Nagsimulang mag practice ng cotillion para sa prom. Akala ko hindi ka kasali pero nagulat ako nung tinawag ka ng adviser niyo. Pinilit kong wag mangialam sa presensya mo at nagpractice nalang ng maayos. Siguro makatapos ang isang buwan ay natapos na din ang pagpapractice. Hindi ko na sasabihin pa kung anong mga nangyare pero pagkatapos ng ilang araw na pagpapractice ay naging malapit nanaman tayo.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko na maging malapit ulit sayo. Halos ilang beses mo na kong nasasaktan ng hindi mo alam o alam mo naman sadyang wala ka lang pakialam? Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko na mahulog ako ng paulit ulit sayo. Hindi ko alam dahil simula noong makilala kita ay naubusan na ako ng mga dahilan, dahil kahit alam kong mali ay tumutuloy pa din ako. Siguro ay dahil gusto kita? O siguro ay mahal na?
Pero sapat bang rason na mahal mo ang isang tao para gumawa ng alam mong mali? Hindi. Kasi kasalanan pa din iyon, kahit anong gawin ko ay kasalanan pa din ito, isang malaking pagkakamali pa din tayo. Ang sabi ng iba ay wala naman daw tama o mali sa pagmamahal basta mahal mo ay tama na iyon, pero paano kung ang mahal mo ay pagmamay ari na ng iba? Tama pa din ba na mahalin mo siya?
Ang dami kong tanong, na bakit sa dinami daming lalaki ay ikaw pa ang una kong minahal ng totoo. Oo, nagkaroon na ko ng mga karelasyon noon, pero ito, itong nararamdaman ko sayo, alam kong iba to. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko sa tuwing nandyan ka, ramdam ko ang mga paru-paro sa tyan ko tuwing nakikita kita, ramdam ko at alam ko na, ito na nga ata yun, ikaw na ata yun. Alam kong ikaw ang unang totoo kong minahal dahil kahit paulit ulit na saktan at iwan mo ako ay handa pa din akong bumalik sayo, kahit na iwan mo ako ay hindi ko pa din makakaya na ialis ka sa sistema ko, lagi kong iniisip kung "okay ka lang kaya?", "kumain ka na kaya?" at madami pa. Alam kong ikaw na dahil hindi ako nasasaktan tuwing naaalala kita, hindi ako umiiyak pag naiisip kita, ang tanging nararamdaman ko lang ay ang kasiyahan na tanging ikaw lang ang nakakapagparamdam sa akin pero tuwing maiisip ko na kanya ka, na hindi ka akin, na hindi tayo pwede, ay parang sinasaksak ang puso ko sa sakit. Ang sakit kasi gusto kong ipaglaban ka, gusto kong maging akin ka, gusto kong agawin ka, pero hindi ko kaya.
Dahil hindi ko makakaya na pipiliin mo lang ako dahil pinilit ko ang sarili ko sayo, hindi ko matatanggap na kaya ka lang nasa tabi ko ay dahil napipilitan ka lang. Gusto kong maging akin ka, pero ayoko ng may kahati, gusto ko yung ako yung pinili mo dahil ako ang mahal mo, ako ang magpapasaya sayo.
Prom night.
Hindi ako sumasayaw noong magsimula ang sayawan dahil inaantay ko na ayain mo ako. Tanga na kung tanga, bobo na kung bobo, malandi na kung malandi pero gusto kong ikaw ang una kong masasayaw. Halos ilan na din ang natanggihan ko para lang ikaw ang una ko pero noong makita kita, nasa isang sulok, hawak mo ang cellphone mo na nakatapat sa tenga mo. Alam ko na, na kahit wala siya, siya pa din talaga. Na kahit ako yung nandito, siya pa din yung pipiliin mo.
Pinagmasdan lang kita...
Isang segundo...
2...
Bakit nga ba kita pinagmamasdan?
3...
4...
Siguro para matauhan?
5...
6...
Siguro para matanggap ko na
7...
8...
At mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang pag ngiti mo...
9...
Kasabay ng pagtulo ng luha na galing sa mata ko...