Oo, nagkita ulit tayo..
Sa lugar kung saan madami tayong alaala, sa lugar kung saan mo ko tinuturuan ng math, kung saan mo hinawakan ang kamay ko, kung saan mo ko niyakap, kung saan mo ko hinalikan, kung saan mo ko kinantahan...nandito ulit tayo.
Antagal na panahon na simula noong huli kong punta dito, siguro dahil sa paghihiwalay ni Alex at Luis kaya ganoon. Oo, naghiwalay sila.
Habang nanduon ay para bang nauulit lang ang lahat ng nangyare dati, nagkatabi tayo, humihilig ka sa braso ko, niyayakap mo ang bewang ko at hindi ko na alam pa! Lalo na noong tayong dalawa ang naiwan sa labas ng kwarto at sila ay nasa loob..
Kinuha mo ang kamay ko at sinandal mo ako sa pader..
Nilapit mo ang mukha mo sa mukha ko...
Tinapat mo ang mga labi mo sa labi ko...
At naramdaman ko na lang bigla ang noo mo sa noo ko at ang ilong mo sa ilong ko...
Napapikit ako dahil alam ko..
Hindi mo naman ilalapat ang labi mo sa labi ko..
Alam ko, na hanggang dun lang tayo..hanggang dun lang.
Kaya tinulak kita at narinig ko ang paghinga mo....
"Sorry Arisse" yun lang ang sinabi mo.
Yun lang pero bakit ansakit? Ang sakit kasi pinaparamdam mo na nasasaktan ka din pero ang totoo, hindi naman! Pinaparamdam mo na mahal mo ko pero hindi naman! Nagsosorry ka kasi alam mo sa sarili mo na kahit anong gawin ko, hindi mo siya kayang iwan..na hindi mo siya kayang saktan kagaya ng ginagawa mo sakin ngayon. Ang sakit kasi alam ko, na kaya ka humihingi ng tawad kasi huli na to..alam ko.
Kaya ngumiti ako sayo at sinabi kong
"Ayos lang" sanay na ko. Sanay na kong masaktan mo, sanay na ko sa pagpapaasa mo, sanay na talaga ko...kaya ayos lang.
Umalis ako sa harap mo at pumunta sa banyo..
P*ta.
Saktong pagtulo ng luha ko...
Ang sakit na Jake! Gusto kong malaman mo na nasasaktan ako kasi baka..
baka lang naman...
kahit konti..
maawa ka sakin at makita mo kung gaano ako nasasaktan para itigil mo na yang pagpapanggap mo na parang mahal mo din ako, na parang nasasaktan ka, kasi hindi naman talaga diba? Hindi naman talaga.
Pinahidan ko ang luha na galing sa mata ko. Tumingin ako sa salimin at inayos ang itsura ko...
Hindi. Ayokong makita mo na nasasaktan ako. Ayokong makita mo na nagpapakatanga ko sayo. Ayokong makita mo na nahihirapan ako kasi ayoko ng awa mo. Ayoko ng mga kasinungalingan mo. Ayoko.
Lumabas ako ng cr ng hindi pinapahalata na umiyak ako, bumalik ako sa sala at nandun kayo ng mga kaibigan mo.
"Arisse, dito ka dali. Alam ko namang gusto mo kong katabi" sabi ni Miguel na kaibigan mo.
Nginitian ko siya tsaka ko sinabing "Baliw to" pero umupo pa din ako sa tabi ni Miguel dahil yun nalang naman yung pwesto na natitira.
Pilit ko mang iiwas yung tingin ko sayo ay hindi ko magawa kaya napatingin ako sa direksyon mo at nakita ko na nakatingin ka sakin.
Galit? Oo, parang galit yung tingin mo pero bakit? Ayokong isipin na nagseselos ka pero yun ang naiisip ko. Pero siguro nag aassume nanaman ako, lagi naman eh...
Nung pauwi na..
"Sabay ka na sakin Arisse, hatid kita" sabi ni Miguel.
