Chapter 32
Disgust
"Hindi pumayag si Ellis?! Ano bang sinabi mo sa kanya? Baka sinabi mong bubugbugin siya kapag natalo tayo sa laro kaya hindi pumayag?" pasigaw na tanong ni Reon.
Nag tataka akong tumingin sa kanya. Umalis si Coach, kasama si Eduard at iniwan kaming anim dito. Ang bilin niya mag practice at tingnan ang galaw ng kalaban, pero pinag lalaruan ko lang ang bola sa daliri ko.
Tumitingin ako sa kalaban pero iiwas din dahil titigil sila kapag nakitang nakatanaw ako. I wasn't in the mood to practice. I felt heavy, and I knew why. There was only one reason.
Mag kakagana lang siguro ako mag laro kapag nasa harapan ko na si Eduard. Wala, eh. Sinama ni Coach sa pag alis. Handa pa naman akong pakitaan siya ng dribble sa mukha.
Ah, MVP siya? Kaya pala ganoon kayabang? I don't recall hearing about his basketball prowess when he was at our university.
He was known as Alexandria's ex. Walang ibang pangalan. Kaya siguro ngayon gumagawa. He didn't shine in the first university, so he came here.
Pero subukan niyang mag pakita ng kayabangan sa team, hindi siya uumbra sa akin.
"Kinausap mo ba nang maayos? Baka naman niyaya mo ng sparring imbis na sa basketball?" ulit ni Reon.
Tuluyan ko na siyang tingnan. "He really doesn't want to, Reon. I can't force someone to do something they don't want to. At hindi ko rin siya pipilitin kahit kailan."
Nag kasalubong ang dalawa niyang kilay sa sagot ko.
"Kung ako siguro ang kumausap, papayag 'yon."
Umirap ako.
"Hindi ka kakausapin no'n."
"Bakit? Mas mabait pa nga ako sa 'yo."
"Ako lang kinakausap," asar ko.
Hindi niya ako pinansin. "Siya ang gusto kong makasama natin sa team, hindi si Eduard. Hindi ko trip ang ugali n'yan."
Tumaas ang kilay ko at bahagyang natigilan. Hindi lang pala ako? Akala ko ay kaibigan niya ang lalaking 'yon, hindi pala. Inis din, nakikipag plastikan lang. He was talking to him when I arrived but he doesn't like him either. Siya pa yata itong masaya nang isama ni Coach Willy si Ed sa pag alis.
"Sino ba kasi nag sabing siya ang isali?" tanong ko.
Nahilamos niya ang kanyang palad sa mukha na parang hagas na hagas.
"Hindi ko rin alam. Hindi si Zede, at lalong hindi si Yazid. Baka sa dalawa. Sila Hans at Joaquin."
Nag tagal ang mata ko sa kanya. "Kilala ba nila si Eduard?"
"Malamang! Kahit naman paloko-loko ako, hindi ako mag sasali na ganiyan kakupal ang ugali. Kinakausap ko lang si Eduard dahil gusto kong makichismis pero ayaw ko r'yan." natawa siya.
I smirked. See? Chismoso talaga 'to. Sa akin na nga lang yata ito walang alam. Hindi niya alam na...
"Anong chismis ba ang gusto mong mahalungkat?" tanong ko kahit alam ko naman na.
"Kung sila pa ba ni Dino." aniya sabay seryosong tumingin sa akin.
My jaw clenched. Right. Eduard did leave Alex for Dino. Their relationship was a mess, but looking at it now, Alex seems fine. Looks like she's moved on. Well, may gusto na nga yata kay Ellis?
Too bad, because I'm the one who won. Every time she fancies someone, they turn out to like guys.
Bumalik siya kay Ed. Tutal mukha namang wala ng boyfriend 'yon. Pero walang nag bago, mukhang rapist pa rin.
YOU ARE READING
Star-Crossed Melodies (Echoes #1)
RomanceBoth men are afraid of falling too deeply in love because of the emotional and social barriers that stand in their way. They struggle with the question of whether their love can survive in a world that demands conformity from both of them. This is...