3

14 0 0
                                    

Pagkatext ko sayo ay agad ka din namang nagreply, tinanong mo kung sino ako at kung ano ano ng napagusapan natin. Katulad na ng paggawa ko ng thesis, mga assignments mo at kung ano ano pa.

Araw araw at gabi gabi tayong magkatext. Yung kahit nasa klase walang makakapigil sakin basta magkatext tayo. Isang beses nga ay may program sa school, pumunta ang girlfriend mo at nakita ko kayo na magkasama. Hindi ko na lamang pinansin pero sa totoo lang takang taka ko sa inaasal ng puso ko na parang napupunit dahil sa sakit.

Umuulan noon at wala akong payong habang kayo ng girlfriend mo ay may payong. Kasama ko ang mga kaibigan ko ngunit may kanya kanya silang lovelife kaya kasama ko ang mga kaibigan mo. Nagulat ako ng may biglang nag abot ng sumbrero sa akin. Tinanong ko kung kanino galing at ang sagot naman sakin

"Galing kay Jake"

Hindi nanaman mapakali yung puso ko nung narinig ko na sayo galing yun pero paano? Kasama mo yung girlfriend mo nun eh, bakit concerned ka pa sakin? Naiinis ako, bakit mo pa pinahiram sakin yung sumbrero mo pero deep inside eh parang nagpaparty na yung puso ko sa kilig at saya.

Kaso narealize ko, baka naman naawa ka lang sakin diba? Baka wala lang talaga yun para sayo, hindi dapat ako umaasa, hindi dapat ako kiligin kasi taken ka na, pero hindi ko talaga mapigil eh.

Mga 11pm na ng matapos ang program, bigla ka namang nagtext sa akin. Sabi mo kumain na ko ng hapunan, maligo ako kasi nabasa na ko ng ulan at pinagalitan mo pa ko kasi bakit ako nagpapaulan. Bakit ka ba ganyan? Ang sweet mo eh, nakakainis lang. Bakit ang landi mo pero kahit ganun napapangiti pa din ako ng mga text mo. Magkatext tayo hanggang ala-una. Nagusap sa kung ano ano. Bago ko natulog, nag isip isip muna ko.

Inisip ko na dapat hindi ako kiligin sayo, dapat wala akong nararamdaman sayo, dapat itigil ko na to kaya bago ako makatulog, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako magpapakatanga sa mga sinasabi mo. Dapat hindi ako yung tanga dito, dapat ikaw kaya kung pinagtitripan mo ko ay pagtitripan lang din kita. Kung hindi ka seryoso dapat hindi din ako seryoso kasi sa huli pag iniwan mo ko, ako lang yung masasaktan, ako lang yung kawawa, ako yung iiyak, ako yung tatanga tanga at hindi ko hahayaang mangyari yun.

Kinabukasan, sinakyan ko lahat ng trip mo. Kung nagpapatawa ka, kung nagpapakilig ka, ganun din ginagawa ko hanggang sa gumaan yung loob ko sayo. Nagusap pa din tayo, halos dalawang linggo na din. Hindi ko maintindihan pero sayo ko lang nakwento yung mga naging problema namin ni Sean, sayo ko nilabas yung galit ko sa kanya, ganun ka din naman sakin. Sinasabihan mo ko ng tungkol sa inyo ng girlfriend mo, pag nagaaway kayo, pag nagagalit siya sayo at kung ano ano. Nagtetext tayo hanggang sa yung text napunta sa tawagan.

Isang gabi, alas diyes na ng tinawagan mo ko. Kung ano ano nanamang pinagusapan natin, hindi ko alam pero tawang tawa ko sa mga kinekwento mo. Sinabi ko halos lahat ng hinanakit ko at pinagaan mo naman ang loob ko. Hindi natin namalayan alas tres na pala ng madaling araw. Halos limang oras din tayong magkausap, naputol lang yun ng pinatulog mo na ko dahil late na.

Nagtataka ko, paano ka nakakatawag sa akin ng ganun katagal eh alam ko naman na magkatext din kayo ng girlfriend mo. Minsan nga nawrowrongsend ka pa sakin eh, magugulat nalang ako makakareceive ako ng text na..

"Alis na po ko, baby. I love you"

Di ko alam kung nananadya ka o sadyang nawrongsend ka lang talaga, nakakainis eh. Hindi naman ako dapat makadama ng kahit ano pero bakit nasasaktan ako? Nasasaktan ako kasi bakit ako andali kong naiwan si Sean para sayo pero ikaw, hindi mo magawang iwan yung girlfriend mo. Ang tanga tanga ko talaga.

