KABANATA 1

905 48 2
                                    

"Surprise!" Sabay-sabay naagbati ng mga empleyado. Ala siyete nang umaga, at hindi pa lubusang nagigising ang kanyang diwa, pero heto't gising na gising na ang mga taong bumungad sa kanya sa pagpasok pa lang sa opisina.

Kasunod no'n ang marahang pag-abante ng kanyang magandang sekretaryang si Agatha, "happy Birthday, Sir Zach!" Namumula ang mukha nito at hindi masyadong makatingin kay Zach. Isa kasi ito sa may gusto sa kanya. Maingat nitong dinala ang parihabang birthday cake sa harapan ng binata. Sa ibabaw nito'y may nakasinding kandila na dalawang numero: 2 at 9. Agad naman n'yang hinipan ang mga sindi nito nang mailapit na ito sa kanya.

Twenty-nine. 'Yun ang bagong edad n'ya matapos madagdagan ng isa na namang taon. Sa kabila no'n, napakabata pa rin n'yang maituturing kumpara sa ibang mga opisyales, maging ng mga dating CEO ng kumpanya. Ang sinundan n'ya ay 'yung tatay n'yang wala pang isang taong nagre-retiro. At ang edad nito, seventy-two. Kahit hatiin sa gitna ang edad nito, mas matanda pa rin ito kay Zach. Siya kasi ang bunso sa apat na magkakapatid, pero dahil s'ya lang ang nag-iisang lalaki, s'ya ang masuwerteng naatasan ng ama upang humalili sa kanya.

Pero...masuwerte nga ba s'ya? Masuwerte nga siguro kung 'yun talaga ang gusto n'yang gawin sa buhay. Ang kaso, it's not even close to what he really wanted for himself; ang gusto n'ya ay maging isang Arkeologo. Ngunit dahil sa tugon ng responsibilidad, napilitan itong magtapos ng Business Administration sa kulehiyo; ito rin ang kanyang naging Master's Degree.

"Kayo talaga..." kakamot-kamot si Zach. Sinuyod nito nang tingin ang mga nakasabit na banderitas at mga dekorasyon sa bungad ng opisina. Natatawang napapailing din s'ya dahil sa mga lobong nakakabit, "nag-abala pa kayo. Kakaltasin ko na bang lahat 'to sa s'weldo n'yo?" Itunuturo nito ang nakahaying pagkain. Nakapatong ito sa isang parihabang lamesang nakasukdol sa isang sulok.

"Oy Sir ha!" Reaks'yon ng isa sa mga babaeng empleyado. Ito sa Maita. Ang kilalang pinakamadaldal sa mga staff. "hindi naman po namin in-order 'yan. Nag-potlock po kami para naman kahit isang araw lang sa isang taon, kami naman ang manlibre sa inyo. Parati na lang kasi na ikaw ang nagpapabili ng pagkain dito sa opisina. Para naman po hindi na masabi ng Papa n'yo na nagiging abusado na kami, heto, niluto namin ang lahat ng paborito n'ya para mainggit s'ya sa 'yo kasi hindi s'ya invited." Sinundan ito ng halakhakan ng iba pang mga empleyado. "Ay Sir Zach, joke lang 'yun ha?! Baka mamaya isumbong mo ako. Atin-atin lang 'yun ha?"

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Napangiti si Zach. Sanay na ito sa pagbibiro ng mga datihang empleyado na nakapaglingkod din sa kanyang Papa bago ito nagretiro. Suplado at masungit kasi ang Papa ni Zach. Taliwas naman ito sa personality n'ya. "Alam mo bang connected sa cellphone ni Papa ang CCTV dito sa office?" Nakangising biro ni Zach kay Maita. "So, naririnig n'ya tayo rito, alamo mo ba 'yun?"

Biglang namutla ni Maita, "sir, joke nga lang 'di ba? Peace po!" Nag-peace sign ito sa isa sa pinakamalapit na security cameras.

Timing naman na nag-ring ang cellphone ni Zach, "naku, I think he's calling na." Kahit na ang nafa-flash talaga sa screen ay ang 'selfie' ng isang mestisahing babaeng nagngangalang Czarina. "You are so fired, Maita..." nakabungisngis ito habang sumisenyas sa lahat na kailangan na n'yang sagutin ang cellphone n'ya at gusto na n'yang pumunta sa loob ng opisina n'ya for privacy. Nagsitanguan lang naman ang mga ito sa kanya.

