Chapter 28

9.1K 323 192
                                    

Chapter 28

Heart

"I'll just pick you up at your apartment tomorrow, then?" I asked as we walked out of the mall.

Tapos na siyang bumili ng kailangan niya. But I ended up carrying his stuff because it was quite a lot. I didn't want his to strain himself.

Why am I even explaining? What's wrong with me carrying his stuff, anyway? Nakipag talo pa nga sa akin na kaya niya pero ang ending sa akin din naman binigay.

"But... if you're not comfortable with that, it's fine. Just text me where to pick you up," bawi ko nang hindi siya nag salita.

Tumikhim siya at nag kamot ng batok. Tingnan ko siya habang mag kasalubong ang dalawang kilay.

"Hindi. Hindi ko lang alam kung sanay kang pumunta sa ganoong lugar." aniya sa mahinanong boses.

Nag taka agad ako. "Anong lugar?"

"Maingay tapos mausok,"

Umaawang ang labi ko at napakurap-kurap. Tumagal sa isip ko ang sinabi niya at hindi agad ako nakapag salita. Maingay at mausok? Anong ibig sabihin niyan? Isn't his apartment private or maybe a condo? With air conditioning and high up in a tower?

Ay, oo nga pala. Apartment lang 'yon. Nakakita na pala ako no'n.

"See? Kaya h'wag na. Baka mag kasakit ka pa kapag pumunta ka roon." tigil niya sa iniisip ko bago ako inunahan mag lakad.

Lalong nag kasalubong ang kilay ko. Mag kasakit? Ano ako bata? Baby? Kung baby niya baka? Pinigilan kong matawa sa naisip. Tangina. Kaya halatang-halata na may gusto kasi ganito! Kahit sa utak gumagawa ng joke!

Umayos ako ng tindig at tumikhim.

"What do you mean mausok at maingay? Tapat ba ng kalsada ang apartment mo?" tanong ko at pinantay siya sa lakad.

Umiling siya. "May tapat na isawan kaya mausok. Maingay dahil maraming tricycle. Alam mo? H'wag ka nang pumunta para madali."

"Anong isawan?" wala sa sarili kong tanong.

Natigil siya sa pag lalakad at laglag ang pangang tumingin sa akin. I also stopped and stared back at him. Awang ang labi niya na parang gulat na gulat. What? Nag tatanong ako! Ano ang isawan? At bakit mausok?

"Hindi mo alam?" mabagal niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi. Ano 'yon?"

Natulala pa siya at maya-maya'y humagalpak na ng tawa. Kumunot ang noo ko pero nahahawa na rin sa kanya kahit hindi alam kung ano ba ang nakakatawa. Mukha bang joke ang tanong ko?

"Isaw! 'Yung street food na sikat!" aniya, tumatawa pa rin.

Ngumuso ako at bahagyang napaisip. Pamilyar ang salitang 'yon, ah? Hindi ko lang alam kung saan ko narinig. Natigil tuloy kami sa pag lalakad dahil dito!

"Ah... Mag kaiba pala ang isaw at isawan? Okay. Gets ko na. So, ano naman 'yung isawan?" lito ko pa ring tanong pero mayroon nang alam.

Imbis na sumagot ay lalo lang siyang natawa sa akin. Pinag titinginan na kami ng mga dumadaan at mukhang nag tataka kung bakit tumatawa ang lalaking kasama ko. Ang iba ay napapangiti sa amin. Nag iwas ako ng tingin at tumikhim.

Ano ba kasing nakakatawa? Wala naman. Seryoso akong nag tatanong pero ang isang 'to parang nang aasar pa.

"Ganiyan ka ba talaga? Nakakahiya, ah? Pakiramdam ko tuloy ang hirap-hirap ko." tumatawa niyang sabi.

"What? Hindi ka mahirap. You're even laughing at me," giit ko.

Suminghap siya at pilit na nag seryoso. His eyes were still full of amusement, a sight that I rarely saw in him. I licked my lips. If I had known that this was what it took to make him laugh, I would have become a joker a long time ago.

Star-Crossed Melodies (Echoes #1)Where stories live. Discover now