Ang tanga ko kasi hinayaan ko na malaman mo yung mga kwento tungkol sakin, ang tanga ko kasi pinakita ko sayo yung totoong ako, nakita mo yung totoong ako. Ang tanga ko kasi natutuwa ako sa mga kwento mo, sa mga texts mo, ang tanga ko kasi bakit ako nag open up sa isang taong wala namang pake diba? Sorry talaga, ang tanga ko.

Alam ko nanaman eh, alam ko na nahulog na yung loob ko sayo pero ayokong aminin yun sa sarili ko. Iniisip ko na baka nageenjoy lang ako sa company mo, na baka wala kasi akong love life kaya naghahanap ako ng may concern sakin. Minsan nga ay nagkita pa tayo sa kanto namin, linggo noon at sabi ko may bibilhin lang ako sa may labasan. Sinabi mo na sasamahan mo ko, syempre humindi ako pero nagulat ako ng makita ko na andun ka na. Paguwi ko naman ay nagtext ka sa akin na "buo na araw ko"

Bakit ka ba ganyan? Pinapaasa mo ko eh, puta. Alam kong may girlfriend ka pero parang nawala na sakin yung katinuan para malaman kung ano ang tama sa mali, kaya ayun, tinuloy ko ang katangahan ko at nagpatukso sa kalandian mo.

Pero pagkatapos ng halos isang buwan nating paguusap o wala pa nga yatang buwan ay nalaman ng nanay ko na nakakatext ko ang isang lalaking taken na. Syempre nagalit siya, walang phone, walang net, walang kahit na ano. At wala ka...

Wala ka na para pagaanin ang loob ko, hindi na kita makakausap para patawanin ako, wala na kong masasabihan ng mga problema ko, wala na yung taong makakaintindi sakin, wala ka na eh. Nalaman na ng nanay ko eh.

Pagkatapos nun ay para kong tanga lalo, naamin ko na sa sarili ko na GUSTO KITA.

Ang kinakatakot ko nga lang ay baka mas malala pa ito sa pagkagusto, kasi alam mo nung mga panahong di tayo nakakapagusap masulyapan lang kita, okay na ko. Grabe, hindi ko alam kung paano mo nagawa sa akin na maging ganto pero ikaw palang ang unang lalaking nagpatibok ng husto sa puso ko. Yung tibok na parang sasabog na siya sa sobrang kaba, kilig, saya, inis, lungkot, at kung ano ano pa, unang beses kong maramdaman to. Akala ko hindi totoo yung mga nababasa ko na bumibilis yung tibok ng puso, na parang nagsoslowmotion ang paligid, akala ko ka-OA-an lang yun eh pero bigla kong naramdaman sayo. Sa loob ng halos tatlong taon namin si Sean ay hindi ko pa iyon nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahon na to, kasi galit ang nanay ko sakin, yung mga kaibigan ko tila hindi ko na din mapagkatiwalaan, si Sean na halos sirain na yung pagkatao ko, na halos lahat ng gawin ko at sinabi na niya sa pamilya ko para pagalitan ako, hindi ko na alam pero pakiramdam ko magisa nalang ako eh.

Isang gabi, ako lang magisa sa bahay. Nagulat ako ng biglang nagring yung telepono namin, pagkasagot ko halos maiyak ako nung boses mo ang narinig ko. Parang boses mo pa lang ay ayos na ulit ako, tinanong mo kung okay lang ako at kung ano ano. Gumawa ako ng bagong facebook para dun tayo magusap pero nakita ni Sean iyon at agad naman akong sinumbong sa nanay ko. At hindi nanaman tayo nakapagusap. Galit na galit ako kay Sean ng mga panahong yun.

Bumaba yung top ko sa klase, syempre lalong nagalit yung nanay ko. Pinagsabihan ako ng kung ano ano pero this time kasama na niya ang tatay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko pero eto yung mga panahon na sobrang stressed na ko. Kinabukasan pag pasok ko sa school, pagkakitang pagkakita ko kay Sean ay napaiyak ako.

Yamot na yamot ako sa kanya na kahit makita ko lang yung pagmumukha niya hindi ko kaya. Mahal niya ko? Kung mahal niya ko bakit sinasaktan niya ko ng ganito. Nakaka-g*go naman yung pagmamahal niya diba? Oo, alam kong mali ako kasi may girlfriend ka na eh, pero wala eh. Mahal na kita, mahal na talaga kita Jake.

Umiyak lang ako sa mga kaibigan ko nun, hindi ko alam ang gagawin ko kasi feeling ko sirang sira na yung puso ko. Kasi ansakit sakit, ginawa ko lahat ng katangahan para sayo kahit magalit yung magulang ko sakin, kahit masabihan na ko ng masasama ng ibang tao okay lang sakin kasi mahal kita eh. Sobrang mahal kita, pero ansakit sakit na.

His Second BestWhere stories live. Discover now