***

"Bakit ako?" sabi ni Zach sa kausap sa cellphone.

"Ikaw lang kasi ang nasa Pilipinas ngayon, Zach." Boses ito ng babae sa kabilang linya. "Nasaan ba ngayon sina Mama at Papa, nasa cruise! Hindi naman p'wedeng umuwi si Ate Steph dahil alam mo naman na marami 'yung inaasikaso sa Switzerland. Hindi rin p'wede si Ate Moira dahil kapapanganak lang n'ya—"

"And you?"

"Ano ka ba Zach?! I'm still on our honeymoon right now, 'di ba?"

"Honeymoon? Na naman?! Ilang honeymoon ba ang kailangan n'yo? Di ba kagagaling n'yo lang sa trip?"

"Excuse me, but that was Scott's business trip. Kaya nga hindi natuloy 'yung honeymoon namin after the wedding, dahil do'n 'di ba? Ngayon pa lang talaga kami magha-honeymoon. At saka...c'mon Zach, ikaw naman ang mahilig sa mga ganung klaseng adventure kaya ikaw na lang."

"Czarina Lopez..." umiiling-iling na sambit ni Zach, "what makes you think you can always boss me around, huh?!"

"One, it's because I am older than you; and two, because I know I could." Humahagikhik ito. "At saka correction please, no? I'm Czarina Hernandez now. In short, ikaw na lang ang natitirang Lopez sa ating apat!" Tumawa ito nang malakas, "and too bad, you're stuck with it for the rest of your life!"

Napatawa si Zach, "I'm sorry, Mrs. Hernandez, but I can't. Kung gusto mo, after ng honeymoon mo, ikaw na lang ang dumiretso ro'n. Tutal, ilang taon ka na ring hindi nakakauwi rito sa Pilipinas. It's about time."

"What? Why can't you?!"

"Hello? I am trying to singlehandedly run a business empire right now, remember?"

"Ano ka ba? Eh 'di kumuha ka ng vacation. Iwanan mo muna kay Tito Johnny. Kahit for a month lang."

"A month?!"

"Or longer..."

"What?!"

"I'm sorry Zach, but I already spoke to Papa. Pumayag na s'ya kaya wala ka nang magagawa."

"What?!"

"'You heard me!"

***

"Sa San Ildefonso? Ano naman ang gagawin mo ro'n?" matapos sabihin ni Zach sa Tito n'ya ang iniuutos sa kanya ng kanyang pamilya. "Eh bukid 'yun ah." Pinsang buo ito ng kanyang Mama. Isa ito sa matataas na opisyales ng kumpanya, ngunti tulad ng kanyang ama no'ng nakaraang taon, naghihintay na lang din ito ng kaunting panahon para makapagretiro.

"You tell me, Tito Johnny, and the worst part? I have never been there...ever!"

"Ano bang mero'n do'n? Bakit ka raw pinapupunta ro'n?"

"Apparently, we have a forgotten property there. Kung hindi pa nakatanggap si Papa ng notice tungkol sa upaid property taxes, hindi n'ya maaalala na meron pa kaming dalawampung ektaryang lupain ro'n."

"Lupa? May bahay?"

"Wala."

"Wala? Eh sa'n ka tutuloy ro'n, sa k'weba?"

Natawa si Zach, "sa bahay raw ng malayong kamag-anak ni Papa."

"So, anong gagawin mo ro'n, magbabayad lang ng buwis?"

"That's just one of the many. Ang gusto ni Papa, ayusin ko rin ang titulo. May co-owner kasi s'ya sa title. Ang problema, he doesn't know who that was dahil hindi rin kilala ni Papa ang nagpamana ng lupain na 'yun kay lolo. At kapag nahanap ko na, he also wanted me to check if I can find some use to it or if possible, find an interested buyer na lang."

"Kaya mo bang gawin lahat 'yun sa loob lang ng isang buwan?"

Umiling si Zach. "I honestly don't know how long it's going to take me. But one thing is for sure...I officially hate my bully family. Ako ang bunso, ako dapat ang pa-chill-chill lang 'di ba? But here I am, their perpetually unwilling slave. "

"Masyado ka kasing mabait." Natatawang sagot ni Johnny. "Masunuring anak."

"In your honest opinion, is that a bad thing?"

"Bad for you; good for them."

[ITUTULOY]

MHST 2:  TagosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon