa tent, kasama ko yung isa kong kaibigan, tapos nakatulog ako.
Pag gising ko, tayong dalawa na yung nasa tent...kumakain ka, hindi ko alam kung aalis na ba ko sa tent o magiistay. tapos inaya mo ko na kumain din. Lumapit naman ako para kumuha ng pagkain mo tapos nagulat ako ng bigla mong tinaas yung kutsara at sinubuan mo ako. Iniwas ko agad yung mukha ko kasi alam kong namumula ako at ayaw kong mahalata mo yun.
"Uhh, may tubig ka?" tanong ko sayo.
"Oo, kunin mo dyan sa bag ko" sagot mo kaya naman kinuha ko yung bag mo at kinuha yung tubig mo sa loob.
"Ako din painom" sabi mo habang umiinom ako. Pupunasan ko pa sana kaya lang nagulat ako ng biglang kinuha mo at uminom ka kung saan ako mismo uminom.
"A-ah, b-bak..." utal utal kong sabi.
"Uhmm, ansaaaarap!" sabi mo na parang tuwang tuwa ka pa...
At eto nanaman, yung puso kong tumitibok ng sobrang bilis dahil sayo. Kailan ba to titigil? Halos init na init yung mukha ko dahil sa ginawa mo..indirect kiss.
Ughhh, siguro uhaw ka lang talaga kaya nagmamadali kang uminom. Oo..tama. Uhaw ka lang talaga.
Nung gabi ay nasayo pa din ang jacket ko, ayos lang sakin lamigin basta wag lang ikaw.
Pagkagising ko naman ay halos nanginginig na ko sa sobrang lamig..
"Nako, para kang tanga dyan Arisse! Pinahiram hiram mo yung jacket mo tas lalamigin ka?" Sabi sa akin ni Alex.
Hindi nalang ako umimik ay tumayo na ako para makapag hilamos at mag toothbrush. Sinamahan ako ni Alex kaya habang naglalakad ako ay nakapikit pa din ang mga mata ko dahil inaantok pa ako.
"Alam mo parang tanga tong si Arisse, sobrang lamig na lamig yan kagabi" nagulat ako sa biglang pagsalita ni Alex kaya dinilat ko ang mga mata ko at ang una ko agad nakita ay ang mga mata mo...
"Hala, bakit kasi hindi mo agad sinabi sakin? Tsk" sabi mo.
Hinubad mo yung jacket, inilahad ko na yung kamay ko para sana tanggapin yun pero nagulat ako ng bigla kang lumapit sa akin ag ikaw mismo ang nagsuot sa akin nun.
Bakit ba ganyan ka? Pwede mo namang iabot nalang, pero bakit kailangan mo pang lumapit? Hindi mo ba alam na sa bawat paglapit mo ay bumibilis ang tibok ng puso ko?
Jake, tigilan mo na ko.
Gusto ko sanang sabihin yan sayo pero hindi ko magawa kasi paano kung wala lang pala talaga sayo? Paano kung assuming lang ako? Ayoko ng mag mukhang tanga, tanga na nga ako pagmumukhain ko pang tanga ang sarili ko.
Habang suot suot ko yung jacket, andaming nakakapansin...
"Hala, parehas ng jacket si kuya Jake at Ma'am Arisse" sabi nung isang ka org ko sa kasama niya.
Di ko nalang pinansin yun pero..
"Diba kay kuya Jake yung jacket na yun? Bakit suot ni Ma'am Arisse?" rinig kong sabi ng isa pang nakasalubong ko.
Hindi ako naiinis, in fact, kinikilig nga ako eh. Ang cute lang kasi na nagtataka sila na parang may something pero alam ko namang wala lang yun. Wala lang.
Pagkatapos ng camping na yun ay final exams na at pagkatapos noon..gagraduate na ko. Dapat ko bang ikasaya yun? Na hindi na kita makikita? Na malalayo ka na sakin? Siguro oo, dahil makakalimutan na din kita..sa wakas.
**
Graduation na namin ngayon. Hinihiling ko na sana, kahit sa konting sandali, makita kita. Hindi ako nabigo dahil nandun ka...pero eto na, iiwan na kita. Aalis na ko at magsisimula na ulit ako ng bagong buhay.YUN ANG AKALA KO..
Dahil pagkatapos ng isang linggo, noong nagbirthday si Luis, ay nagkita muli tayo...