Papayag na sana ko tutal gabi na din at para libre pamasahe ng biglang..
"Hindi, sakin sasabay si Arisse. Tara na, sumakay ka na" sabi ni Jake.
Gustuhin ko man na mag inarte pero ayoko ng palampasin tong pagkakataon na to dahil alam ko na baka huli na to, huling pagkikita na natin to. Kaya sumakay ako sa motor mo at nagpaalam na sa ibang mga kaibigan mo.
"Kumapit kang mabuti ah" sabi mo.
Kumapit ako dun sa likod ng motor, habang nasa may highway na ay bigla kang nagsalita.
"Pwede bang daan muna tayo sa playground dyan?"
"Ahh bakit? Anong gagawin natin?"
"Sandali lang tayo, may sasabihin lang ako"
Pumayag na ako pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Eto na ata yun, kailangan na nating magpaalam sa isa't isa.
Noong nasa playground na tayo ay umupo tayo parehas sa swing.
"Alam mo Arisse, sana nauna kitang nakilala"
"Ha?"
"Wala wala, gusto ko munang makasama ka saglit"
Halos kalahating oras tayo doon. Hindi tayo naguusap, nakaupo lang tayo parehas sa swing pero kahit di tayo naguusap masaya na ko, masaya na ko na kasama kita kahit saglit lang kahit papaano naramdaman ko naman na akin ka.
Ang hirap, sobrang hirap magmahal at umasa lalo na sa taong may mahal nang iba pero minahal kita at umasa ako na mamahalin mo din ako pabalik pero alam ko naman na, hindi mo ko mahal...
Pero ang gulo lang kasi yung kilos mo, pinapakitang mahal mo ko pero alam kong hindi totoo yun dahil nga may girlfriend ka na. Hindi ko na alam kung saan ko ipepwesto yung sarili ko. Mahal kita, sobrang mahal kita pero siguro nga hindi talaga ako yung mahal mo.
***after 6 months.
College na ko ngayon, ikaw naman ay highschool pa din. Akala ko pagpasok ko ng kolehiyo madali na kitang malilimutan, akala ko lang pala kasi kahit andami kong nakikitang lalaki sa bawat araw na pumapasok ako...ikaw at ikaw pa din.
Ikaw yung gusto kong makita, ikaw yung gusto kong makasama, ikaw yung gusto ko...
Pinipilit ko namang kalimutan ka, naghanap ako ng bagong pwedeng maging inspirasyon, naghanap ako ng paraan para mapasaya yung sarili ko na wala ka at eto nanaman, akala ko nanaman nakalimutan na kita, akala ko okay na ko, na nakamove on na ko sayo, na may iba na kong gusto, na masaya na ko kahit wala ka, akala ko lang pala lahat yun...
Kasi ngayon na nakikita kita, na masaya habang kasama siya...
Masakit pa din eh...
Sobra sobra pa din yung sakit.
Yung mga sugat na akala ko naghilom na, dumugo ulit.
Para bang nabuhusan ako ng isang napakalamig na tubig at naisip ko...
"Ayan oh, masaya pa din sila. Matatag pa din sila, kahit anong gawin ko hindi ko kayang sirain yung relasyon niyo, kasi mahal niyo yung isa't isa, kasi siguro kontrabida lang talaga ko, epal lang ako, isang bitch lang ako na sumisira ng relasyon pero alam mo...
Minahal kita, Jake.
Mahal pa din kita.
At alam ko, mamahalin pa din kita sa mga susunod pang araw...
Pero wag kang mag alala kasi makakaya ko to, diba ikaw yung nagturo sakin na maging malakas at matapang? Kaya wag kang mag alala kasi alam ko, malalagpasan ko to. Hindi man siguro ngayon o bukas, pero alam ko na dadating yung tamang panahon na makakalimutan ko na din tong nararamdaman ko para sayo.."
Pagkatapos ng anim na buwan, tumulo ulit ang mga luha ko..pero ngayon, sigurado na ko! Huli na to.