I notice that the characters are becoming more aggressive. Even in the use of vulgar or explicit language, please read with caution and use your own discretion. If you are sensitive to this, feel free to skip this chapter.
Trigger Warning: vulgar words, explicit language.
Chapter 33
Prison
"Coach, can we meet tomorrow? I just have an important question to ask." seryoso kong sambit sa cellphone habang naririnig ang boses ni Coach Willy.
May pasok ako ngayon at dahil wala pa ang prof namin, lumabas muna ako para tawagan siya at sabihin ang sadya ko.
"May problema ba, Abuel?" tanong niya.
Umigting ang panga ko. "Wala naman. I just have a question. I want to talk to you in person. When will you be free?"
Matagal bago siya nakasagot, pinag titinginan na ako ng kapwa ko Engineering dahil nasa tabi pa ako ng basurahan! Damn it! Umusog ako nang kaunti.
"Bukas, katulad ng sinabi mo. Itetext ko kung anong oras at saan." aniya.
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Nag pasalamat lang ako at pinatay na ang tawag. Mabuti at hindi na siya nag usisa sa tawag kung ano ang sadya ko. Bumalik ako sa klase at saktong dating ng prof namin.
Last na period na 'to at susunduin ko na si Ellis sa OJT niya. Dalawang linggo na siyang napasok doon. Habang ako, I can barely keep up with my tasks.
Dahil laro na namin next week, puro practice na. Kung dati ay isang beses lang kami nag prapractice sa isang linggo, ngayon ay pag katapos ng klase namin ay dederetso kami ng court. And today, after picking up Ellis, I have to go back to the university for training.
Pag katapos na naging usapan namin ni Ellis, 'yung binanggit niya ang tungkol sa peklat, hindi ko na sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. I didn't ask anymore because what for? I already know who it is.
I just need solid evidence. Kung mag coconnect lahat ng hinala ko, magiging tama ang hula ko. And I can do that if I talk to Coach Willy. That's why I want to see him tomorrow.
Every practice, every time I'm with him, I can't take my eyes off him. So that's why he looked at me like that, he's a rapist. I thought he was just sleazy, but he's not. Kung noon ay hindi ko na masikmura ang makasama ang isang tao na galing Caloocan, ngayon ay halos isuka ko na.
I can't believe Eduard could do that! Yes, it's obvious from his face that he prefers men over women, but I never thought he could rape someone.
At si Ellis pa talaga ang napili niya.
God knows how much I'm holding back every time I see him. My whole body trembles and I want to hurt him. I want to make him feel the pain Ellis is feeling. Gusto kong ibalik sa kanya ang pakiramdam na pinaninindirian ang sarili.
Because I promised Ellis that once I found out who did that to him, that person would go to jail. I said that without even knowing who it was, what more now that I know and he's even on my team?
Just a few more pieces of evidence and I can prove it. Kaunti na lang.
"Hindi ka sasama? Diretso raw ng bar pag katapos ng practice. Si Eduard ang nag yaya. Sagot niya pati alak." ani Zede habang palabas kami ng room.
Na nanatili ang aking mata sa harapan. "May pupuntahan pa ako. Baka mahuli rin ako sa practice, pakisabi kay Coach Willy kapag dumating."
Sa gilid ng aking mata ay napatingin siya sa akin. Nag tagal pa iyon kaya tumingin ako pabalik. Nakataas ang kilay niya at puno ng pag kamangha ang mata.
YOU ARE READING
Star-Crossed Melodies (Echoes #1)
RomanceBoth men are afraid of falling too deeply in love because of the emotional and social barriers that stand in their way. They struggle with the question of whether their love can survive in a world that demands conformity from both of them. This is...