Epilogue

17.5K 508 239
                                    

This is the last chapter of this story! I can't thank you enough for supporting my first story here on Wattpad. Marami po akong kakulangan habang sinusulat ito, but look, I finished it properly. Salamat po sa dalawa kong reader na sa tuwing may update ako ay kayo lang ang nag vovote, hinding-hindi ko kayo makakalimutan, alam n'yo 'yan!

Palagi po akong mag babalik tingin sa story na ito. Kung paano umusad ang reads at dumami ang votes. I'm not ready for this story to end yet, pero ayokong mabitin kayo.

I hope you enjoyed the story of Faustino Alonzo Abuel and Ellis Xydrien Gomez. Sana ay maging parte silang dalawa ng inyong puso.

Again, thank you! Happy reading everyone! See you at next Echoes Series #2.

Trigger Warning: suicide, self-harm, violence, attempted rape, sexual assault.

Epilogue

Warrior

Lahat ng bagay ay walang nakalagay kung sino ang puwedeng gumamit nito. Walang sinabi ang itaas na ang kulay blue ay para lang sa lalaki, at ang kulay pink ay para lang sa babae. Pero iba ang paniniwala ko. Siguro ay masyadong nalason ang utak ko sa nakasanayan ng mga tao.

With my young mind and heart, in the innocent world, I was exposed to the beliefs of the majority.

"Bakit ka nag lalagay ng lipstick, tito? Hindi ba para sa babae lang 'yan?" nag tataka kong tanong nang makita siyang nasa harapan ng salamin at may mapulang bagay sa kamay. Dinadampi niya iyon sa kanyang labi.

Umiling siya at hindi ako pinakinggan. Tumingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa at napansin na... para siyang babae kung manamit. Nakabistida at may hikaw. Nakamataas na sandals habang may shoulder bag na kulay yellow.

Lalo akong nag taka. Hindi ba sa babae lang ang mga ganoong kasuotan? Bakit niya sinusuot? Baka hindi niya alam na sa babae lang dapat iyon?

"Ang mga suot dapat ng lalaki ay hindi dress. Kung ganoon mananit ang tito mo, e 'di bading 'yon." umirap si Raven, kaklase ko noong elementary.

Siya lang kasi ang nakakausap ko sa school dahil wala akong kaibigan. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kaninang umaga bago ako pumasok. At kahit sinabi niyang bading si tito, hindi ako pumayag kahit na ang nakikita ko parang totoo.

"Baka nawalan lang siya ng damit?" inosente kong sambit.

Malakas na tumawa si Raven. Hinampas niya ang lamesa at halos maluha sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko at inayos ang salamin. Umiling na lamang ako sa kanya. Pinag lalaruan yata ako nito.

"Ayaw mo pang tanggapin, eh! Bading ang tito mo, Ellis! At alam mo ba ang ginagawa ni lord sa mga bakla? Hindi niya tinatanggap sa langit."

Iyon ang naging laman ng utak ko hanggang sa makaalis ng elementary. O, baka nga hindi lang laman dahil nakatatak na sa akin. Kaya kahit anong bagay na mag mumukhang babae ako ay nilalayuan ko. Ultimo pag lalagay ng pulbo sa mukha ay iniwasan ko.

Ayokong mapunta sa lupa. Gusto kong tanggapin sa langit.

Pero kung ano pa ang iniiwasan ko, iyon pa ang nangyayari at palaging napapansin ng mga tao.

"Lalaki ka ba talaga?"

Grade seven na ako nang maging kaklase ko si Leyla Pagcaliwan. Siya ang unang nakipag usap sa akin sa taon ko biglang junior high.

Nasa unahan ako nakaupo dahil malabo ang mata ko. Wala akong suot na salamin kaya siguro depinang-depina ang haba ng aking pilik mata.

Hindi ko siya kinibo.

"Mukhang kang babae. Seryoso kang Ellis ang name mo? Baka naiba ang spelling? Baka Elyse talaga?" sinilip niya ang aking mukha.

Iritado ko siyang tiningnan. Maamo ang mukha niya at napakaganda. She smiled sweetly at me before her gaze dropped to my lips.

Star-Crossed Melodies (Echoes #1)Where stories live. Discover now